Chapter 19 (Hurt)

29.9K 343 76
                                    

"OO nga pala... hindi nga pala tayo."

Mich's POV

Nakauwi na ko habang iniisip pa din sila Avan... bakit ba ganitoyung nararamdaman ko? hindi naman kami ah? pero bakit ganun? Umakyat na ko at nagbihis. humiga na din ako sa kama at pinikit ko yung mga mata ko. Ugh, Avan ba't ka ba ganyan? Alam mo ba yung feeling na nasasaktan ka kahit hindi naman kayo? ba't ba ko nasasaktan? Ay, Oo nga pala... mahal ko yung tao. Oo aaminin ko, minahal ko na si Avan. Ewan ko ba kung bakit at kung papaano. simula nung umamin siya nung prom, bigla akong nakaramdam ng parang butterflies in my stomach? like, sinasabi niya lahat ng mga gusto kong marinig; but then bigla niya kong iiwan para lang sa kaibigan niyang matagal na niyang di nakita? Wow, grabe ang galing magpaasa. Di ko namalayan na biglang pumatak yung luha ko sa kaliwang mata ko na agad ko namang pinunasan. Avan... Avan... Ba't mo ko pinaasa?

---------

NEXT DAY

Liam's POV

Pumasok na ko sa classroom at nakita ko si Mich na mukhang malungkot? hmm, Bakit kaya? agad ko naman siyang nilapitan at tumabi ako sa kanya.

"Mich, Okay ka lang?" tumingin siya sakin. nakita ko na medyo malungkot siya pero nakakaya pa rin niyang ngumiti. Bigla akong nag aalala sa kanya. Bakit? Kasi mahal ko si Mich. Nakakatawa ngang isipin eh. Minamahal ko pa rin ang isang taong hindi akong kayang mahalin.

"Okay lang, Liam." bigla siyang tumalala uli ng nakita niyang pumasok si Avan na nakangiti. Umupo siya dun sa upuan niya na sakto sa harapan ni Mich. Ba't ba kasi tayong nagmamahal ng isang taong di tayong kayang mahalin? Bakit pa natin kailangang masaktan bago malaman na mahal na talaga natin ang isang tao?

Mich's POV

Napatulala ako ng nakita ko si Avan na biglang pumasok. WOW siya tuwang tuwa habang ako nasasaktan.

"Ugh, Mich?" biglang humarap si Avan samin ni Liam.

"Bakit?" wala akong ganang maakipag usap sayo.

"Sorry nga pala---" hindi niya natuloy yung sasabihin niya kasi bigla siyang tinawag ni Louis.

"Pre, hinahanap ka ni Claire." bigla akong nalungkot at pinipigilan kong umiyak sa narinig ko. Tumingin si Liam sakin at nag smile siya na may kasamang concern. Ba't ba kasi hindi na lang si Liam yung minahal ko?

Agad namang tumayo si Avan at lumabas sa classroom.

Avan's POV

Nakita ko si Claire na hinihintay ako sa labas ng classroom.

"Dude, Ive been trying to call you for the ast ten minutes." inirapan niya ko.

"Sorry, patay yung phone ko eh."

"Whatever." sungit.

"Anyway, Ano na plano natin mamaya?"

"Avan, Don't you think that this plan is not going to work? What if Mich---"

"Claire, una sa lahat marunong kang mag tagalog kaya wag ka ng mag English please. Nakaka nose bleed na eh." inirapan niya ko. Meron siguro to.

"At pangalawa. magwowork yan, ako pa."

"Bahala ka. pero pag yan nagalit."

"Hindi yan. geh, pasok na ko sa loob ah? baka dumating na yung teacher namin eh." tumango na lang si Claire at pumasok na ko sa classroom. Tama ba yung gagawin ko?

HINDI KO ALAM PERO DITO KO NILABAS YUNG NARARAMDAMAN KO. HAHAHA

SORRY KUNG NATAGALAN... PASENSYA NA PO :-(

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon