Chapter Nineteen

16K 321 10
                                    

--

-Krisandra-

"Ahem kuya... baka pwede mo ng pakawalan si Krisan?" pareho kaming natigilan ni Trail ng may mag salita... oo nga pala andito ang kapatid nito. Tinulak ko naman palayo sa akin si Trail at tinitigan ang kapatid nito.

Grabe kamukhang kamukha nga ito ni Trail... feeling ko bumalik ako sa college ng makita ko ang kapatid nito.

"Heh istorbo ka. Sino ba kasing nag sabi sayo na sumama ka sa akin dito ha?" saway dito ni Trail. Ngumisi lang naman ang kapatid nito.

"Because you went straight here brother... you didn't even bother to drop me by at your condo. Baka nakalimutan mong kasama mo ako dahil excited kang makita si Krisan" pang aasar nito kay Trail... nakita ko naman na pinamulahan ng mukha si Trail...

"Walang laglagan Felix" bumaling sa akin si Trail... lumapit ulit ito sa akin at inakbayan ako...

"Nga pala misis... si Felix younger brother ko... Felix si ate Krisandra mo, your sister in law" nanlaki yung mga mata ko sa way ng pagpapakilala sa akin ni Trail sa kapatid nito.

"Hello Krisan-aray naman kuya!" reklamo nito ng batukan siya ni Trail.

"Anong Krisan?! Its Ate Krisan!" sabi ni Trail na binibigyang diin ang salitang ate... ngumuso lang naman si Felix.

"Ayaw ko siyang i-ate dahil liligawan ko pa siya"

"Hoy kutong lupa narinig mo naman na asawa ko na siya diba?! Humanap ka ng iyo!"

"Ayaw ko nga! Gusto ko siya!"

Napanganga ako sa magkapatid na ito... kung magbangayan eh parang wala ako sa harapan nila... at isa pa, baka ako lang naman ang pinag uusapan nila?!

Nahilot ko ang sintido ko ng palakas na ng palakas ang boses ng dalawang magkapatid na ito... naikuyom ko ang mga kamao ko...

"Pwede bang tumahimik kayo?!" saway ko sa kanilang dalawa... agad naman silang tumahimik at nagkatinginan...

Napabuntong hininga ako.

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" tanong ko. Pagod na pagod na ako at gusto ko ng matulog dahil inaantok na ako... pero pagkakita ko sa dalawang ito nawala ang antok ko pero feeling ko dumoble ang pagod na nararamdaman ko.

"Binibisita ka-"

"Pwes wala akong sakit para bisitahin mo Trail" malamig na turan ko dito.... mukha naman itong natigilan...

"Look... pagod ako galing sa magdamagang duty ko okay? At ang gusto ko sa oras na ito ay makapag pahinga muna ako... pero nandito ka na naman at nanggugulo" sermon ko ito... parang bata naman na tumahimik ito at napayuko...

"I-I'm sorry..." natigilan ako ng mag sorry ito.

"Hindi ko alam na nagiging sakit na pala ako ng ulo... don't worry from now on , I will be more sensitive and sisiguraduhin kong hindi na ako manggugulo sayo... Felix tara na" aya nito sa kapatid.

"Kuya, your shirt" iniabot ni Felix dito ang puting damit ni Trail at tsaka coat... ng maisuot nito iyon ay tumingin ulit ito sa akin...

"Again I'm sorry..." sabi nito sa mababang tinig... nakatulala lang ako doon hanggang sa narinig kong bumukas at nag sara ang pinto ng unit ko... napapikit ako ng mariin at tsaka ko tinungo ko yung lamesa... may nakatakip na doon na pagkain.

Kumain na ako... hindi ko maiwasang makaramdam ng guilty... I am so ungrateful. Alam ko namang hindi lang nangungulit si Trail eh... he is just taking care of me... nilibot ko ang paningon ko sa unit ko...malinis na naman ito and I'm sure na nag linis kanina si Trail... iba na naman kasi ang ayos ng unit ko eh.

For the second timeWhere stories live. Discover now