Chapter 30 (done)

15.7K 279 94
                                    

"I'm under pressure 'cause I can't have you the way that I want..."

Mich's POV

Lunch time. Kasama ko si Jade pero nakatingin ako kay Avan. Kakausapin ko ba? Naglakas ako ng loob. Tumayo ako bigla at hinawakan ako sa kamay ni Jade.

"Oh, saan ka pupunta?" hindi ko papala sinasabi kay Jade yung nangyari.

"Basta kila Avan. Sandali lang 'to promise." Tumango siya at binitawan na niya kamay ko. Andun din si Liam. Nagulat nga ako at naguusap uli sila. Kasama nila si Louis at ang mga iba pang mga barkada nila. Napansin ni Liam na papalapit ako at ngumiti siya sakin. Hindi ko kaya ngumiti ng totoo kaya naman ay nag fake smile na lang ako.

"Hey Mich!!" sabi ni Paul. Isa sa mga barkada nila Avan. Tumango ako sa kanya at tumingin ako kay Avan na hindi makatingin sakin.

"Usap tayo, pwede?" tumingin na din siya sakin at biglang tumayo.

"Tara." Sabi niya sabay alis sa cafeteria. Sinundan ko na lang siya. Nakarating na kami dun sa field sa school namin at umupo sa isang bench. Halata na awkward samin pero hindi ko yun pinansin.

"Avan..." sabi ko.

"Mich..." ginaya niya ko. Napabugtong hininga na lang ako at pinipigil ko yung sarili ko na huwag umiyak.

"Bakit." Sabi ko. Hindi ako nakatingin sa kanya.

"Huh?" halata sa boses niya na naguguluhan siya.

"Bakit mo ko sinaktan at iniwan?" nag-crack na yung boses ko.

"Mich, hindi ko alam." Tumingin na ko sa kanya..

"Hindi mo alam? Anong klaseng sagot yun?!"

"Mich... sorry talaga. Akala ko mahal na kita eh. Pero nung nakita ko si Claire.." napakamot siya sa ulo niya.

"Avan please." Tumingin siya sakin at mukhang naguilty siya.

"Mich, wag kang magmakaawa."

"Pero..."

"Hindi Mich. Sigurado na ko. Si Claire talaga. Pasensya na kung pinaasa kita at nasaktan. Hindi ko sinasadya."

"PERO MAHAL KITA WALANGHIYA KA!" sumigaw na ko.

"Mich... hindi na kita mahal." Parang nag stop yung oras at kumirot yung puso ko. Kaya ko pa kung babasahin o may magsasabi na iba. Pero galing sa taong mahal mo? Doble doble yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko sumigaw para mawala yung bigat na nararamdaman ko ngayon.

"Pero..."

"Mich, wag kang magmakaawa kasi kahit anong gawin mo ay hindi magbabago yung desisyon ko. Si Claire talaga ang pipiliin ko." Tumulo na yung mga luha ko at tumayo na ko.

"Bye, Avan." Tumakbo ko papunta sa cr. Pumasok ako sa isang cubicle at nilock yun; saka ako umiyak. Grabe ngayon lang ako umiyak sa isang tao na ganito. Halos hindi na ko makahinga pero tuloy pa din yung pag-iiyak ko.

"Uhm... excuse me?" may biglang kumatok sa cubicle. Pinunasan ko muna yung luha ko at nilakasan ko yung loob ko para buksan yung cubicle. Nakita ko si El. (PICTURE NIYA NASA TAAS. LIKE ANG GANDA NIYA AND GIRL CRUSH KO SIYA. HAHA) Kaklase ko siya, pero di kami ganun ka close. Isa siya sa pinaka magandang studyante dito. Beauty and brains nga 'to eh. Honor student and she's friendly pa. nakatingin siya sakin na parang concern yung mukha niya.

"Mich? Okay ka lang?!" concern yung tono ng boses niya. Kahit hindi ko 'to close, halatang concern siya sakin.

"Hindi. Sorry, El pero pwede bang iwan mo muna ako mag isa? Gusto ko kasi—-"

"No, I get it." Ngumiti siya sakin. Thank God at naiintindihan niya ko.

"Pero, everything's going to be alright in the end, okay? Kaya mo yan." Ngumiti siya ulit at umalis na. Kung alam lang niya na gustong gusto sabihin na magiging okay ang lahat. Pero bakit parang hindi? Onting tiis na lang... gragraduate ka na sa high school, Mich. Kaya mo 'to. Pinunasan ko uli yung luha ko at naghilamos. After nun ay umalis na ko sa cr at pumasok na sa classroom. Nakatingin sakin si Avan nung pumasok ako sa classroom. Sinabi ko na lang sa teacher ko na nasa clinic ako kaya hindi ako nandun nung mga nakalipas na minuto. Umupo na ko at agad naman na kinausap ako ni Liam.

"Mich? Okay ka lang? ba't parang—-"

"Liam mamaya na. please?" nagulat siya sa sinabi ko pero tumango na lang din siya.

Kakalimutan ko na si Avan...

 

 

Ohhhh. Vote and comment! Btw si Eleanor Calder po ang nasa picture! Girl crush ko po siya eh. Gahh, ang ganda niya, noh? Haha 30(or more) comments for the next chapter?

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon