Chapter Ten

22.8K 384 5
                                    

—-

-Krisandra-

"Nurse Krisan" mula sa binabasa kong file ay nag angat ako ng tingin para tignan kung sino ang tumawag sa akin. pag tingin ko ay nakita ko si nurse Claire.

"Oh Claire ikaw pala bakit?" takang tnaong ko.

"May naghahanap kasi sayo kaya ginuide ko papunta dito" agad na kamunot ang noo ko sa sinabi nito. may naghahanap sa akin? Sino naman?

Para masagot ang tanong ko ay mula sa likuran ni Carla lumitaw ang mukha ni Trail. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ito doon. Narinig kong nag pa alam si Claire at tuluyan na itong umalis. Samantalang naiwan kaming dalawa doon ni Trail.

Lumapit si Trail sa akin. Nakatingin ito sa akin at hindi ko mawari ang tingin na ipinupukol nito sa akin...masyadong malalim, napaka misteryoso ng tingin na iyon. Oh may pumipigil lang sa akin para malaman ang ibig sabihin ng mga titig na iyon?

"Hi Krisan" paunang bati nito. Nabalik ako sa huwisyo at agad na nag iwas ng tingin dito. Umayos ako ng upo at tumingin sa mukha nito...iniiwasang mapatingin ulit sa mga mata nito.

"Anong ginagawa mo dito?" nilangkapan ko ng tapang ang tinig ko at buti na lang hindi gumaralgal ang boses ko. Hindi ko dapat ipakita dito kung gaano ako naapektuhan sa pagkikita naming ito.

"Maniningil lang naman ako" napatingin ako sa labi nito at nakita kong nakangiti na ip. Naikuyom ko ang mga kamao ko.

"Binabayaran na kita kagabi Trail, but you refused to accept it" narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"It's because I'm not after your money Krisandra. Malinaw na pag natalo kita eh makiki pag date ka sa akin" naningkit ang mga mata ko sa huli nitong sinabi

"At wala akong maalala na pumayag ako sa kasunduang iyon. " madiing sabi ko.

"Pero iyon ang hiningi kong kapalit. Besides my rule ang Forbidden Road" ang forbidden Road ay ang nag o-organisa ng mga karera kung saan sila nakikipag karera. Sila ang may ari ng lupa kung saan ginaganap ang mga laban.

"That if you loss you should pay your opponent demand" nakangising sabi nito.

"And I demand you Krisandra Alejandro to go on a date with me"

—-

"Bwiset nasan na ang lokong iyon?" napatingin ako sa relong pambisig ko. Quarter to eight na. Maaga siyang nagising para maghanda sa 'so called date nila' ng hinayupak na si Trailor Ignacio. Dahil ang demand ng lalaki ay seven thirty ang meet up nila sa coffee shop na tapat lang ng condominium building na tinutuluyan niya. Pero lumagpas na ang seven thirty ay wala pa ang magaling na lalaki.

Seven pa lang ay nandun na siya para mag kape. Dahil akala niya ay maaga din itong pupunta doon pero balak ata talaga nitong pumunta sa eksaktong oras na itinalaga nito kaya matiyaga siyang nag hintay dito pag sapit ng nakatakdang oras.

Pero mali siya dahil mag pa-pa late ata ang loko.

"This is it. He's not coming" tumayo na ako at nag iwan ng tip sa lamesa na okupado ko. Kinuha ko yung bag ko at umalis na ng coffee shop. Eksaktong eight na at ayaw niya ng hintayin ang pag dating nito. pabor sa akin ang hindi nito pag dating dahil una sa lahat... tutol siya sa date na ito. Kaya niyang bayaran si Trail kahit umabot pa sa kalahating milyon ang pustahan nila... madami na din siyang naipon dahil sa pakikipag karera.

Pero ang hinayupak, date ang hininging kapalit. Sabagay aanhin nito ang pera ko eh kung tutuusin piso lang para dito ang pera ko?

Saktong paglabas ko ng coffee shop ay may nabunggo akong lalaki. Siguro papasok ito sa loob kaya nagkabanggaan kami.

For the second timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon