Chapter 17 (I love you)

95.4K 864 81
                                    

“Can’t be scared, gotta make a move”

Mich’s POV

“Liam” mahina kong sinabi.

“mhm?”

“Wait lang ah? May hahanapin lang ako.” Tumango siya at dali dali kong hinanap si Avan.

Lumabas muna ako dun sa hall at hinanap ko siya sa quad ng school namin. Walang masyadong tao dun dahil yung mga iba ay nasa loob ng hall. Medyo madilim nun at yung ilaw lang ng mga bituin at ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa labas. Nakita ko si Avan na may kausap na isang babae. Sino naman yun? Bigla akong nakaramdam ng pagseselos. Ewan ko kung bakit. Ay, alam ko pala yung rason, mahal ko yung tao eh. Siguro ayaw ko lang aminin sa kanya dahil di ako makapaniwala na nagkagusto ako sa isang taong sobra sobra kong kinaiinisan dati. Niyakap niya yung girl at di ko mapigilan yung sarili ko na magselos talaga. Sino ba yung babaeng yun? Para namang inaaksaya ko lang yung oras ko dito. Tiningnan ko na lang sila ng masama at sabay pasok sa hall. Di naman nila ko Makita kahit tingnan ko sila ng masama eh. Pumasok na ko sa hall at nakita ko si Liam na kausap si Louis. Ayoko namang sumingit kaya hinanap ko na lang si Jade at nag-usap kami. Bahala na lang si Avan sa buhay niya.

Avan’s POV

Lumabas ako sa hall dahil sumingit si Liam samin ni Mich at baka masapak ko lang siya dahil sa pagsingit. Nagpahangin lang ako sa labas hanggang sa may kumalabit sakin.

“Avan!” tumalikod ako at nakita ko si Claire.

“Claire!” ngumiti ako sa kanya at nginitian din niya ko. Ex girlfriend ko siya at nagbreak kami kasi nagmigrate sila sa Canada.

“Bakit ka nandito? Kala ko ba-“ di na natuloy yung sasabihin ko dahil bigla niya kong inakap. Niyakap ko din siya dahil namiss ko din tong babaeng to. Nagsimula kasi kami as best friends. New student siya, ako yung una niyang naging kaibigan at kakilala dito. Biglang nagflashback ang mga nangyari last year.

-Flashback-

May new student daw samin. Ewan mga month ng July nag enrol eh. Bigla siyang pumasok at nakita ko siya. Ang ganda niya. Mukhang mahiyain pero mabait naman.

“Please entroduce yourself” sabi ni Ma’am sa kanya.

“I’m Claire Vergara” nagsmile siya at nakita ko yung dimples niya. Ang cute niya talaga. Ay, maganda pala. Napatingin siya sakin pero inalis din niya yung tingin niya sakin. Shy type nga. Napangiti ako dahil dito.

“Ang ganda niya pre” sabi ni Liam sakin. Napangiti ako at tumango na lang.

“Kalma pre, may Diana ka na!” pabiro kong sinabi sa kanya. Tumawa si Liam at tumingin uli ako kay Claire.

“Please sit next to Avan.” Tinuro ni Ma’am yung upuan niya at nagsmile at parang nagblush siya sakin. Napangiti ako dahil dito. Gusto ko kasi yung mga shy type eh.

Umupo siya sa tabi ko at nagdiscuss na si Ma’am ng lesson namin.

“Avan” sabay smile ko sa kanya

“Claire” ngumiti siya sakin sabay nag show yung dimples niya. At napatingin ako sa mga mata niya. Ang amo ng mga mata niya. At nung napatingin ako sa mga mata niya, alam ko sa sarili ko na hindi lang kaibigan ang tuturing ko sa kanya.

-End of Flashback-

“Musta na? tangkad na ah” biniro ko siya at binatukan niya ko.

“Yung pinsan ko kasi nag aaral dito kaya iniintay ko lang siya.” Sabay smile at nakita ko yung dimples niya. Grabe namiss ko yung dimples niya.

“Ah. Lam mo namiss kita”

“Ako din Avan. Namiss kita. So, musta lovelife?” sabay asar at hampas sakin. Napangiti ako at nagkwentuhan naman kami.

Mga 10 minutes na ang nakakalipas at nag babakasyon lang si Claire dito.

“Sige Avan ah? Nakita ko na yung pinsan ko eh. Bye! Text kita ah?” sabay hug sakin at pumunta sa pinsan niya. Grabe namiss ko nga siya. Pumasok na ko sa hall at nakita ko na inannounce na yung prom King and Queen. Wala akong pake diyan. Di naman si Mich at si Liam eh. Hinanap ko si Mich at nakita ko nakaupo lang siya sa isang tabi. Nakatulala. Ang hilig tumulala nitong babaeng to. Pinuntahan ko siya at umupo sa tabi niya.

“Mich”

“Ano?!” ang sungit naman nito. Kala mo kakainin ako na ewan eh.

“Meron ka ba?”

“ewan ko sayo! Bumalik ka na lang sa kinakausap mo kanina!” sabay tayo at labas sa hall. Huh?! Ano daw?! Tumayo ako at hinabol ko si Mich.

“hoy! Teka nga lang nga.”

“Ano?!” bakit k aba nagkakaganyan?!” ang moody naman nito. Bakit ko nga ulit to minahal?!

“Eh kasi eh” sabay irap sakin

“ano?” sabi ko ng mahinahon.

Tumingin siya sa mga mata ko at sabay sabi “Ewan ko sayo bahala ka sa buhay mo!!” sabay walk out. Luh?! Napraning naman siya.

Hinabol ko siya uli at hinawakan ko siya sa braso niya. Humarap siya sakin at inirapan ako.

“Ano ba talaga nangyayari ha?! Okay ka lang ba?! Ano ba meron?!”

“Eh kasi nga nagseselos ako dahil mahal kita!!” sinigaw niya at nabitawan ko yung mga braso niya. At alam ko nung time na yun, ay parang sobra sobra akong natuwa at bumilis yung tibok ng puso ko. Pero bigla akong sinampal ni Mich. The heck?! Sira ulo ata tong babaeng to eh.

Mich’s POV

Sinampal ko si Avan at pinagpapalo ko siya dahil naiinis ako sa kanya. Grabe as in. yung feeling na mahal mo siya pero iritang irita ka sa kanya? Sobra kong ayoko kay Avan pero mahal ko siya. Ayoko yun mangyare eh. Ayoko talaga.

“Bwisit ka! Bakit ba kasi ikaw pa! nakakairita ka walanghiya ka! Ewan ko! Bwisit ka!” sinabi ko yun habang pinapalo ko siya. Bigla naman niyang hinawakan yung dalawa kong braso at sinandal ako sa pader.

“Isa pang salita mo at hahalikan kita.” Sabi niya ng mahinahon pero nag smirk siya. Nagulat ako at knabahan na ewan.

“Subukan mo lang” sinabi ko pero gagawin niya kaya?

Nagsmirk siya at sabi “Talagang susubukan ko.” Sabay papalapit sa mukha ko. But, I, seryoso ka?!

Hanggang sa naramdaman ko na hinalikan niya ko sa noo ko. Dumilat ako at nagsmile ako sa kanya. Binitawan na niya ko at nagsmile uli.

“Tara pasok na tayo.” Tumango na lang ako at hinawakan niya yung mga kamay ko. Di na lang ako kumibo kahit kilig na kilig ako. Kami na ba ni Avan? O ewan? At sino ba yung kasama niyang babae kanina? Mamaya ko na lang tatanungin. Basta ang alam ko, ay mahal ko si Avan at mahal din niya ko.

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon