10

333 25 4
                                    

Nagising ako ng may sakit sa ulo. I look at the clock beside the bed table.

10 na pala ng umaga. "Diyan ka lang." Rinig kong sabi ni Irene.

Nilingon ko sya may dala dala syang bed tray table. Nilapag nya yun sa bed namin.

Kaya tinitigan ko siya, "What do you need my dear?" Tanong ko sa kanya.

"Wala!" Sagot nya agad. Ngumiti naman ako.

Hinawakan ko yung bewang nya at pinaupo sa tabi ko. "Dear." Bulong ko.

"Kumain ka na." Sabi niya habang nakatingin sa sopas.

"Si Fonso?" Tanong ko.

"Wag mong hanapin, mas masama loob non." Sabi niya.

Kadalasan kasi kapag gabi hindi ko na sya naabutan na gising. Since ka busyhan nga sa buhay.

Tumango ako at kumain na, mukhang si Fonso ang susuyuin ko ha, hirap pa naman suyuin yung batang yun.

Nasa tabi ko pa rin siya pinapanood niya akong kumain. "Dear wala ka bang gagawin?" Tanong ko sa kanya.

Paano mukhang masyadong mabait parang may iba.

"Ahh so ayaw mo na akong kasama ngayon?" Sabi niya.

Kaya tinignan ko sya, ano naman kayang meron sa ugali ng asawa ko ngayon.

Hindi na ako umimik at hinalikan ko na lang ulo nya. "Papasok ako ah." Sabi ko, inaayos na nya yung pinag kainan ko.

Uminom na ako ng gamot kasi nga masakit ulo ko. "Bakit ka papasok?" Tanong nya.

Halla ang Irene ko, kulang siguro sa tulog toh.

"May trabaho ako dear." Sagot ko, ano pa naman ang isasagot ko diba.

"Diba masakit ulo mo?" Tanong nya ulit sa akin.

Inaayos ko yung working desk sa loob ng kwarto namin, napangiti naman ako.

"Oo, pero banlawan lang to ng red horse okay na." Pang asar ko pa.

"Sige! Lumayas ka na!" Pag bulyaw nya sa akin.

"Joke lang naman dear, ano bang meron sayo?" Pag yakap ko sa kanya. Moody ang mahal ko.

"May regla ka ba?" Tanong ko pa.

"Wala! Wag ka tanong ng tanong. Umalis ka na." Sabi niya.

Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Dito na ako sasamahan na kita." Bulong ko sa kanya.

"Pero may sasabihin sana kasi ako." Dagdag ko pa sa kanya.

"Ano yun?"

Natatakot naman akong sabihin baka talakan lang niya ako. "Ahh wala." Sagot ko.

"Ano nga kasi yun?" Pang uulit niya.

Napalunok ako, "Feeling ko medyo masakit dibdib ko? Pero wala okay lang ako baka pagod lang to." Sagot ko na may ngiti.

"Greggy?" Nabigla ako nang tinawag ako sa pangalan ko.

"Dear?" Mas natakot ko pang tanong.

"Anong masakit?" Seryoso yung mukha niya pero alam kong nag wo worried naman siya.

Tinignan ko siya, shit mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Humawak ako sa lamesa bago ko hinawakan yung dibdib ko, sobrang sakit.

"Greggy? Dear?" Hinawakan niya yung braso ko habang nakatingin sa akin.

"Ang sakit." Bulong ko, "Pero kaya ko pa." Dagdag ko.

"Pa hospital kita?" Tanong niya agad, umiling ako. "Wag na kaya ko pa. Asikasuhin mo muna si Alfonso dear." Sagot ko bago inayos yung sarili ko.

Bumaba sya, work from home muna ako.

Nakatapat ako sa laptop, may biglaang meeting.

Hindi ko nanaman maintindihan ang proposal na ginawa ng mga empleyado ko.

"Mali nanaman." Comment ko sa gawa nila. "Hm, now I know why the clients declining our offer." Medyo kalmado ko pang sabi

Nag e explain naman sila sa side nila. Kumunot na noo ko, paulit ulit nga naman.

"Ilang beses na ba kayo nagawa ng proposal? Ha? Bakit paulit ulit tayo? Wala na bang improvement? Malaking client to? Trabaho niyo yan diba?" Sunod sunod kong tanong na medyo tumaas na yung boses ko.

Maya maya naramdaman kong may nag bukas ng pinto, kaya tumigil muna ako.

"Ulitin niyo yan ha! Ipakita niyo muna sa akin bago niyo i send sa mga kliyente kaya nawawalan ng client eh." Utos ko sa kanila bago ako mag leave ng meetings.

"Ang sungit mo naman dear." Sabi ni Irene at umupo sa lap ko.

Yumakap ako sa kanya. "Paano, paulit ulit na lang sa proposal puro decline yung client. Baka mamaya mas lumamang losses namin this month kaisa sa pumapasok." Sabi ko sa kanya.

"Dapat kalmahan mo din, baka kasi natatakot na sayo kaya hindi na nila magawa ng maayos." Sabi niya.

Hindi ako umimik alam ko namang naging harsh ako sa mga empleyado ko pero, iba naman ang mangyayari pag sobrang open ko.

"Sige na, may kinuha lang ako dito papaliguan ko lang si Alfonso. Kain na tayo after maligo ng lunch." Sabi ni Irene. Kaya tinanggal ko pagkakahawak ko sa kanya.

Maya maya, tumayo ako at pumunta ng cr. Alam kong may box ng cigarette akong natago dito.

Pag ka open ko ng drawer, imbes na box of cigarettes.

I saw something. A big shock hit my realization as well as my emotion.

A Sweetened LifeWhere stories live. Discover now