Irene's POV: 2

228 17 0
                                    

After what happened in to that bar. Hindi ko alam, hindi ko kayang makita sila sa iisang bahay so I excused myself first, reasoning that I'll go to La Union for a work.

Running to my friend again, nothing new. Tatanggapin niya ako iiwan ko siya at the end of the day.

Pero bago ako umalis, I just give Greggy a sweet day. Playing with our kids, doing what husband and wife routine is.

I still show to Nerissa na kahit anong mangyari, ako pa rin ang asawa ni Greggy. Hinding hindi mapapasakanya ang asawa ko.

A pure day that I gave to Greggy, hindi ko kasi alam kung mauulit pa o ano pero at least naibigay ko bago ko gawin ang plano ko.

When I arrive at La Union, inasikaso ko ang divorce paper showing the proof that my husband is cheating... Maybe multiple times.

"Sure ka na?" Tanong ni Jack.

"Oo, naawa ako sa mga bata pero... Awang awa din naman ako sa sarili ko." I answered.

"That's good honestly, you'll free yourself." He whispered.

"Kaso yung mga bata..." Di ko kasi alam kung awa na lang ba para sa mga bata.

"Makakapag adjust din sila, hindi ngayon pero baka soon." Sagot sa akin.

I sigh, holding the papers tightly.

"Andito naman ako eh." Pag dagdag niya.

"Hindi nga pwede." Pang uulit ko.

"Eh ano ako sa'yo Irene?"

"Kaibigan..."

Hindi ko alam pero wala eh, si Greggy at si Greggy lang talaga ang tinitibok ng puso ko. Pero tama na tong ka martyr na taglay ko.

"Irene kahit pagiging tatay lang sa mga anak mo kakayanin ko." Pagmamakaawa niya talaga.

I sigh, "Alam mo may irereto ako sayo." This happened again, I guess? Or kaparehas lang.

Why do they need to beg on someone's love?

"Ayoko, gusto ko sa'yo." Paninindigan niya.

"Uwi ka na." Sabi ko.

"Ayoko nga." That make me uncomfortable.

"Please, Jack! Alis ka na." I repeat.

"Minsan na nga lang tayo magkasama... Papaalisin mo pa ako." Mas lalo siyang lumalapit kaya mas lalo din akong kinakabahan.

I need to make a reason para lang mapaalis siya sa rented hotel room ko.

I look outside gabi na din when I receive Greggy's call. "Susunduin na ako ng asawa ko. Makaka alis ka na." I said before answering his call.

We have a talk, gusto ko nang lumabas dito agad.

"Aalis na ako." I bid a goodbye before leaving him on my room.

Inaya kong tumaas si Greggy, sana naman umalis na siya. I've been pacing out while we're on elevator...

"What if hindi umalis?" Tanong ko sa sarili ko.

I fished my phone to text him saying na umalis na siya dahil nga nandito na ang asawa ko.

"Kamusta naman?" My soul for a moment left when Greggy asked.

"Okay lang naman, nakakapagod pero enjoy." Sagot ko.

Buti na lang nag open na yung elevator, ramdam ko pa rin yung kaba ko sa kung anong pwedeng gawin ni Jackson kanina.

Pagkapasok na pagkapasok namin bigla siyang nag tanong, "May bisita ka?"

Napa "huh?" Naman ako.

"Wala dear. Naninibago lang siguro." sagot niya.

After I change my clothes, I saw him pacing out.

"Greggy." Pag tawag ko.

"Anything's wrong?" I even asked.

"Wala naman dear, iniisip ko lang trabaho ko." Sagot naman niya ulit.

Kung iba naman ang iniisip sana hindi na siya nag punta dito.

We went to this resto bar. We are just talking about our life with the children when he asked the golden question.

"Mahal mo pa ako?"

A nerve-wrecking question. I stare at his eyes, I do love him that I lost myself anymore.

"Hindi ko alam..." Naguguluhan kong sagot, "Minsan hindi na." I look at the table.

"Maski ako Irene." That broke my heart. Kaya ganon na lang ba kung lokohin ako?

"Kaya nambabae ka?" I asked.

"Never akong nambabae." Wala nang bago Greggy.

Bigla niyang binawi at sinabing, "Mahal kita Irene."

"Minsan?"

"Ano bang hindi ko naibigay sa'yo Greggy?"

Nakita ko siyang umiling.

"Sino si Jackson?" Tanong niya.

A shock on my face appear, paano niya nalaman yun?

"Paano mo nalaman?" Tanong ko.

"It doesn't matter." Sagot niya.

"Ano sa'yo si Nerissa?" Tanong ko pabalik sa kanya. Ungkatan naman pala to eh.

Pinanindigan niyang walang namamagitan sa kanila.

"Mag hiwalay na tayo?" I drop it, ayoko na, pero hindi pa ako sigurado.

Hindi pa siya umimik, "Tutal Gregorio naglolokohan na lang naman na tayo dito. At least pag naghiwalay tayo kahit sino ang ibahay mo." I explain.

"Hinihintay ko lang tong panahon na to. Ang makausap ka na walang tao sa paligid natin... Na tayo lang, na wala tayong iniisip na mga anak natin— Yung totoong nararamdaman mo. Hindi for the sake of our children." kunwaring matapang kong sabi kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko din kaya to.

"Let's divorce."

"Sure ka?" Tanong niya, gusto ko sanang sagutin na hindi pero wala akong magagawa kundi panindigan na tong sinimulan ko.

Gising ako nang bumubulong bulong si Greggy, "Dear... My Irene. My sweetest wife."

I continue to pretend that I fall asleep.

He confesses something, gusto ko lang naman na aminin niya mga ginagawa niya baka dun sakaling matanggap ko pa.

"If I can turn back the time, I would choose you. Ikaw naman kasi, ikaw pa rin kasi kahit anong kalokohan ang ginagawa ko... Ikaw pa rin, dahil ikaw talaga eh. Ikaw yung tinitibok na puso ko. Hindi ko lang magawang maamin, dahil hindi ka na maniniwala. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo— Pero sana wag mong gawin kung ano ang ginawa ko. Hintayin mong makalaya tayo sa isa't isa bago ka mapunta sa kanya."

"Uwi na tayo sa isa't isa please." Mas lalong lumalambot ang puso ko pag ganito siya.

Nakatulog siya matapos mag drama, I look at his phone nag text si Nerissa.

Kung ikaw ang katulong, kailangan mo pa bang i text yung amo mo at tanungin kung kailan siya uuwi?

Grabe na kasi ang mga pinag gagawa niya ang sakit para sa akin na isumbat at ibulgar mga kalokohan niya. Ang sakit na hanggang ngayon kasinungalingan pa rin ang nanaig sa kanya. Kinakailangan ko pang isampal sa sarili niya mga kasalanan at pagtataksil niya.

A Sweetened LifeWhere stories live. Discover now