Chapter 18 (The Plan)

143K 2K 1.4K
                                    

“I guess that I’m a little bit in love with you.”

Mich’s POV

Limang araw na ang nakakalipas nang mangyari ang prom night. Back to normal naman. Si Avan naman as usual, lagi akong inaasar. Kami naman ni Liam ay parang naging awkward samin. Ewan ko ba kung bakit basta ang weird lang. nag-uusap pa din kami ni Liam, pero di na tulad ng dati. Parang di na ganun ka close. Napansin ko din na parang di na sila masyadong nag-uusap ni Avan. Parang fake yung pagsmile nila sa isa’t isa. Ewan ko din kung bakit. Kapag tatanungin ko si Avan lagi niyang iniiba yung topic at kapag kay Liam naman, di niya ko sinasagot. Di ko na din natanong kay Avan kung sino yung babaeng kausap niya dati. Bahala na siguro kung sino yun. Di ko naman nakikita yun eh. Kaya okay na yun.

Naglalakad kami ni Jade sa hallway at huminto ako sa paglalakad ng nakita ko si Avan na kasama nanaman niya yung babaeng nakausap niya nung prom night. Di naka school uniform yung babae kaya di siya dito nag aaral. Sino ba yun? Di ko tuloy napigilan magselos. Tapos ngiting ngiti bas i Avan habang kausap niya yung bwisit na babaeng yun. Tiningnan ko lang sila hanggang sa di ko namalayan na tinatawag na pala ako ni Jade.

“Mich? Okay ka lang ba?”

“Ha? Ah oo. Tara kain na tayo” sabay fake smile tas nagpunta na kami ng canteen. Medyo naapektuhan ako pero ayoko mahalata ni Jade yun.

Avan’s POV

Naglalakad ako papuntang canteen ng nakita ko si Claire.

“Claire!” sabi ko at napalingon siya sakin sabay punta sakin.

“Uy Avan! Musta na?”

“Ayun, gwapo pa din.” Pabiro kong sinabi sa kanya.

“Hay, nako! Hanggang ngayon mayabang ka pa din!!” Sabay palo sa braso ko ng pabiro. Tumawa ako at napangiti siya sakin.

“Bakit ka nga pala nandito?”

“Ah, sinusundo ko lang pinsan ko.”

“Di pa time ah. Luh cutting yan!!” sabi ko ng pabiro.

“Sira!” sabay palo uli sakin. Tumawa uli ako. Nung naging bestfriends kasi kami, ang hilig niya kong paluin sa braso.

“Bakit nga?”

“Avan, pag grade one yung pasok, 7-12:30 lang” sabi niya sabay smile. Ay, oo nga pala dalawa yung pinsan ni Claire. Isa sa highschool at isa naman na grade one lang.

“Ay” sabi ko sabay look down sa sahig. Pahiya ako dun ah. Napatingin uli ako dahil natawa siya sakin. Ang ganda pa rin niya hanggang ngayon.

“Hay nako, di pa rin nagbabago si Avan” sabay kurot sa cheeks ko.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Mich na nakatingin samin. Napansin din ata yun ni Claire kasi natawa uli siya.

“So, yun si Mich? I like her, she’s pretty” sabi ni Claire sabay smile sakin. Napasmile din ako dahil dito.

“Avan, may plano ako.”

“Huh?”

“Gusto mo bang malaman kung mahal ka niya talaga?” sabi niya.

“Oo”

“Okay, edi pag-“

“Pagselosin natin!” sabi ko sabay smile. Nagulat si Claire at pinalo uli braso ko.

“Tanga! Di yan yung sasabihin ko!” sabi niya na parang naiinis na ewan.

“Sige na Claire! Feeling ko mas okay yung plano ko kaysa sayo eh. Please?”

“Avan, baka magalit sayo si Mich. At baka-“

“Please Claire Vergara!!” sabi ko na parang bata na nagmamakaawa sa kanyang nanay.

“Sige na nga!” sabi niya pero halatang naiinis siya eh.

“But, if Mich gets angry with you, its your own fault.” Nosebleed naman

“Opo!” ngumiti na siya at nagstart nanamin planuhan yung plano namin na pagselosin si Mich.

Mich’s POV

Uwian na. nagyaya pala si Avan na kumain sa labas. Pumayag naman ako. Naglalakad ako sa hallway nang may biglang tumawag kay Avan. Napalingon si Avan sabay punta dun sa babaeng nakita ko kanina. Niyakap niya ito at talagang nagselos ako. Iwan ba naman ako kagad?! Lumapit sila sakin tas ngiting ngiti yung babae. Grabe ang ganda niya. Nakakainsecure naman.

“Hi! I’m Claire. Avan’s old friend” sabay shake ng kamay ko.

“Mich” sabay fake smile.

“Ay, Mich pwede bang bukas na lang tayo umalis? May pupuntahan pala kami ni Claire eh.” Sabi ni Avan. Grabe kang mang iwan dre!

“Please Mich? Matagal ko nang di nakita si Avan eh. At sobrang namiss ko na siya” sabay pout yung girl. Mukhang nagpapacute.

“Okay. Tawagan mo na lang ako bukas, Avan. Bye!” sabay fake smile at alis na. bwisit na lalaking yan. Nakaramdam ako ng selos at galit. Sana madapa sila sa kalye habang naglalakad. Hard.

Claire’s POV

To be honest, di ko alam kung bakit naisipan yun ni Avan. Nung umalis na si Mich mukhang galit at nalungkot siya. Eto naman kasing si Avan eh. Parang ewan lang. mukhang natuwa si Avan dahil dito. Bahala si Avan pag nagalit si Mich sa kanya, problema nya yun.

Hi sorry if natagalan. may pasok na po kasi ako eh T.T pero at least na update ko diba? hahha :) thank you guys!! Xx

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon