8

334 23 0
                                    

Nang makarating kami sa bahay, bumaba na agad kami. Buhat ko si Fonso kasi tulog pa.

Okay naman kami ni Irene nag jo joke lang kami kanina.

"Hello Greggy!" Bungad ng tito ko.

"Hello po tito. Anak ko po kasi tulog." Pagpapakilala ko kay Fonso, pinakita ko na lang yung ulo nya para makapag mano parin.

"Kaawaan ka ng Diyos anak." Sabi ni tito.

"Mas lalo kang gumaganda Irene ha." Pag baling ng attention niya sa asawa ko.

"Hahaha ganyan po talaga pag alagang Gregorio." Natatawa kong sabi.

"Sus tong batang to." Sabi ni tito at tinapik ang likod ko.

Pumasok na kami. "Ate!" Pag yakap ni Elvira sa sister in law niya.

"I akyat ko lang sya." Sabi ko kay Irene.

Tumango naman sya at tuloy ang pag chika kasama ng mga pinsan at kapatid ko. Wala sila Liza kasi nga nasa Singapore.

Pinasok ko na si Fonso sa dati kong kwarto. Nang ibaba ko na sana sya biglang namulat yung mata nya.

Kaya agad kong tinapik yung likod nya at pinaupo sa hita ko.

Yinakap niya ako. "Sleep more if you want." Bulong ko sa kanya.

Lumingon sya hinahanap na ata si mommy nya.

"Mommy??? Mommy!!!" Pag iyak niya.

I pursed my lip, "Wait lang anak ha. Shh don't be so loud." Pag tayo ko para makalabas ulit.

"Mommy weave?" Tanong nya.

"No she did not leave." Sagot ko naman.

"Where is she?" Tanong nya, umiiyak parin.

Pababa na kami ng hagdan "Wait lang." Sagot ko na lang.

"Oh bakit?" Tanong ni Irene nang makita kami.

"Nagising kasi hinahanap ka alam mo naman." Sabi ko, "Parang ikaw lang din tino topak pag hindi ako nakikita pag gising." Pang aasar ko muna bago ibigay si Fonso sa kanya.

"Nako ganyan talaga kapag babae, minsan pag hindi ka pa nakita sasabihin nang babae ka agad kahit umagang umaga pa lang." Rinig ko na sabi ni lolo.

Tumawa ako at nag mano. "Hahaha! walang magagawa mahal eh." Sagot ko sa kanya.

Pinabayaan ko muna si Fonso sa kanila. Nag uusap usap lang kami about sa mga business.

"Ang dami kamong handa." Sabi ni papa.

"Handa? Para saan?" Tanong ko kasi wala namang occasion eh.

"Wala lang, para sa atin mamayang gabi." Sabi ni lolo. "Alam mo naman ang mamang mo basta may bisita kelangan parang lagi may fiesta."

Nang kinagabihan nga ang dami ngang handa. Puro Ilonggo foods, katulad ng inasal, batchoy at silvanas.

"Kain ka na." Sabi ni Irene, sinusubuan ko kasi si Fonso.

"Ayoko." Sabi ko.

"Subuan mo daw kasi ate." Pang aasar ni Patty.

Nagkakamay lang kasi si Irene, kaya kumuha sya ng pagkain.

"Here comes the airplane." With baby voice pa nga Nagulat ako ng bigla nyang tinapat sa bibig ko yung pag kain.

"Wag mong kagatin masyado." Pag warning niya sa akin bago ko isubo ng maayos.

"Nako dinaig ang anak! Hahaha!" Natatawang sabi ni mommy.

"Ano ba yan Luis, paano mo ba pinalaki yang anak mo." Sabi ni lolo kay daddy.

A Sweetened LifeWhere stories live. Discover now