Chapter Twenty

16K 309 9
                                    

(Para kay chepay515 thanks for the votes ^^)


—-

-Krisandra-

The following day is very odd for me. Bakit pakiramdam ko iniiwasan ako ni Trail?

Magigising na lang ako na may naka ready na, na almusal ko. Tapos malinis na naman unit ko. Darating si Felix at siya ang mag hahatid sa akin sa hospital. Sinasabi na lang nito na may ginagawa daw si Trail at siya daw ang inutusan ng kapatid na ihatid siya. Pagdating ko naman sa bahay meron na ding naka ready na hapunan ko, pero still walang Trail akong naaabutan sa unit ko.

"Ang tahimik mo ata ate?"napalingon ako kay Felix.hindi naman ito nakatingin sa akin bagkus naka focus ito sa daan.

"Ah... wala lang akong masabi" ngumiti ito.

"Ohh... akala ko may iniisip ka" nakangising sabi nito. Napalunok naman ako ng laway ko. Ganun na ba talaga ako kahalata na may iniisip?

"Nga pala Felix... ano bang ginagawa ng kuya mo ngayon?" lakas loob kong tanong. Dahil alam ko na kung hindi ko pa ito itatanong kay Felix... hindi na naman ako mapapakali mamaya kung anong ginagawa ng hinayupak na Trailor Ignacio na iyon.

"Ah... sa office lang naman siya... attending meetings, signing bunch of papers and such."

"So he must be really busy then..." mahinang sabi ko pero sapat na iyon para marinig nito.

"Yep. Plus he is also managing daddy's company. Kahit naman sabihin natin na angan si Mama and Tita... sa kanya pa rin nakaatang nag big responsibility ng kompanya" bumuntong hininga ito.

"That's why I'm itching to finish my study" seryosong sabi nito.

"Bakit naman?" tanong ko.

"So that I can already help kuya Trail... si kuya naman talaga ang dapat mag mamana ng company ni Dad... pero pinilit niya na ako ang mag manage ng company ni dad. So after I graduate... ipapasa na sa akin ni kuya ang pagiging CEO ng company ni dad"

So Trail is managing two companies at the same time? Hindi ko ma imagine kung gaano ka busy yung lalaking iyon.

"Salamat sa paghatid Felix"  huminto ang kotse nito sa tapat mismo ng entrance ng hospital.

"Sure no prob... take care" ningitian ko na lang ito bago ko sinara yung pinto ng kotse. Pumasok na ako sa sa trabaho ko. Pag dating ko sa nurse station ay may nakakalokong ngiti ang nakapaskil sa mukha ni nurse Claire. Tinaasan ko nga ito ng kilay

"Oh bat ganyan ka makatingin?" takang tanong ko dito. Umiling lang naman ito at ipinakita sa akin yung paso...

Lumapit ako dito at inekpesyon yung bulaklak... may nakita akong naka dikit na note. Binasa ko iyon.

I miss you

~T.Ignacio

Yun lang yung naka sulat sa note. Napangiti ako.

"Good morning nurse Krisan! Taray haba ng hair mo ah! May flowers ka galing sa papa Trailor mo! And Oh... it's carnation this time huh" nakataas ang kilay na sabi nito.

"And it is red and pink... alam mo ba ang ibig sabihin niyan?" napakunot noo ako.

"It means... miss na miss ka na niyang taong iyan" nakangiting sabi ni nurse Claire

"Panu niyo naman nalaman doc?" takang tanong ko.

"Mahilig sa bulaklak ang mama ko... nong bata pa ako lagi nitong sinasabi sa akin ang gma meaning ng mga bulaklak nong mga nasa garden niya" nakangising sabi nito.

For the second timeWhere stories live. Discover now