Chapter 43 (Regrets)

2.6K 90 28
                                    

"We ain't meant to be"

Mich's POV

Biglang may kumatok sa pintuan nila Louis at alam kong si Avan yun. May part sakin na masaya ko dahil andito siya pero may part pa din sakin na para bang iniisip if worth it ba talaga na iwan si Liam para kay Avan.

Biglang pumasok si Louis at si Avan sa kitchen at nagkatinginan kami ni Avan. Yung mga mata niya na sobra kong gusto.

"Okay so punta lang kami saglit ni El sa kwarto ko..." sabi ni Louis at tumingin kami ni Avan sa kanya

"Kwarto? SPG mo" pang aasar ni Avan at binatukan siya ni Louis.

"Tara na nga." Yaya ni Louis kay El at ngumiti muna samin si El bago sila umakyat.

"Hi" bati niya sakin at umupo sa tabi ko.

"Hey" ngumiti ako sa kanya.

Awkward.

"Mich, wag ka na magpaligoy-ligoy. May sasabihin ka ba?" Huminga muna ako nang malalim bago ko siya sagutin. Tiiningnan ko siya at hinihintay niya sagot ko.

"Mahal pa rin pala kita" yun lang ang sinabi ko at tiningnan niya lang ako. Di siya sumagot. Mukhang may iniisip siya.

Nakatingin siya sakin at nag iisip habang iniintay ko yung sagot niya.

"Mich kasi pumunta kanina sa bahay ko si Liam. Sinabi niya na mahal mo pa ko." Sabi niya sakin at tiningnan ko siya. Sumenyas ako na ituloy niya yung sasabihin niya sakin.

"Wow, mahirap pala to." napakamot siya sa batok niya bago huminga ng malalim.

"Ano yung mahirap?" tanong ko

"Naalala mo nung nasa coffee shop tayo? Nung sinabi ko na break na kami ni Claire?" tanong niya sakin at tumango ako.

"Thing is, tinawagan ko siya kagabi..." Oh. Parang biglang tumigil yung mundo ko. Kahit hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ni Avan, parang may idea na ko kung saan matatapos yung conversation namin.

"And nag-usap kami, I---" tumigil siya sa pagsasalita at tumingin diretso sa mga mata ko.

"Mahal kita, okay? Aaminin ko Mich na hanggang ngayon, mahal kita. Pero, bakit ganun? Pinaglalaruan ata tayo ni tadhana." Tumawa siya pero alam kong fake yun.

"Nung binigay ko sayo yung mga bulaklak, gusto kita bawiin uli, pero nung nakita ko na binigyan ka ng promise ring ni Liam, tas sobrang saya mo nun, naisip ko; baka ginugulo ko lang to. Sabi nila pag mahal mo, bitawan mo. Kaya siguro tinawagan ko si Claire kagabi." I bit my lip, para pigilian yung mga luha na gustong tumulo.

"I think, deserve ko na magmahal ng iba, Mich. Don't get me wrong, I will never love anyone the way that I had loved you. Ikaw lang talaga ang nagpaiyak sakin eh. I guess what I'm trying to say is..." nag pause muna siya, tinitingnan niya yung expression ko.

"..Kailangan ko na mag move on at pakawalan yung isang babaeng sobra kong minahal." Nung sinabi niya yun, saktong tumulo yung mga luha ko pero mabilis ko naman pinunasan yun.

"So makikipagbalikan ka kay Claire?" tumango siya.

"Wow" sabi ko habang pinupunasan uli yung mga luha na kakatulo lang.

Ang tanga mo Mich. Ang tanga tanga mo.

"Mich...please wag ka umiyak. Si Liam---" di ko na narinig si Avan dahil bigla kong naalala si Liam. Nasaktan ko yung taong sobra akong mahal.

"Si Liam, Avan asan si Liam???" tanong ko sa kanya habang tumayo

"Teka Mich may sasabihin pa ko sayo" tumayo siya at lumapit sakin. Sobrang close na namin at halos magkadikit na yung ilong namin.

"Maybe one day, pag matured na tayo... baka magkita tayo parehas tayong single... tas baka maybe mabigyan pa tayo ng isang pang chance?" sinabi niya at tumango ako habang naluluha.

Pero nagulat ako ng hinalikan niya ko sa noo.

"Mamahalin pa rin kita, kailangan ko lang talaga alisin ang mga masasakit na bagay." Binulong niya sakin.

Bigla siyang umalis sa kitchen at alam ko na wala na siya sa bahay ni Louis.

Damn, Mich ano ba ginagawa mo.

Gusto ko umiyak pero gusto ko hanapin si Liam.

Umakyat ako at binuksan yung kwarto ni Louis.

Nakita ko si Louis at El na naglalaro ng scrabble.

"Ey ang daya mo!" sigaw ni El habang pinapalo si Louis ng unan.

"Aray masakit" sabi ni Louis habang inagaw sa kanya yung unan at binato sa mukha mismo ni El.

"Walanghiya ka talaga"

Umubo ako at tumingin sila pareho sakin.

"Mich? Are you okay?" tanong ni Louis at lumapit sakin si El na niyakap ako.

"Don't cry" bulong sakin ni El at pinipigilan kong umiyak

"Alam niyo kung asan si Liam?" tinanong ko kay Louis pero di nila alam kung nasan siya.

"Kailangan ko muna mapag isa" sabi ko sa kanila

"Sure ka?" tanong sakin ni El at tumango ako. Pinilit ko mag smile pero di ko magawa

"Tawagan mo ko pag may kailangan ka." Sabi niya habang niyakap niya ko.

"Okay" sabi ko at umalis na sa bahay ni Louis.

Nagdrive ako papunta sa isang place na alam kong pwede ako mag isa at mag isip.

Pinarada ko yung kotse ko na malapit sa gubat...

Yung first date namin ni Liam. Napangiti ako dahil naalala ko yung mga alaala namin.

Umakyat ako sa parang patag at umupo dun sa parang hill.

Dun mo matatanaw yung buong city at yung sunset.

Umiyak ako ng umiyak. Inisip ko na ang tanga ko dahil hanggang ngayon si Avan pa rin.

Hindi na pwede si Avan.

Si Liam naman galit na galit sakin.

Sumigaw ako at umiyak uli. Feeling ko namamaga na yung lalamunan ko dahil sa kakaiyak.

Tinakpan ko yung mukha ko gamit yung mga kamay ko.

"Don't cry, love" yung boses na yun...

Tinanggal ko yung kamay ko at lumingon at nakita si Liam

"Hindi ba dapat ako yung umiiyak at hindi ikaw?" sabi niya at umupo sa tabi ko.

Medyo namumula yung mga mata niya at nag shrug na lang ako ng shoulders habang tumutulo pa rin yung mga luha ko.

"Shh, sabi na wag iiyak eh." Pinunasan niya yung mga luha ko gamit yung thumb niya.

"Ang tanga ko kasi" sabi ko sa kanya habang tumingin diretso. Palubog na yung araw.

"Bakit?" tinanong niya sakin. Kahit hindi ko nakikita yung mukha niya, alam kong concern siya sakin dahil sa boses niya.

Typical Liam

"Avan" nag crack yung boses ko at niyakap ako ni Liam. Umiyak ako sa braso niya habang pinapatana niya ko.

"Shhh, love it's okay I'm here... I'm always here." Bulong niya sakin.

Patuloy akong umiyak habang yakap yakap niya ko.

In that moment, nakaramdam ako nang paka comfort at as if safe na safe ako sa mga braso ni Liam.

---

Okayyy sooo sino dito ang mas nagustuhan si Liam? Don't worry guys, masasagot lahat ng katanungan na pumapasok sa isip ninyo sa susunod na chapter! Okay so 18 votes and 12 comments for the next chapter? And hello sa mga ghost readers ko na di bumoboto at nagcocoment HAHAHA libre po ang pag vote and comment... Yun lang.

-F Xxx

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon