Chapter 27 (I don't know)

16.8K 217 44
                                    

"Let's go back to the way it was..."

Liam's POV

Saturday... 10am ako nagising. Naligo at nagbihis ako. Bumaba naman ako at pumunta dun sa garden kasi dun naka set up yung breakfast.

"GoodMorning, Ma!" bati ko kay Mama at kiniss ko siya sa cheeks.

"Wow. Mukhang maayos yung gising ng anak ko, ah?" natawa ako at umupo na.

"Opo."

"Sabi nung guard mga 11pm ka na nakauwi?" Lumagpas ako sa curfew. Hanggang 10pm lang ako dapat.

"Sorry, Ma. Hinatid ko pa po kasi si Mich sa bahay nila eh."

"Wait, yung—-"

"And opo ma, si Mich. Anak ng bestfriend mo po." Ngumiti ako at ngumiti din si Mama.

"Nak, may gusto ka kay Mich?! Nako maganda yan! Mas maganda maging mother in law yung mama ni Mich!" nanlaki yung mata ko.

"Ma! Kasal na kagad? Di pa nga po ako sinasagot eh!"

"Kahit na! basta ako, botong boto ako!" mukhang tuwang tuwa si Mama.

"Pero grounded ka pa din."

"Ma!"

"Bakit? Edi sana nagpaalam ka na gagabihin ka diba?"

"Pero—-"

"Liam." Uh oh. Galit na

"Opo."

"Relax. Three days lang naman yan. Makaka-survive ka din." Tumawa na lang ako at kumain ka kami. Pagkatapos namin kumain ay pumunta ako sa kwarto ko at tinawagan si Louis. After three rings sumagot din siya.

"ANO?!"

"Pare, chill." Nagising ko ata.

"Liam naman eh! Napuyat ako kagabi. Wala kang karapatan gisingin ako ng 11:30am!"

"Gusto ko lang kasi magpasalamat."

"Oo na. pare mamaya mo na ko kausapin. Good night." Wth? Mukhang puyat na puyat siya. Hmm, tawagan ko kaya si Mich? Wag, baka tulog pa. biglang nag ring yung phone ko. Huh? Bakit tumatawag si Avan?

"Hello?" sinagot ko na.

"Liam. Kailangan ko ng tulong mo."

"Tungkol?" pag tungkol kay Mich, hindi pwede. Sabi ng konsensya ko.

"Kay Claire?" huh? Ba't kay Claire?

"Avan..."

Inexplain sakin ni Avan yung problema niya. Sa totoo lang, natuwa ako dahil sa plano ni Avan, naging mas close kami ni Mich. Pero may part din sakin na nagalit dahil ginagawa niyang pagselosin si Mich. At may isa pang part na naaawa kay Avan. Kaibigan ko din to kahit papaano.

"Anong gagawin ko Liam?"

"Gusto mo pa ba si Claire?" matagal tagal siyang nakasagot.

"Oo." Nanlaki mata ko at nagulat. Gusto pa niya si Claire. May pag-asa ako kay Mich.

"Pano na si Mich?"

"Hindi ko alam, pare."

"Ano ba gusto mo talaga gawin, Avan?" piliin mo na si Claire, please.

"Hindi ko alam!" sumigaw ni si Avan pero nag sorry din kagad.

"Alam mo kasi, kung mahal mo talaga si Mich, hindi ka na magkakagusto uli kay Claire. Ganun lang yun. kahit bumabalik si past, kung mahal mo talaga si present, hinding hindi mo na mararamdaman na gusto mo pa rin si past." Sinabi ko sa kanya ng mahinahon.

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon