Chapter 41 (Blind)

3K 54 21
                                    



"Its just because I know that she will never love me and that's what breaks my heart."

Louis' POV

"Okay ingat sa pag uwi!" remind ko sa mga schoolmates kong mukhang lasing at incapable na mag drive. Sinarado ko yung pintuan at tiningnan si El na tumitingin sa paligid.

Lagot ako sa parents ko nito. Pinalayas ko sila bandang 10:30 na nagstart sila mag "food fight" sa living room.

"Kaya mo bang linisin to lahat lahat bukas?" tanong niya sakin

"No. kaya mahihire na lang ako ng tagalinis bukas." Sabi ko at tumango siya

"So hatid na kita?" tanong ko

"Well yun nga yung problema eh. Nilolock yung gate sa dorm bandang 10pm" parehas kaming napatingin sa orasan at nakitang 11pm na.

"Ay sorry El di kita nahatid on time" sabi ko pero ngumiti siya sakin. Amazing, di siya galit?

"Its okay. Di mo naman kasalanan eh." Ngumiti siya

"Okay dito ka na lang matulog" sabi ko sa kanya

"Uh sa couch?" sabi niya. Tiningnan ko yung couch at punong puno ng mga icing dahil sa mga pinagbabato nilang cupcakes kanina. Tumingin ako kay El at tumawa

"May guestroom kami." Mukhang nakahinga siya ng malalim

"Akala ko papatulugin mo ko dyan eh."

"Hindi ah mas gugustuhin ko pang ikaw na lang ang matulog sa kwarto ko at ako na lang matulog dito sa sofa na to" wait what the fudge?! Ano ba yung mga pinagsasabi ko

"Seryoso? Wow ah concern sakin?" pagbiro niya

"Oo" oops. Parehas kami nagulat sa sinabi ko. Galing diba? Pati sarili ko nagulat sa sinabi ko.

"Uhm..." speechless si El, Speechless din ako; well this is awkward.

"So yung guestroom?" change topic siya? Agad agad? Di ko din naman siya masisisi.

"Ah first door on your right." Tumango siya at dali dali umakyat.

"Ano ba nangyayari sakin." Bulong ko sa sarili ko habang nakasandal sa pader.

El's POV

Nagising ako bandang 8:30am Buti na lang at Saturday ngayon. Bumangon na ko at inayos yung higaan bago pumunta sa bathroom. Maliligo na sana ako ng naalala ko na wala pala ko sa dorm at nasa bahay ako ni Louis.

No choice at naghilamos ako at nag try mag toothbrush. Ginamit ko yung daliri ko bilang toothbrush so medyo mahirap.

Tinali ko yung buhok ko in a high ponytail bago bumaba.

Nung nasa living room ako, laking gulat ko na Makita na super linis yung mga nasa paligid. Paano? Dumiretso ako sa kitchen at nakita si Louis na nagluluto... at shirtless. Omg, nakatalikod siya sakin pero makikita mo pa rin yung biceps niya. Damn, ang hot niya shocks siguro pag humarap to may abs---

"Goodmorning" natigil ako sa pag iisip na biglang humarap si Louis habang may hawak na plato at spatula. Di ko maiwasang tingnan yung abs niya. Shocks may abs.

"You alright? Nakatulog ka ng maayos?" sabi niya habang nilalagay yung plato sa lamesa.

"Ha?" sorry pero sino ba ang hindi mapapatulala pag makikita mo si Louis na shirtless?

"Nevermind, orange juice, milk, or hot chocolate?" tanong sa akin

"Hot... super hot" nag smirk siya sakin at dun ko narealize kung ano sinabi ko.

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon