Chapter 13 (Ako na lang)

88.9K 720 70
                                    

“Ako na lang sana, tayong dalawa na lang.”

-Zia Quizon

Mich’s POV

Hindi ko alam kung ano magiging reaction ko nung time na yun. Sinabi sakin ni Liam na gusto niya ko. Kakasabi din ni Louis na gusto din ako ni Avan, pero di ko alam kung maniniwala ako kay Louis o hindi. Naghihintay nang sagot si Liam, wala akong ibang gawin kung hindi umalis. Tumakbo ako hanggang sa nabangga ko si Avan. The heck! Andaming taong mababangga ko, si Avan pa!

“Ingat, ingat din pag may time ah?” nagsmirk siya sakin sabay alis.

Hindi naman ako gusto ni Avan eh. Kasi kung gusto niya ko, di ganyan yung magiging reaction niya sakin. Dapat gagawin niya yung lahat para mahalin ko din siya, pero hindi eh. Ang sama niya sakin, kaya imposible yung sinabi ni Louis sakin. Niloloko lang ako nung sira ulong yun.

“Mich” tumalikod ako at nakita ko si Diana na papunta sakin at mapungaw ang mga mata niya. Nag fake smile siya sakin at niyakap niya ko ng mahigpit.

“D-Diana?” sabi ko ng mahinahon.

“Mich, may gusto ka ba kay Liam?” the heck?!

Bigla namang nag bell. Save by the bell ata ako eh.

“Ugh, Diana maya na natin to pag-usapan ah?” bigla akong umalis at pumunta sa classroom namin. Umupo na ko sa tabi ni Liam na mukhang pinagsisisihan yung sinabi niya sakin.

“Liam?”

“Oh?” sabi niya pero nakatingin pa rin siya sa harap ko.

“Ugh, tungkol sa kanina…” di ko alam kung ano yung sasabihin ko para hindi siya masaktan. Hanggang kaibigan lang kasi yung tingin ko sa kanya eh. Hanggang dun lang talaga.

“Mich, wag na natin yun pag-usapan. Kalimutan mo na lang” sabi niya sabay  tingin sakin tas nag smile. Di ko lang alam kung fake o totoong smile nya sakin.

“Good Afternoon class!” sabay pasok si Ma’am sabay ni Avan ang pasok ni Ma’am.

“Good Afternoon Ma’am” sabi naman naming ng mga kaklase ko.

“Before we discuss our lesson, the principal wants you to know that this week, we will be having our Senior Prom!” nag yes at natuwa naman yung mga kaklase ko.

“Ma’am!” sabi ni Avan habang tinaas niya yung kamay niya.

“Yes?”

“Ano po theme ng prom?”

“The Last dance is our theme because its your last prom here since you guys are seniors!” sabi ni Ma’am na mukhang natutuwa. Pagkatapos sabihin ni Ma’am yung kailangan, ay nag-discuss na siya.

UWIAN

Tumayo na ko at naglabasan na lahat ng mga kaklase ko pati si Liam.

“Mich?” si Avan pala.

“Oh?” sabi ko sabay kuha sa bag at tingin sa kanya.

“May, ugh. Er. May” napakamot siya sa ulo niya

“Ano?” nu kaya sasabihin nito?!

“May, uh, date ka na bas a prom?” nagulat ako sa sinabi niya. Nanlaki yung mga mata ko. Di ko kasi ineexpect yun eh.

“Ugh, w-wala pa. bakit?”

“P-Pwde bang—“ di na natuloy yung sinabi niya since biglang dumating si Diana.

“Mich, usap tayo?” kinabahan ako sa sinabi ni Diana. Tumango na lang ako at nagpaalam kay Avan. Ano kaya sasabihin ni Avan?

Avan’s POV

Biglang dumating si Diana kaya di ko nasabi kay Mich yung gusto kong sabihin sa kanya. Sana kasi ako na lang, sana ako na lang imbis si Liam. Sana ako na lang mahal niya. Di ko pa inaamin na gusto ko siya, sana ako na lang… sana akin na lang siya…

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon