Chapter Twelve

20.1K 342 10
                                    

--

-Trailor-

"One vodka please" I said to the bartender. Agad naman itong tumalima at binigay sa akin ang baso ng vodka. Agad ko naman iyong ininom. Humingi ulit ako ng isa pa. Nilaro laro ko ang baso sa ibabaw ng bar counter. Iniisip ko yung mga nangyari kanina. Nag tagis ang panga ko ng maalala ko si Ruiz.

Fxck him. How dare him. Curse him! Mag ha-hire na ata ako ng assassin para ipapatay ang pesteng lalaking iyon. He is always on my way. Since high school, umaali-aligid na ito kay Krisandra. And I won't let him have her because Krisandra is mine, just mine!

"Woah nandito ka din pala?" nilingon ko yung nag salita at nakita ko si Tyrone. Tyrone McHerold is my friend since elementary. Kasama ko ito sa lahat ng kalokohan ko nong Elementary at High School. Dumagdag lang nong college sila Clever at Thunder.

"Hey bro" bati ko dito. Ininom ko ulit yung laman ng baso ko ng magtanong ito.

"May problema ba?" tanong nito. Huminga ako ng malalim bago ko sinabi dito ang problema ko. We can say na best buddy ko na itong si Tyrone dahil matagal naman na naming kilala ang isat isa. At kahit nawala ako dito ng apat na taon ay hindi nawala ang komunikasyon namin sa isat isa.

Katunayan ay ito ang naging mata ko sa Real State ng mawala ako dito ng apat na taon. Ito ang nagbigay sa akin ng mga information about Krisandra. Kung kamusta na ito, ano ng ginagawa nito and other stuff. At ayaw ko ang na re-report niya sa akin dahil laging kaakibat ng sinasabi nito kay Krisandra ay nababangit din palagi ang pangalan ng Ruiz na iyon.

"It's Ruiz" tipid kong sagot sa tanong nito. Natawa naman ito at tinapik tapik ako sa balikat.

"So what about him? Alam mo namang bestfriend lang ang dalawang iyon eh" Bestfriend. Ito ang report sa akin ni Tyrone about Ruiz pero sa nakikita ko kung umakto ito ay parang more than bestfriend pa ito. And I hate it.

"Bestfriend?" natatawa kong tanong.

"May bestfriend bang liligawan ang sinasabi mong bestfriend nito?" yamot na sabi ko.

"Bakit hindi? Madami ng ganyan na case. Na ang mag bestfriend ay nagiging lovers din" nilingon ko ito at sinamaan ng tingin. Parang sumakit ang tenga ko sa narinig ko at ayaw ko ang narinig ko.

"Woah cool ka lang Ignacio. Wag mong ibunton ang init ng ulo mo sa akin" natatawang sabi nito.

"Bakit mo ba prinoproblema si Ruiz ha?" tanong nito maya maya.

"Nagkita kami kanina sa Hospital" nanlaki yung mga mata nito sa sinabi ko.

"Sa hospital? Sa G.A hospital?!" gulat na tanong nito.

"Bakit may iba pa bang hospital dito?" pamimilosopo ko. Umiling iling ito.

"Buti di ka nakita ni Grin?"

"Sa laki at lawak ng hospital ng lokong iyon? I doubt it" nagkibit ito ng balikat

"Kumsabagay. It's been six years pero mainit pa din ang dugo ng mga Andrano at Lee sa atin"

"Yeah" pag sang ayon ko sa kanya. Six years ago, one of us hurt Andrea Lee. Ang bunsong kapatid ng magkakapatid na Lee na sila Drei, Drin at Drenz. We were young back then at nagawa naming pag pustahan ito. Ng malaman ito ng mga Lee ay sumiklab ang giyera sa pagitan namin. Magkakaibigan pa kami ng mga panahong iyon pero nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin ng lokohin nga namin si Drea.

We didn't mean it. Gusto lang naming tulungan ang isang torpe sa amin but it didn't turn out well. Nalaman ni Drea na pustahan ang lahat at siyempre hindi nakaligatas iyon sa kaalaman ng mga kapatid nito.

For the second timeWhere stories live. Discover now