Chapter Eleven

19.7K 359 11
                                    

—-

-Krisandra-

"Hey" napapitlag ako ng may biglang umakbay sa akin. Paglingon ko nakita ko si Stephan.

"Hey yourself" nakasimangot na sabi ko dito.

"Mukhang bad mood ka ah. Bakit anong nangyari sa date niyo kahapon ni Trail?" nilingon ko ito at binigyan ng isang masamang tingin.

"Wag na wag mong babangitin ang pangalan ng hinayupak na yan sa harapan ko" yamot na sabi ko dito na ikinatawa naman nito.

"Bakit... ano bang ginawa sayo ni... Trail?" pang aasar nito. Inalis ko ang pagkakaakbay nito sa akin at nilayasan ko na ito. Hanggang ngayon ay bad trip pa din ako. Kahapon lang naman nangyari iyon at hindi pa din humuhupa ang galit ko.

Pinilit kasi ako ni Trail na mag zipline. Takot ako sa heights kaya ayaw kong subukan iyon kahit na sabihing mabilis lang naman... oo mahilig ako sa mga mabibilis pero ayaw ko naman sa mga matataas.

Pinilit niya ako at binigla niya ang tulak sa akin. Ng makarating ako sa kabilang side ay agad kong inalis ang gear na isinuot sa akin at umalis sa lugar na iyon. Sinundan naman ako nito pero kambal lang na sampal ang iginawad ko dito at nilayasan ko na ito.

"Hey Krisandra wait!" habol sa akin ni Stephan. Di ko ito pinakinggan at nag tuloy lang ako sa paglalakad. Pero natigilan ako ng may makita ako. Agad na naningkit ang mga mata ko at tumalikod at hinila ko si Stephan na ngayon ay takang taka.

"Woah kanina lang ay nag walk out ka sa akin tapos ngayon naman hila hila mo ako? Ang bilis ding magbago ng mood mo no?"

"Just shut up!"  suway ko dito. Kumunot naman ang noo nito at lumingon sa likod namin. Agad ko namang kinuha ang mukha nito at pinaharap ulit.

"Don't look at the back!"

"Bakit? Ano bang meron sa likod?" takang tanong nito at lilingon sana ulit pero pinigilan ko.

"Wag kang makulit pwede?!" nagsalubong ang kilay nito. Napaiwas naman ako ng tingin dito at lumingon sa likod namin. Narinig ko pang nagsabi ito ng "fine". Ng makita kong wala sa likuran namin si Trail ay nakahinga ako ng maluwang pero pag harap ko ay natigilan ako sa paglalakad.

No. Pano nangyari iyon eh kanina nasa likuran lang namin siya?

Dahil hawak ko sa kamay si Stephan ay natigil din ito sa paglalakad ng tumigil ako. Nakita nito si Trail at ngumisi ito ng nakakaloko.

"Oh kaya naman pala" hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa kamay nito na tipong binabale ko na iyon. Tinignan ko ito at sinasabing 'tumahimik ka'.

Ng tumingin ako ulit kay Trail ay nakita ko naman na seryoso itong nakatingin sa kamay namin ni Stephan na magkahawak kamay. Ng tumaas ang tingin nito sa akin ay napalunok ako ng laway ko.

"Hey Trailor Ignacio!" bati ni Stephan dito. Nalipat ang tingin ni Trail kay Stephan pero seryoso pa din ang mukha nito.

"Salamat sa alikabok na pinakain mo sa akin nong isang gabi" sarcastic na sabi dito ni Stephan. Ngumisi naman si Trail dito.

"You're welcome" sarcastic din na sabi ni Trail. nag sukatan ng tingin ang dalawang lalaki. Parehong matalim ang mga tingin na iyon at wala atang balak magpatalo ang isa sa kanila kaya nag desisyon akong pumagitna na.

"Magkatunawan kayo niyan" napatingin naman silang dalawa sa akin.

"Babe... sa tingin mo lang ako matutunaw" sabi naman ni Stephan na ikinapanlaki ng mga mata ko. Hindi na niya ako tinatawag ng babe at ngayon niya lang ulit ito ginamit sa akin kaya nag tatanong na tumingin ako dito. Pero lalo pang dinagdagan ni Stephan ang pagtataka ko ng akbyan ako nito sa harapan mismo ni Trail.

"Anong ginawa mo kay Krisandra at bad mood siya ngayon?" maangas na tanong ni Stephan kay Trail pero ngumisi lang naman si Trail at matalim ang pagkakatingin na ipinukol kay Stephan.

"Hands off Ruiz" seryosong sabi ni Trail.

"Wala kang karapatang akbayan si Krisandra" dagdag nito. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kung titignan mo si Trail ay mukhang nag pipigil lang ito na suntukin si Stephan.

"Anong walang karapatan? For your information girlfriend ko si Krisandra" nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni Stephan. Ano to? Déjà vu lang? college lang? Sh.t alam ko ang sumunod na nangyari noon ng i-claim ni Stephan na girlfriend niya ako. Gumawa ng move si Trail at naging girlfriend niya ako.

Hindi naman siguro mauulit ang scene na yun diba? That was four years ago already.

"Girlfriend?" natatawang tanong ni Trail pero maya maya ay bumalik sa seryoso ang mukha nito.

"Don't give me that crap Ruiz. You claimed Krisandra as your girlfriend before but that's not true. And now you're using that same act right now? you didn't fool me back in College Ruiz and you cannot fool me too right now." napalunok ako sa sinabi nito.

"Ows? Ano ngayon kung hindi totoo? Panu kung totohanin ko? What will you do Ignacio?" paghahamon ni Stephan dito. kita ko kung paano mag tagis ang panga ni Trail. Gumalaw galaw ang panga nito na parang nanggigigil.

"Don't you dare" madiing sabi ni Trail. Ngumisi lang naman si Stephan dito.

"Try me Ignacio. Liligawan ko si Krisandra and this time totoo na magiging girlfriend ko na siya" napasinghap ako ng walang ano anong kwinelyuhan ni Trail si Stephan.

"I won't let you have Krisandra"

"I have her since you left her asshole." Sabat ni Stephan kay Trail na ikinatigil naman ni Trail.

"I didn't make a move since the day you left her! But I am there when she cried out herself because of you. I'm the one who comforted her and I'm the one who help her to move on. I'm just waiting for the day to come to ask her if I can court her. And since that you came back, I think this is the right time to court her because I won't let you bastard to have her again" tumaas ang kamao ni Trail at akmang susuntukin niya na si Stephan pero pumagitna na ako sa kanilang paniwala.

"Wag" tangi kong sabi. Napatitig sa akin si Trail at lumambot ang expressiong ng mukha nito. He look like he got hurt or something, the expression in his eyes shows his emotion.

"Umalis ka nag lang Ignacio" sinikap kong wag mag stammer. Sinikap ko din na panatilihing matapang ang mukha ko kahit ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.

"Krisan..." mahinang banggit nito sa pangalan ko. Napapikit ako ng mariin.

"Please, umalis ka na" paki usap ko dito. Ng imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong titig na titig ito sa akin. Tumango tango ito bago tumingin kay Stephan.

"Then be the best man win Ruiz" napatitig ako kay Trail sa sinabi nito.

"Because I won't let you have her. Krisandra will be always mine and always will be. I loved her and I'm getting her back. I'll get her back by hook or by crook. I don't give a damn about you just don't fxcking touch her" natulala ako sa sinabi nito at pinanuod ko na lang ito habang nag lalakad palayo sa amin ni Stephan. Para naman akong nanghina sa sinabi nito at napakapit ako kay Stephan. Buti na lang at inalalayan ako nito na makatayo. Hindi ko alam na tumulo na pala ang luha ko. Agad akong niyakap ni Stephan at tulad noon, four years ago ay siya na naman ang nag comfort sa akin.

"Hush Krisan... I won't let him hurt you again... I promised" lalo akong naiyak sa sinabi ni Stpehan...

Aamin ko... takot ako... takot ako na bumigay ulit aky Trail. Dahil sino ba ang nilioloko ko sa tuwing sinasabi kong naka move on na ako sa kanya? Sarili ko lang dahil hanggang ngayon hindi pa din ako nakaka move on sa ginawa sa akin ni Trail

Andito pa din ang sakit na iniwan niya sa akin nong umalis ito ng walang paalam at andito pa din ang pagmamahal ko sa kanya... I still love him and curse him for that... I hate him because I still love him.

—-

End of chapter eleven

(Sa chapter na to talagang mababago na ang title at ang plot ... lol PSST! Thanks for reading ^^) 

For the second timeWhere stories live. Discover now