44: Antonio's pov

265 21 22
                                    

We watch his body collapse, "Gago talaga eh." Sabi ko, "Takbo na natin." Sabi ni Dawn napatango ako, "Love pakikuha na lang ng mga gamit niya ha."

I did some techniques para tumigil yung pag bleed niya, "Love hindi na siya humihinga." Natatakot na talaga ako.

"Love tara na." Sabi ni Dawn, napa sigh ako at binuhat nga si Greggy.

Tumakbo kami sa malapit na hospital, sumusunod kami sa kanya habang ipupunta na ata siya sa E.R.

"Diyan na lang po kayo sir." Sabi ng doctor, bago sinara yung pintuan.

I look at my girlfriend, "Sorry ha." Sabi ko sa kanya, mag de date sana kami ngayon kaso binalita naman niya na may ganong ganap sa kanila.

"It's fine, I understand it." She smile a little, "Sasabihin na natin kay Irene?" I asked.

"Hindi ko din alam..." Sagot niya, tinignan ko yung cellphone ni Greggy picture ng mag-ina yung wallpaper.

"Ang hirap." Hindi ko naman relasyon pero bakit parang maski ako namomroblema.

"Yung magulang niya kaya?" Tanong ni Dawn.

Hindi ko din sure, mas lalo ngayong alam na siguro nila. Alam ko kung gaano kasungit si tito. "Mamaya na lang? Hintayin na lang natin yung sasabihin ng doctor." Sabi ko.

Umupo siya sa tabi ko, "Hindi ko naman siguro kasalanan no?" Tanong ni Dawn.

"Hindi, kasalanan ni Nerissa yun..." Sagot ko sa kanya, to be honest pinakiusapan ko na si Nerissa.


-FLASHBACK-

Noong nalaman kong namamasukan si Nerissa kanila Gregorio iba agad ang naramdaman ko.

"Nerissa?" Tinawagan ko siya buti naman sinagot niya, "Ano po yun sir?" Tanong niya.

"Alam ko yung gawain mo. Please lang, wag na wag mong gagawin yun kay Gregorio. Maayos ang buhay nilang magpamilya." Pinaalalahanan ko na ka agad.

Narinig ko yung pag lunok niya, "Opo sir. Makakatiwala ka po."

"Siguraduhin mo lang, ako ang makakalaban mo pag may nasira ang relasyon ng dalawang yan dahil sa'yo." I actually admire their relationship, kaya ayokong nasisira sila. Naalala ko noong unang naghiwalay sila lugmok na lugmok si Greggy.

"Please kung may iba kang trabaho, iwan mo na sa labas yun. Wag mo nang dalhin sa kanila." Dagdag ko.

"Opo sir." Sagot niya talaga kaya pinagkatiwalaan ko siya.

-END OF FLASHBACK-


"Makita ko lang talaga ulit yung babaeng yun." Bulong ko kay Dawn, "Wag na." Sagot niya, "After all... Kumagat din naman sa pain yang kaibigan mo." She said.

Oo tama nga, hindi naman mabubuo pag hindi din nag agree etong Greggy.

Lumabas ang doctor, "Kailangan po siyang operahan due his coronary artery disease, the blood flow to his heart was already blocked... Kaano ano niyo po siya?" Tanong niya.

Nagkatinginan kami ni Dawn, kung sasabihin kong magkaibigan lang kami wala akong karapatan na mag oo sa operation.

"Kapatid niya po." I answered confidently.

A Sweetened LifeWhere stories live. Discover now