Chapter Four

21.9K 443 15
                                    

—-

-Krisandra-

Nakarating kami sa Real State Nursery.... Ang lugar kung saan nag simula ang lahat... kung saan ko nakilala at naging kaaway si Trailor Ignacio.

Nauna itong bumaba ng sasakyan. Binuksan ko na din ang pinto sa side ko at pagkaba na pagkababa ko ay meron agad humawak sa kamay ko at hinila ako.

"Ano ba Ignacio! Kaya kong maglakad! Hindi mo ako kailangang kaladka—"

"Shut up!" nagulat ako ng sumigaw ito. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko. Napa aray ako. Lumingon ito sa akin pero seryoso pa din ang mukha nito. Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang tingin nito. Tulad ng sinabi ko, baka matunaw ako.

Lumuwang ang pagkakahawak nito sa kamay ko. Maya maya pa ay nasa playground na kami. Napangiti ako. Playground? Ano bang meron sa lugar na ito?

Ahh oo.... Dito kami madalas mag away ni Trail. Panggulo ito sa pagbabasa ko ng libro—pag may kalaro akong bata, ay umeeksena ito. Inaagaw nito ang kalaro ko at niyaya itong makipag laro sa grupo nila at pagkatapos ay pupuntahan ako at tsaka aasarin... pag iiyak ako titigil ito tapos yayakapina ko. LAgi ko itong tinutulak at natutumba ito pero ngumingiti lang ito sa akin...

Hanggang nag grade one kami... akala ko di ko na ito makikita dahil iba na ang school na pinasukan ko. Sinabi ko sa sarili kong kaaway ko na ito. Dahil sa ginawa nito sa libro ko. Dahil sa ginawa nitong pang aasar sa akin nong nasa nursery pa lamang kami. Ng dahil sa pinag gagawa nito, wala akong naging kaibigan.

Pero nag kamali ako. Dahil first day of classes... nag uumpisa na ang klase... may batang late na hinatid ng mga magulang nito. Pumasok yung bata at nanlaki yung mga mata ko ng makitang si Trail pa ito.

Tandang tanda ko ang scene na iyon. Grade one... kahit grade one ako tandang tanda ako ang detalye

—-.

"Hi my name is Trailor Ignacio. Nice to meet you all!" pagpapakilala nito sa buong klase. Kumindat pa ito na siyang kinainis ko. Sinabihan na ito ng teacher namin na maupo na. Confident ako na hindi ko ito magiging seatmate dahil may katabi na ako nun. At natawa na lang ako ng ma alala kong si Stephan iyon.

"Hoy panget!" nanlaki yung mga mata ko ng tumigil ito sa tapat namin ni Stephan. Tinuro nito si Stephan

"You...sit there" turo nito sa upuan na bakante na sa likod lang namin.

"You're going to sit there or I'll beat you up!" diretsong sabi nito. umiyak si Stephan, nakuha namin ang atensyon ng teacher namin at lumapit ito sa amin.

"What's wrong Stephan? Why are you crying?" tanong nong teacher namin. Since umiiyak si Stephan ako ang salita para sa kanya

"Teacher! Trailor threatened him!" sumbong ko. Tumingin naman ang guro kay Trailor.

"IS that true?"

"No teacher. I just wanted to switch seats with him!"inosenteng sabi nito using his puppy dog eyes and pouted lips

"Liar! Liar liar pants on fire Ignacio!" sigaw ko

"It's true teacher!" sabi naman ni Trail. Nainis ako sa pag arte nito ng inosente

"Okay Trail. Why do you want to switch seats with Stephan?" tanong nong teacher namin.  Tumingin naman sa akin si Trail

"Because I wanted to sit beside Krisan teacher!" masayang sabi nito.

For the second timeWhere stories live. Discover now