Chapter 31 (New Life)

16K 213 80
                                    

"And one day, your name didn't make me smile anymore."

Picture uli ni El sa taas because... ang ganda niya <3 haha

Mich's POV

"HOY GISING!!" wth? Ay... OMG late na ko! 7:30am na.

"Badtrip!" tumayo kagad ako dun sa single bed at inayos. Nagmadali ako na pumunta sa bathroom at naligo and nagbihis. Nakita ko si El na nakaupo sa kama niya na inaayos yung mga gamit niya. Oo, naka graduate na ko sa highschool and parehas na English Literature ang kinuha kong course. Si Jade ay nag migrate na papuntang Canada so minsan na lang kami mag-usap. Nag boarding school ako nung lumipat kami ng tirahan nila Mama. Tas dun ko din narealize na ka-roommate ko si El, eversince na naging ka roommate ko siya ay naging magkaibigan na kami. Madami na nagbago sa buhay ko ngayon. At aaminin ko na mas masaya ako ngayon kaysa dati.

"Bagal ni ate." Pang aasar ni El habang nagsusuot ng sapatos. Inirapan ko na lang siya at kinuha ko na yung bag ko. Palabas na ko ng tinawag niya ko uli.

"Teka, di ka magb'breakfast?"

"7:00am start ng class ko ngayon pag Wednesday! Late na ko. Bye" sigaw ko habang nasa hallway na ko. Nakarating na ko sa classroom at tiningnan ako ng prof ko ng masama.

"Sorry po. May emergency lang." sana maniwala.

"At ano naman ang emergency na yun?"

"Ahm, yung mama ko po tumawag then yun. emergency?" natawa yung mga ibang blockmates ko at tiningnan ako ng masama ng prof ko.

"Detention. Three days." THREE DAYS?! Nanlaki yung mata ko pero hindi na ko nagsalita. Umupo na ko at nakinig na sa prof. nag take down notes, blah blah.

YES BELL NA! Ibang iba talaga pag college ka na, mas masaya pag high school pero okay lang din naman. Nakarating na ko sa cafeteria at umupo na dun. Maya maya ay may nagtakip sa mga mata ko.

"Hulaan mo." Bulong niya sakin. Tinanggal ko na yung kamay niya at ngumiti.

"Baliw ka talaga." Natawa siya at umupo siya sa tabi ko.

"Narinig ko na nagkaroon ka ng detention for three days ah?" pinipigil niyang tumawa at inirapan ko na lang siya.

"Eh kasi nakalimutan ko iset yung alarm clock ko." Nagpout ako at hinalikan niya ko sa cheeks.

"I love you, Mich." Tuwang tuwa ako kapag sinasabi niya yun sa most unexpected time and place.

"I love you too, Liam." Ngumiti siya at nagblush. Naging kami ni Liam last month. Laging siyang nandiyan sakin at inaalagaan niya ko. Journalism ang kinukuha niyang course and ang mabuting part ay parehas kami ng school.

"HI" inirapan ko si Louis na sumigaw. Natawa si Liam na napailing at kumuha naman si Louis ng fries ni Liam. Nakakatuwa nga kasi parehas din ng school ang pinag aaralan ni Louis. Marketing naman kinukuha niya.

"So, sa Saturday ba free kayo?" parehas kaming tumango.

"Edi, tara! Adventure uli tayo!" nag clap ng hands si Louis at ngumiti. Nakakatuwa kasi hindi pa siya nagbabago kahit 2nd year college na kami. Childish pa rin siya.

"So pupunta tayo sa Neverland?" sumabay si Liam sa pagka childish ni Louis at mukhang tuwang tuwa si Louis.

"OO!" Dahil sumigaw si Louis ay may mga tumingin sa kanya.

"Teka may onting problema"

"Ano yun?"

"Kulang ata ako sa budget?" sabi ni Louis na nagpout. Tumawa ako at si Liam naman ay tinapik yung balikat ni Louis.

"Pare, kung nanghihingi ka ng pera sakin para lang ma continue mo yung adventure, ay hindi kita bibigyan."

"Hoy kung hindi dahil sakin ay hindi magiging kayo ni Mich kaya bleh!" dramatic naman na sinabi ni Louis yun.

"Oy ako nga yung bumili ng bouquet eh!" pagtanggol naman ni Liam.

"Eh sino kaya yung nagbayad sa mga street dancers diyan para lang mag flash mob sa harapan ni Mich?!" natawa na lang ako at pinakalma si Louis. Wala, childish pa din talaga.

"Guys, gusto kong Makita kung pano kayo mag away pero kailangan ko ng umalis. Five minutes na lang at bell na and nasa kabilang building pa yung classroom ko." Tumayo na ko at tumayo din si Liam.

"Teka, diba free period ka pagkatapos ng lunch?" tanong ko habang kinuha ko yung bag ko.

"Hatid na kita."

"IIWAN MO LANG AKO DITO MAG ISA?!" Sigaw ni Louis kay Liam. Inirapan lang siya ni Liam at hindi na pinansin.

"Liam, wag na." ngumiti ako at tumango siya. Hinalikan niya ko sa cheeks at umalis na ko.

Louis' POV

Umalis na si Mich samin at umupo uli si Liam.

"You and Mich are so cute together. I ship you guys together!"

"Wait, anong ship?!" idiot hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng 'ship'

"If you like someone being together... you shipped them." Sabi ko n asana naman ay maintindihan niya.

"Ship them where?" tanong ni Liam at napa facepalm na lang ako.

"Liam, hindi ko talaga alam kung bakit kita naging kaibigan."

"Same!" sabi niya at nagulat ako. Tumawa naman yung tanga.

"Ewan ko sayo, moron." Tumayo na ko at iniwan ko siya mag-isa.

Naglalakad ako mag isa sa hallway hanggang sa may bumangga sakin kaya naman ay nagkalat kalat ang mga papel na hawak hawak ko. Reviewer ko pa naman yun!

"Hey!" sigaw ko dun sa girl at bigla akong napatulala. Woah, ang ganda niya.

"ANO?!" Oh. Masungit lang nga. Teka, pamiliar to ah.

"El?" ba't ang laki ng ginanda niya?!

"Its your fault! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!"

"Hindi porket maganda ka ay pwede mo na ko ganyanin ah! Now, pulutin mo na yung mga nagkalat na mga papel." Nag smirk ako at tiningnan niya ko ng masama.

"As if! Manigas ka diyan!!" umalis na siya kagad. Walanghiyang babae yun ah! Gagantihan ko yun mamaya. Napabugtong hininga ako at lumuhod para pulutin yung mga nagkalat kalat na papel.

"Louis." Ugh, what?! Sino nanaman yung... wait, pamiliar yung boses na yun. nakita ko na may sapatos sa harapan ko at tumingin ako sa taas. Halos nanlaki yung mata ko sa gulat.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Where stories live. Discover now