Chapter Thirteen

18.9K 350 9
                                    

—-

-Trailor-

That is ouch. When Krisandra chose Stephan over me. Kahit sa mababaw na dahilan ay masakit pa rin iyon. Parang pinamukha na kasi nila sa akin na I don't have a chance to win Krisandra back. Pero hindi ako titigil.

Alam ko na ang oras ng pagpasok at labas ni Krisandra sa hospital. Pano ko nalaman? Simple because I am her stalker. Matagal ko naman na siyang ini-stalk eh. Since Elementary at hindi ako mapapagod na mang stalk sa kanya.

Ngayon nga ay nakaabang ako sa paglabas niya pero uminit ang ulo ko ng makitang kasama nito si Ruiz. Bwiset bantay salakay ang loko.

"Butasin mo kaya ang gulong ng kotse niya?" suggestion ni Tyrone one night ng magkita ulit kami sa bar dati kung saan kami nagkita.

"ANo? Bubutasan ko yung gulong ng sasakyan niya?" pag ulit ko sa sinabi nito dahil baka nag kamali lang ako ng pandinig.

"Ang kulit. Diba sabi mo hindi mo maihatid si Krisandra kasi nga laging si Ruiz ang gumagawa nun? Given na sa kanya sumama si Krisandra. Ede para hindi niya maihatid si krisan butasan mo yung gulong kotse niya. Dalawahin mo na dahil mahirap baka may spare siya" napaisip ako sa sinabi nito at napangisi na lang.

Hanggang ngayon loko loko pa din sa mga advise si Tyrone pero may point naman na siya. Sinunod ko nga ang sinabi nito na butasan ang gulong ng sasakyan ni Stephan.

Nag ikot ikot muna ako ng matapos kong gawin iyon para hindi halata. Ng alam kong tapos na ang duty ni Krisan ay bumalik ako sa hospital. Sakto naman na nagkakagulo silang dalawa dahil butas nga yung gulong ng sasakyan ni Stephan.

"Sh.t sino ang gumawa nito?" rinig niyang nanggagalaiti na sabi ni Stephan. Natatawa na ako pero pilit kong pinapaseryoso ang expression ng mukha ko bago ako bumaba. Napatingin naman silang dalawa sa akin. Mag sasalita na sana ako pero nagulat ako ng bigla akong suntukin ni Stephan,

"Fxck you Ignacio! Ikaw ang may kagagawan nito ano?!" galit na tanong nito sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin at sinapak ko din ito pabalik.

"Fxck you din Ruiz! Anong paki alam ko sa kotse mo ha?!" mas malakas ang suntok ko kay Stephan dahil napatumba pa ito sa sahig. Agad itong tumayo at dinuro ako.

"Anong paki alam mo? hindi mo lang naman maihatid si Krisandra dahil sa kotse ko! At siyempre para maihatid mo siya dapat wala akong kotse diba? Pero tang*na mo binutos mo yung gulong ko!" natamaan ako sa sinabi nito. Totoo naman na hanggat nandito ang kotse ni Stephan hindi ko maihahatid si Krisandra.

"Ha hindi ko siya maihatid dahil bantay salakay ka! Wag mo akong pagbintangan 'cause I don't give a damn about your car!"

"G*go!" hindi ulit ako nakailag ng suntukin ako ni Stephan. Gaganti sana ulit ako ng pumagitna na si Krisandra sa aming dalawa.

"TAMA NA!" sigaw nito. Tumigil naman kami ni Stephan pero masama naman ang mga tingin na ipinukol namin sa isat isa.

"Para kayong mga bata! Bakit ilang taon na ba kayo ha?! Ang ta-tanda na ninyo pero nag susuntukan pa din kayo?! Grow up will you?!" sermon nito sa amin.

"At ikaw naman Ignacio!" napatingin ako kay Krisandra ng banggitin nito ang pangalan ko. Gusto ko sanang ngumiti sa kanya pero baka mas lalo lang itong mainis.

"Ikaw ba ang nag butas sa mga gulong ni Stephan?"

"What?! Of course not!" pilit kong pinag mumukhang inosente ang mukha ko na and I hope it will work.

"Yung totoo?!"

"It is fine with me if you don't believe me." Hindi ako tumingin sa mga mata nito dahil hindi ko kayang magsinungaling pag nakatingin na ako sa mga mata ni Krisandra. Nagkaroon ng saglit na katahimikan.

For the second timeWhere stories live. Discover now