11

330 29 0
                                    

Pregnancy test with two lines.

Hindi ko naman first time makakita ng pregnancy test, at alam ko ang ibig sabihin, parehas sila ng kulay.

Hindi lang isang pregnancy test kundi tatlo. Pare parehas ng results.

Nawala na sa isip ko yung sigarilyo at yung sakit ng puso ko. Lumabas ako ng kwarto ko. "Irene? Dear?" Pag sigaw ko sa labas ng kwarto ni Alfonso.

"Ano ba?" Rinig kong sagot ni Irene.

Pumasok ako sa loob, hindi pa ata sila tapos. Tuwang tuwa ako.

"Hello baby." Pag kiss ko sa pisngi ni Alfonso pero hindi ako pinansin.

Si Irene pinipigilan yung tawa niya.

"Go na to daddy, daddy will help you to put clothes on." Sabi ni Irene sa anak namin.

"I don't want daddy." Tumingala siya kay mommy nya.

"Why you don't like daddy?" Tanong ko, medyo nawala yung saya ko.

"I don't want you." He stomped his feet.

"Ay, that's not good Fonso ha." Sabi ni mommy nya.

"I don't want daddy..." Pag tantrums nya na humawak pa sa binti ng mommy nya.

"Okay..." Binuhat ni Irene si Fonso at pumunta sa walk in closet.

Wala nakaluhod lang ako dun, hindi pa nagana utak ko.

"Tara na let's eat." Pag abot ko ng kamay ko kay Alfonso, kaso pumunta sya sa kabilang side ng mommy nya.

I sigh and just follow them. Nasa likod lang nila ako. Sumasakit parin talaga ulo ko.

Medyo umubo ako, feeling ko ang bigat ng damdamin ko mas lumala pa ngayon. Hindi na ata to tulak ng emosyon.

Dinengdeng ang ulam namin. Nag lagay na ako ng ulam sa plato ko.

May mga naisamang meat, pinili ko yung mga laman at linipat ko sa plato ni Alfonso.

Nakatingin lang siya sa akin. Naka focus na lang muna ako sa pagkain.

Hindi ginalaw ni Alfonso yung laman na nilipat ko sa plato nya. Tapos na ako. Nilagay ko sa lababo yung pinagkainan ko.

Lumabas na muna ako, nahihirapan talaga akong huminga.

"Baka sa alak lang yan?" Sabi ni Irene.

Tumango ako baka nga, para akong sinisikmura na hirap na hirap huminga.

Nag uusap kami, si Alfonso ayaw naman lumapit sa akin, iniiwan naman ako pag ako lumapit sa kanya.

"Grabe naman mag tampo anak natin." Bulong ko kay Irene.

"Ewan ko ba kung kanino niya yan namana." Sabi niya, medyo natawa ako.

"Kanino pa ba?" Patanong kong sabi at lumingon sa kanya.

Tumingin siya ng masama sa akin, kaya nginitian ko siya.

Naliligo si Irene, nasa kama kami ni Fonso. "Alfonso come here nga." Sabi ko ng may seryosong tono.

Tumingin lang siya sa akin. "Do you hate daddy?" I asked.

Tumango siya, "Why?" Tanong ko at umupo sa tabi niya, "Why do you hate daddy?" Pang uulit ko.

"You don't pway anymore with me." Sagot nya, at sinapak niya yung chest part ko.

Ramdam ko yung sakit, pero alam kong hindi dahil sa sapak niya.

Liningon ko sya ng kaunti, nakatalikod siya sa akin kaya agad agad kong pinunasan yung luha ko.

Hiniga ko na lang muna. Gusto kong mag mura sa sobrang sa sakit.

Nang mapansin kong nakalabas na si Irene, agad akong pumunta ng cr para kunin yung gamot. Cholesterol drug lang meron sa akin, but I remember the doctor said it can help too.

Nag hugas muna ako ng mukha ko kasi puro luha na. "Anong ginawa mo?" Tanong ni Irene.

"W-wala." I answered stuttering, kaya ko pa naman i-endure beside minsan na nga lang din ako dito sa bahay mapupunta pa ng hospital.

"Okay ka lang Greggy? You look so pale?" Tanong ni Irene, nasa sofa ako kasi nasa kama silang dalawa.

I nodded "Okay lang, baka pagod lang siguro." Sagot ko.

Nang sumakit na masyado, alam kong hindi ko na kakayanin. I hold my chest part and level down my head crying silently.

"Greg... Pa hospital na tayo please." Pagmamakaawa ni Irene.

"Wait lang." Bulong ko, masyadong masakit baka mahirapan lang din akong tumayo.

"Bilis na Greg..." Sabi niya, tiningala ko ulo ko. Paiyak na sya. Tumango naman ako.

Inalalayan niya ako hanggang sa sasakyan. Sumusunod lang si Fonso sa amin.

"Manang, paki hatid na lang si Alfonso mamaya pag tinawagan ko kayo." Bilin ni Irene.

Nasa likod ako siya na nag drive, umiiyak na siya.

"Dear wag kang umiyak baka hindi mo masyadong makita yung daanan." Pagpapaalala ko. Nakita kong pinunasan niya yung mata nya

Medyo tumatalab na ata yung gamot nawawala na yung medyo sakit.

"Doc ano po bang sakit ng asawa ko?" Tanong ni Irene, nakahiga ako sa patient bed "Bumalik po ba yung heart disease niya?"

"Inflammation lang, masyado sigurong stress si Mr. Araneta, mukhang bumalik nga din siya sa pag yoyosi niya. Alam niyo naman kung anong bawal kapag may Coronary artery disease. Hindi porke't na operahan na aalis na talaga." Pag explain ni Doctor.

"Pahinga na lang siya and watch out the stress as well as the cigarettes." Sabi niya pa, tumango tango si Irene.

"He can go tomorrow pa, tumaas yung dugo niya. Lagi ata na ha highblood." Medyo natatawang comment ni doc. Ninong niya kami sa kasal niya kaya medyo close kami.

Nang makalabas na ang nurses at Doctors, pumikit agad ako.

"Wag ka mag tulog tulugan jan." Rinig ko si Irene, hindi ko man mapigilan hindi matawa.

"Yan yosi pa ha!" Sabi niya, umiiyak ulit siya.

Kaya kahit medyo mahirap umupo, umupo parin ako para mapunasan luha niya.

"Shh it's fine... I'm good oh." Sabi ko at niyakap siya.

"Alam mo na ngang na operahan ka na noon parang balak mo pang ulitin." Pag tuloy nya sa pag iyak.

"Sorry na dear, I'm here na oh." I caress her back.

I put a kiss on her head.

Naka higa kaming dalawa sa kama. Biglang may naalala ako.

"Dear?" Tawag ko sa kanya, nag ce cellphone kasi siya.

"Oh?" Tanong niya

"Buntis ka?" Tanong ko agad ng walang pag alinlangan.

Tumingin siya ng nakakunot ang noo. "Saan mo naman nakuha yan?" Tanong nya.

"Sa CR kita ko yung PT." Sagot ko sa kanya

Natatawa siya, tumaas ang kilay ko.

A Sweetened LifeWhere stories live. Discover now