41

266 17 6
                                    

Nagising ako nasa tabi niya pa rin ako, I take my time to admire her again. To cherish her once again.

"Mahal kita." Paulit ulit na words na naglalaro sa utak ko... Kaso sa utak na lang ata?

"Dear... My Irene. My sweetest wife." I whispered, "I love you so much, more than you know."

"If I can turn back the time, I would choose you. Ikaw naman kasi, ikaw pa rin kasi kahit anong kalokohan ang ginagawa ko...

Ikaw pa rin, dahil ikaw talaga eh.

Ikaw yung tinitibok na puso ko.

Hindi ko lang magawang maamin, dahil hindi ka na maniniwala. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo... Pero sana wag mong gawin kung ano ang ginawa ko. Hintayin mong makalaya tayo sa isa't isa bago ka mapunta sa kanya."

I trace her face down to her lips, "Walang ibang mamahalin kundi ikaw." Oo niloko ko, pero hindi ko masabing hindi ko na siya mahal. Siguro dahil nagpauto at nagpakagat ako.

"Uwi na tayo." I whispered, "Uwi na tayo sa isa't isa please." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Babalik ako sa'yo..." Dagdag ko pa. "Babalik tayo sa isa't isa."

Nakatulog ako, pag gising ko nag aayos na si Irene. "Gumising ka na diyan nag text si Liza may kaso siyang handle kaya kailangan niya pumunta ng korte."

Ayoko umuwi, kasi last na to. Kung ipupush niya yung divorce hindi na to mauulit... At hindi na ako makakalapit sa kanila.

Kung pwede lang talagang itigil ang mundo... "Okay." Napabangon na lang ako.

"See Greggy what did you do? Tanga tanga ka kasi eh." Some voice whispered in my head.

I open the faucet, letting the water being familiarize on my body, "Tama nga." I whispered.

Naligo ako at inayos na ang sarili ko, "Ang bilis ng oras." I said to myself before stepping out the bathroom.

"Maligo ka na." Sabi ko sa asawa ko, "Sige, naka ayos naman na."

I opened the terrace door, the clear skies, bluish background because you can see the sea, with a greenery trees around. Pulling something on my pocket, "Minsan lang." I whispered as I light up the cigarette.

Watching the end of cigarette burn down, like how my heart burn when I heard what she said.

"Let's divorce."

Paulit ulit na sinasabi ng utak ko, "Oh god." I am becoming angry on that voice and that two words.

Hindi ko tinapos dahil narinig kong nag bukas yung pintuan, pinatay ko at itinapon.

"Anong ginawa mo?" Agad niyang tanong nang bumalik ako sa loob.

"Nag pa hangin lang." Sagot ko sa kanya, may nakita akong candy sa ibabaw ng lamesa kaya kinuha ko agad.

"Tapos ka na... Dear?" Tanong ko habang kinukuha yung mga gamit namin.

"Tara." Sagot lang niya, pero humawak siya sa braso kaya sabay kami nag lakad palabas.

"Dear?" Tawag ko binaba niya yung kamay niya sa kamay ko kaya magka holding hands na kami.

Napayuko ako, hindi ko alam kung tino torture niya ako marahil sa mag di divorce na kami o ano.

Pumasok kami sa elevator, I had to take very deep breath.

"May helmet ka pa?" Tanong niya sa akin, "Meron." Sagot ko naman nanginginig na ata ako.

"Hmm that's good." She said, "Anyway yung babae..." Tumingin ako sa kanya sino na namang babae ang sinasabi neto.

"Si Nerissa." Pagtatama niya, "Oh ano meron?" Tanong ko sa kanya.

A Sweetened LifeWhere stories live. Discover now