Chapter One

50.7K 557 11
                                    

(Dedicated kay @ shaniatwine, Buena manong nag comment ^^, thank you sa pag babasa)

—-

-Third Persona-

Sa playground ng Real State Nursery School, masayang nag lalaro ang mga bata sa slides, swing, monkey bars, tunnels. Ang iba ay may mga sariling laro sa mga psp at iba pang gadget kasama ang mga kaibigan nila.

Pero may isang batang kakaiba. Isang batang babae na tahimik lang na nag babasa ng isang fairy tale book. Naka upo ito sa damuhan sa ilalim ng puno at may sariling mundo.

Isang batang lalaki ang nakapansin sa batang babae. Pagkatapos nitong mag slide, ay tumakbo ito palapit sa batang babae at walang ano ano ay hinablot nito ang librong binabasa nong babae.

"Tsk fairytale? How childish!" asar dito ng batang lalaki. Nainis naman ang batang babae at tumayo siya para agawin ang libro niya mula sa batang lalaki.

"I don't care! Besides I'm still a child! So give me my book!" pilit inaabot ng batang babae ang libro niya mula sa batang lalaki pero dahil mas matangkad ang batang lalaki kesa sa kanya at mas maliksi ito ay hindi niya ito magawang maagaw.

"Ayaw ko nga! Bleh!" belat pa ng batang lalaki dito sabay takbo. Agad naman itong hinabol ng batang babae pero kahit anong gawin niya ay hindi niya ito mahabol.

"Weak! Be-be-bleh-bleh! Be-be-bleh-bleh! Hindi niya ako mahabol! Be-be-bleh-bleh! " hingal na hingal na napaupo sa damuhan ang batang babae yumuko ito at nag kunwaring umiyak. Natigil naman ang batang lalaki sa pang aasar sa batang babae at agad niya itong nilapitan.

"Hey, why are you crying?" tanong ng batang lalaki. Hindi sumagot ang batang babae at patuloy lang sa pag atungal.

"Uwaaahhhhhh!!! Huhuhuhu hikhik sniff sniff"

Nataranta naman ang batang lalaki dahil sa lumalakas na iyak ng batang babae. Natatakot siya na baka may makakita sa kanilang teacher at mahuli siya sa ginawa niya sa batang babae. Lumuhod siya sa harap nito at hinawakan ang batang babae.

"Hush please don't -" hindi na natapos ng batang lalaki ang sasabihin dahil nag angat ng tingin ang batang babae at kinuha ang libro, pero sa kasamaang palad agad itong naiiwas ng batang lalaki at tatawang tumayo.

"Haha tricky huh" ngisi ng batang lalaki. Napuno na ang batang babae at walang babalang dinamba niya ang batang lalaki. Sa gulat ng batang lalaki na bitawan niya ang libro. Pareho silang dalawa napatingin kung saan nag landing ang libro. Mabilis siyang tumayo at tumakbo papuntang libro pero natigilan siya ng makitang nahulog ito sa putikan.

Tumakbo ang batang babae papunta sa libro niya at kahit putikan ay kinuha niya iyon. Tinitigan niya ang putikang libro at maya maya ay tahimik itong umiyak.

Muling nataranta ang batang lalaki dahil ngayon, kitang kita niya na umiiyak na talaga ang batang babae. Lumapit siya dito.

"I'm sorry. I'm just going to replace it" sincere na sabi niya dito. Pero tiningala siya ng batang babae at napahakbang siya patalikod ng makita kung gaano kasama ang tingin ng batang babae.

"You can't replace it jerk!" tumayo ang batang babae at tinulak niya ang batang lalaki.

"It's my daddy's gift for me! You are not my daddy so you cannot replace it!" umiiyak na sabi ng batang babae sabay takbo papalayo. Naiwan naman ang batang lalaki habang nakatingin sa batang babae na patakbong lumalayo sa kanya.

Tinignan niya ang libro at kinuha iyon pagka kuwan....


—-

For the second timeWhere stories live. Discover now