Chapter Fourteen

19.5K 349 9
                                    

—-

-Krisandra-

Two months. Two months ng nanliligaw sila Stephan at Trail. Hindi ko alam kung nanliligaw ba sila sa akin or nag papaligsahan lang silang dalawa sa akin? nahihiya na din ako sa mga ibang nurses and doctors sa hospital dahil walang pakundangan ang dalawang lalaki na magbangayan kahit na nasa ospital sila.

"So Krisan, kailan mo balak sagutin ang isa sa kanila?" nakangising tanong ni Claire. Tinignan ko ito at mukhang nang aasar na naman ito.

"Hindi ko alam. Hindi naman ata seryoso ang dalawang iyon eh" sambit ko.

"Anong hindi seryoso? Halos magpatayan na nga yung dalawang iyon sa panliligaw sayo, iyon ba ang hindi seryoso?" bumuntong hininga ako.

"Hindi ganyan ang dating sa akin. Parang nag papasikatan lang naman silang dalawa. Nakaka irita na din. Masyado na akong nakukulitan sa kanilang dalawa. Dagdag lang sila sa sakit ng ulo" nakasimangot na sabi ko na ikinatawa naman nito.

"Ibang klase ka. Alam mo ba na yung ibang babae eh gustong pag agawan ng dalawang nag ga-gwapuhang lalaki? Samantalang ikaw ay nabwibwiset lang? lady, you're lucky to have those men"

"Anong lucky? Malas kamo. Hindi ko naman hiniling na may manligaw sa akin ah. I don't even want a boyfriend"

"Well you need one. Ilang taon ka na ba? Sa edad mong yan you should have a boyfriend para pag nasa tamang edad ka na, pwede ka ng mag asawa. Mahirap ang tumandang dalaga"

"Tsk bakit ikaw Claire, may boyfriend ka na ba?" tanong ko dito na ikinangiti nito.

"Wala. Di ko pa siya nakikita kaya I'm still waiting for him" napangiti ako. May pagka hopeless romantic din pala itong co nurse ko na ito. Napatingin kaming dalawa sa dalawang lalaki na papalapit dito sa may nurse station na nagbabangayan.Nahilot ko yung sintido ko ng makita yung dalawang 'bwisita' ko araw araw.

"Ano na namang ginagawa mo dito Ruiz?"

"Dito ako nag ta trabaho Ignacio. Eh ikaw anong ginagawa mo dito?"

"Dinadalaw ko si Krisan bakit?!"

"Wala naman siyang sakit para dalawin mo ah!"

"Shut up Ruiz! Ano bang paki mo?!"

"Wala! Lumayas ka nga dito!"

"Ikaw ang lumayas!"

"Ikaw—"

"Hep!" pumagitna na si Nurse Claire sa dalawa. Tumigil naman yung dalawa at parang mga naging maamong tupa.

"Hi Krisan!"

"Hello Krisandra!" sabay na bati nong dalawa. Nagkatinginan ang mga ito at nag samaan ng tingin bago pairap na nag bawi ng tingin sa isat isa.

"Krisan, are you free tonight?" tanong ni Trail.

"Hindi siya pwede" si Stephan ang sumagot. Pinaningkitan naman siya ni Trail.

"Si Krisandra ka ba ha?! Will you shut up?!" pambabara ni Trail dito bago tumingin sa akin na parang hinihintay niya ang sagot ko...

"So?" baling nito sa akin. Bumuntong hininga ako tsaka umiling iling.

"Sorry pero busy ako eh" seryosong sabi ko. Nawala naman ang pagkakangiti nito. napaiwas ako ng tingin dito.

"Narinig mo naman siguro yun Ignacio?" pang aasar ni Stephan dito. Wala siyang narinig na sagot ni Trail kaya napatingin ulit ako dito. Seryoso lang itong nakatingin sa akin.

For the second timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon