Chapter 8 (Almost)

103K 1.1K 183
                                    

“You can close your eyes from the things you don’t want to see, but you can never close your eyes from the things you don’t want to feel.”

-Johnny Depp

Mich’s POV

Uwian na nun, nauna na si Jade dahil may pupuntahan pa daw sila ng mama niya. Halos cleaners na lang ang natira. Ako, si Avan at dalawa pa naming mga kaklase.

“Uy, Mich wait lang ah. C.r. lang ako.” Sabi ng isa kong kaklase. Tumango na lang ako at umalis siya sa classroom.

“Guys, wait lang ah. May tumatawag eh.” Sabi nung isa pa naming kasama at lumabas din sa classroom. So kami na lang ni Avan yung natira. Great! Note. Sarcasm.

Habang inaayos ko yung upuan ay naramdaman ko na papalapit si Avan sakin.

“Mich.”

“hmm” sabi ko habang tiningnan kung naka-aligned ba yung mga upuan. Napatingin ako sa kanya at mukhang seryoso yung mukha ni Avan.

“Mag-usap nga tayo tungkol kay Liam.” Sabi niya habang papalapit pa sakin. Nu nanaman trip nito?! Napasandal naman ako sa pader at nilagay ni Avan yung dalawa niyang kamay sa side ng ulo ko. So parang nakatrap na ko at wala akong kawala. No choice ako at napatingin ako sa mga mata niya.

“Ano nanaman trip mo Avan?!” sabi ko sa kanya na naiirita.

“Aminan nga tayo Mich! Gusto mo ba si Liam?!” sabi niya na parang galit. Para akong batang pinapagalitan ng daddy niya.

“Ano bang pake mo?! Tabi nga diyan!” pinapalo ko yung dibdib niya pero walang epekto, Mas malakas siya at halatang hindi siya nasasaktan, mas lalo ata siyang nagalit eh. Hinawakan niya yung parehas kong wrist gamit yung dalawa niyang kamay at nilagay sa tabi ng ulo ko. So talagang trap na ko. Kinakabahan ako sa pwdeng mangyari.

“Pake ko?! Anong pake ko?! May pake ako kay Diana kasi para ko na siyang kapatid!!! Hindi mo naiisip na masasaktan si Diana sa mga pinaggagaw ninyo ni Liam?! Ano bang meron si Liam?! Ha?!” sabi niya na galit na galit. Para siyang bulkan na sasabog na talaga. Natakot ako kay Avan.

“Avan, alis! Tama na! uy! Di ko gusto si Liam!” sabi ko na naluluha. Hindi ako naluluha dahil natatakot ako, naluluha ako dahil ang sakit ng pagkahawak niya sa wrists ko. Tiningnan ako sa mata ni Avan at mas lalo pa siyang lumapit sa mukha ko.

“Ano bang meron si Liam na wala ako?”

Nagulat ako sa sinabi ni Avan. Ano ibig sabihin nun?? Naramdaman ko na unting unti siyang lumalapit sa bibig ko kaya wala akong choice kung hindi tapakan siya. Binitawan niya ko at bigla na lang ako umalis sa classroom at pumunta sa c.r. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin, hindi ko alam kung bakit yun nasabi ni Avan. Hindi naman niya ko gusto diba? Bakit niya nasabi yun? Nung mga first week sa school, ayaw na ayaw naming sa isa’t isa, kaya bakit niya yun nasabi? Baka naman binibiro niya ko? Ay ewan ko ba! Lumabas na ko sa c.r. at hinanap si Jade. Mga 30 minutes pa bago mag bell, kaya hanapin ko muna siya. Gusto ko muna alisin sa utak ko yung nangyari kanina.

Avan’s POV

Hindi ko din talaga alam kung bakit ko ginawa yun. Kanina, gusto kong halikan si Mich kaso bigla niya kong inapakan sa paa. Aaminin ko; masakit yung pagkaapak niya sakin kaya nabitawan ko siya, dali dali naman siya lumabas sa classroom. Kinamot ko yung ulo ko, di ko kasi alam kung bakit ko yun gusting gawin, di ko talaga maintindihan yung mga nangyayari eh. At ang masaklap na part? Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko kay Mich.

Vote po XXX

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon