13

312 26 0
                                    

Nasa bahay na kami ngayon, okay naman na ako, nakagalaw naman ako ng maayos na parang walang nangyari. Luckily wala namang nag resign after ko sila mapagalitan sa mga outputs nila.

May movie date kami ni Irene, si Fonso naman may date daw sila ni Borgy ay ewan sa kanilang mag pinsan. Sabi kasi ni Irene na miss niya yung kaming dalawa lang. Nasa theater room lang kami sa bahay

"Birthday mo na bukas dear ha?" Sabi sa akin ni Irene. Tinignan ko yung cellphone ko.

"Ahh oo nga." Sabi ko lang at nag focus na sa movie.

Maya maya, nilingon ko si Irene, busy sya sa cellphone niya. I cleared my lump making her notice it. She put her phone away for a moment.

Nakasandal siya sa akin, naka wrap naman yung arms ko around her.

Hindi naman ganon katagal ng mag vibrate na naman yung cellphone niya kaya umayos sya ng upo at nag cellphone na ulit.

Mukhang may ka text ang bilis ng kamay nya mag type.

Naulit ulit yun nang ilang beses patapos na yung movie, hindi na niya naintindihan yung story line.

"Ano ba yan?" Medyo nairita kong tanong, aya ng aya manood ng movie di naman pala manonood ng maayos.

"Wala..." Sagot nya agad at binato yung phone nya sa kabilang upuan.

Kumunot na noo ko at tinignan na ulit yung malaking screen. Hanggang sa kinuha niya ulit yun, pinabayaan ko na.

Nang matapos. Nag ce cellphone lang sya. "Tapos na." Sabi ko hindi niya kasi ata napansin.

"Ahh, ako na mag aayos dito." Sabi niya di ko na sya pinansin at umalis na lang.

Dumeretso ako sa work room ko. I even cancelled all my schedule just for this tapos mag ce cellphone lang siya?

After siguro niya maglinis pumasok siya sa office ko.

"Dear labas tayo." Sabi niya, tinignan ko siya "Saan?" Tanong ko naman.

"Sa mall." Sagot niya, "Sige mag aayos lang ako." At umakyat na nga ako sa kwarto namin.

Nag suot na lang ako ng short at T shirt.

"Tara na?" Tanong ko kay Irene, mukhang nakaayos na kasi siya eh.

"Oo tara-" Aalis na sana kami nang biglang may tumawag sa kanya.

Pumunta muna siya ng powder room. Umupo ako sa sofa at nag cellphone na lang din.

"Wag na pala." Sabi niya pagkalabas niya.

Kumunot noo ko pero tumango na lang, "Sige." Sabi ko.

Tinatamad na ako mag palit kaya naka upo na lang ako dito sa sofa, habang nag ce cellphone na ulit.

Kakain na kami nang lunch, "Dear parang gusto ko ng lechon paksiw." Request ni Irene, naibalik na din nila si Fonso.

"Dear, wala tayong lechon." Sabi ko naman "Tignan mo puro gulay at isda ang meron oh."

"Eh gusto ko nga eh." Pag maktol niya, kinagat ko labi ko "Sige bibili ako." Sabi ko. Hindi naman ako makapag no sa kanya. Mahal ko eh.

Bibili na lang ako ng cochinillo kila Christina. Kinuha ko yun susi ng sasakyan sa kwarto namin. Pagkababa ko biglang sabi ni Irene.

"Wag na pala dear, nag bago na isip ko mapapa layo ka pa kasi bukas na lang."

I pursed my lips, I don't know what's wrong with Irene's mood this day. I sigh and nod.

A Sweetened LifeWhere stories live. Discover now