Chapter four (I'm here for you)

137K 727 67
                                    

Liam’s POV

Nagulat ako sa ginawa ni Avan kay Mich. Kaibigan ko si Avan. Para ngang kapatid ko na to eh. Since grade 2 pa kami magkakilala at ever since, ay hindi na kami naghihiwalay. Pero di ko akalain na gagawin niya yun kay Mich.

“Pre, ano ba iniisip mo? Bakit mo ginawa yun?!” sinabi ko na naiinis kay Avan. Tumayo ako para hanapin si Mich. Hinanap ko siya hanggang sa may narinig akong umiiyak. Okay, okay. Alam ko naman na may multo dito pero wag naman ngayon! Please lang oh! May hinahanap ako eh!!

Avan’s POV

Describe me in one word? TANGA. Di ko din alam kung bakit ko yun ginawa eh. Ugh, kinakain ako ng konsensya ko. Tumayo ako at lumabas sa classroom para hanapin si Mich. Nagalit tuloy sakin si Liam. Tsk, di pa naman ako ganun ka-sincere magsorry sa isang tao. “Mich!” tinatawag ko si Mich para at least sumagot siya, pero wala. Hay Nako Avan! Tanga tanga!

Mich’s POV

Mga 10 minuto na ko umiiyak dito. Nakasandal pa din ako sa dibdib ng isang tao di ko naman kilala!

“Mich. Tara kain tayo, kanina pa tayo dito oh. Dali libre ko” sabi ng boses nay un.  Teka, pamiliar yung boses na yun ah. Umalis ako sa pagkaakbay sakin ng lalaki, at tiningnan ko siya.

“L-Liam?”

“hmm? Tana na Mich. Nandito ko para sayo” inalok niya ko ng panyo niya at pinunasan ko yung mga natuyong luha na bumagsak sa mga mata ko.  Nag sympathy smile sakin si Liam at nag fake smile ako sa kanya.

“Alam mo Mich, wag mo na lang pansinin si Avan. Di naman ganun kasama si Avan eh. Sadyang trip na trip lang niya yung mga tao.” Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ko na lang uli yung mga iba pang luha. Tumayo si Liam at tinulungan niya kong tumayo. Ang gentleman talaga ni Liam.

“Thank you ah?” sabi ko with a smile.

“Okay lang. basta’t tandaan mo ah? Na lagi akong nandito para sayo.  Tara kain na tayo. Lunch na oh. Libre kita” tumawa ako dahil dito. Nagpapasalamat ako dahil nandito si Liam para sakin. Kung wala lang talaga tong girlfriend baka naging crush ko na to eh. Tumayo na kami ni Liam at pumunta kami sa canteen. Kahit sabihin ni Liam na wag ko nang pansinin si Avan, ay mahirap pa rin yun kalimutan at mahirap alisin sa ulo ko. Kung puwede lang nga magkaroon ng wish ay gagamitin ko yung wish na yun na sana di ko na lang talaga nakilala si Avan.

Umupo kami ni Liam sa bakanteng lamesa at kumain na kami ng tahimik. Maya maya may biglang umupo sa tabi ko at nakita ko na si Diana yun. Kaibigan ko at girlfriend ni Liam. Ngumiti siya sakin at niyakap si Liam. Yayakapin n asana ako ni Diana nang may bigla siyang napansin. Yung happy face niya biglang naging concern at worried face.

“Mich, okay ka lang? ano nangya-“

“Ugh, Diana, okay lang siya. Maya na natin pag-usapan.” Sabi ni Liam at biglang tumingin sakin. Nag fake smile na lang ako sa kanya at sabi ko “Ugh okay lang ako. Sige ah, punta na ko sa classroom. Uy” kinalabit ko si Liam. “Thank you ah, sa pag libre.” Fake smile ako sa kanilang dalawa at daling dali umakyat ako sa classroom. Binuksan ko kagad yung pintuan at sinarado buti na lang walang tao dito. Ay wait, meron pala. Hmm, sino yun? May nakita akong isang lalaki na nakaharap sa aircon at nakatalikod sakin. Hindi ko na lang siya pinansin at kumuha ako ng libro at binasa ko yung “The time keeper” nasa chapter 2 na ko ng naramdaman ko na may tao na nasa gilid ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko si Avan yun. Siya rin pala yung lalaking nasa tapat ng aircon kanina.

Shit.

Jade’s POV

Hindi ko alam kung asan si Mich kaya nung nakita ko si Liam ay pumunta ako sa kanya at tinanong kung asan si Mich.

“Pumunta na siya sa classroom, may gagawin daw.” Sabi ni Liam at sumubo siya ng fries.

“Ah. Sige thank you. Bye! Diana!” kinawayan ko si Diana at ngumiti naman siya. Dali dali akong umakyat para puntahan si Mich. Nung nakarating na ‘ko sa fourth floor ay napansin ko si James na naglalakad papunta sa direksyon ko. Napatingin siya sakin at ngumiti. Nginitian ko siya.

“Jade, may pupuntahan k aba” sabi ni James habang nasa loob ng bulsa niya ang kanyang dalawang kamay.

“Ugh. Hinahanap ko kasi si Mi-“ bago ako nakasagot ay hinila niya ako at sabay kami bumaba.

“uy teka-“

“Samahan mo ko kumain dali nagugutom ako.” Sabi niya habang hinihila niya ko papuntang canteen.

“Eh may-“

“Di ako nagtatanong Jade. Di yan tanong.” Sabi niya. Eh kung pinapatapos niya kaya muna ako bago siya singit ng singit?!? Hindi na lang ako kumibo at parehas na kaming pumila. Hmm, asan kasi si Mich eh?!

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon