Chapter 42 (Never Enough)

2.9K 55 29
                                    



READ AUTHORS NOTE AT THE END GUYS THANKS!

"The last time I love you, I was so good to you, and I forgot how to be good to myself."

Mich's POV

Binuksan ni Louis yung pintuan at yung happy face niya ay naging concern at mukhang gulat gulat siya nang Makita niya ko.

"Oh Mich. Not to sound rude or anything pero ba't ka nandito?" tanong niya sakin. Medyo maypagka rude yung tono niya pero di ko na yun pinansin

"Andyan ba si El? Kagabi ko pa siya tinatawag at tinetext pero di siya sumasagot. Nag-alala na kasi ako sa kanya." Sabi ko at mukhang naiintindihan niya ko.

"Yeah andito siya."nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko yun kay Louis.

"Pwede ba ko pumasok? Kailangan na kailangan ko lang talaga siya makausap." Sabi ko at mukhang nag aalangang siyang papasukin ako. Pero tumango siya at nag smile ako sa kanya.

"Asan siya?" tanong ko

"Nasa kitchen... andun si Liam." Sabi niya at napatigil ako sa paglalakad papuntang kitchen nang marinig ko yung pangalan ni Liam. Tumingin ako kay Louis at nag fake smile.

"Perfect" sabi ko na may pagka sarcastic

"Gusto mo ba na papuntahin ko na lang si El sa sala?" alok ni Louis pero di ako pumayag. Ang rason kung bakit di ako pumayag dahil gusto ko Makita si Liam. Oo nasaktan ko siya pero siguro kailangan niya ng isang magandang rason kung bakit ko mas pipiliin si Avan.

"Gusto ko rin makausap si Liam" sabi ko kay Louis at sumimangot siya

"Sure ka? I mean no offense pero sinaktan mo na siya kagabi, sasaktan mo uli siya ngayon?" lumalabas yung pagkaprotective side ni Louis kay Liam kaya di ko siya masisisi.

"He deserves an explanation" sabi ko sa kanya at napabugtong hininga si Louis.

"Fine tara" sabi niya at sabay kami pumunta sa kitchen

"Guys andito si Mich" announce ni Louis at pumasok sa kitchen. Nakita ko si El at ngumiti siya sakin nginitian ko siya. Tumingin ako kay Liam pero di siya nakatingin sakin. Nakatingin siya kay Louis.

"Uhm pwede ba tayo mag-usap?" sabi ko kay Liam pero ikinagulat ko nung di siya pumayag. Tumingin ako kay Louis at nag shrug lang siya ng shoulders niya.

"Liam? Please?" sabi ko pero di pa rin siya pumapayag.

"Wait, may namiss ba ko? May nangyari ba sa relasyon ninyo?" tanong ni El na mukhang naguguluhan.

Sumenyas si Louis kay El para manahimik.

"Liam?" sinubukan ko siya lapitan pero tumingin lang siya sakin ng masama sabay tayo at umalis.

"Teka wait" this time, humabol na ko sa kanya. Hinabol ko siya papuntang garden at hinawakan ko yung braso niya pero inalis niya agad yung kamay ko at humarap siya sakin.

"Wag mo kong hahawakan" madiin niyang sinabi sakin. Tiningnan ko siya diresto sa mga mata niya na nakatingin sakin. May halong galit at sakit yung tingin niya pero ni minsan, di ko nakita si Liam na makatingin sa isang tao na parang gusto niyang patayin... ngayon lang.

"Please Liam" sabi ko habang hinawakan yung cheeks niya pero mabilis siyang umiwas.

"Ano ba? Sabi ko wag mo kong hahawakan!" sinigawan niya ako. Medyo natakot ako sa kanya.

"Please, love?" and in that moment, nawala yung galit na expression niya. Biglang nag relax yung katawan at yung tingin niya sakin.

Love

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon