28

278 21 1
                                    

Karga karga ko si Luis habang nagpapa araw kasi tulog pa si Irene. Hindi ko lang alam kung gising na si Alfonso pero for sure hindi pa at mga puyat yun.

"Ano pre?" Tawag ko kay Anton nang makita ko siya.

"Puro sakit lang ng ulo binibigay mo sa akin." Pag reklamo niya agad.

Natawa naman ako, "Ikape mo lang yan pre." Sabi ko.

Nag timpla na nga sya ng kape. Biglang umiyak si Luis kaya alam ko na.

"Wait lang ha." Sabi ko kay Anton.

"Shh don't cry na may mga tulog pa." Bulong ko kay Luis na parang naiintindihan niya talaga ako.

Tinignan ko yung milk bottle niya kaso wala namang laman. Hindi na nakapag pump si Irene sa sobrang busy namin kahapon.

"Irene??? Dear?" Pag gising ko kay Irene.

Iyak pa ng iyak si Luis, "Ano nangyari diyan?" Nakapikit pang tanong ni Irene.

"Umiiyak baka gusto na mag gatas." Sagot ko. Umupo na si Irene at kinuha sa akin si Luis.

"Patimpla ng kape dear." Sabi niya, tumango naman ako.

Bumalik ako sa kusina, nakatulala si Anton.

I snapped my finger in front of him.

"Ano kaya pa ba? Hahaha." Natatawa kong tanong sa kanya.

Nag timpla ako nang kape ni Irene.

"Pre, si Bongbong?" Tanong ni Anton sa akin.

"Tulog pa ata." Sagot ko, di ko pa naman din kasi nakikita.

"Anong ulam pre?" Tanong niya ulit.

"Ano bang gusto mo?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Yung may sabaw sana pre para ano... Mawala yung hangover." Sabi niya.

"Aalis tayo mamaya ha." Sabi ko sa kanya.

"Oo alam ko paulit ulit naman." Sabi niya.

Natawa ako, "Aba malay ko ba kung lasing ka kagabi."

Kumain na muna kami, nandito parin naman sila Dawn at Small.

"Tara kain." Pag aya ko sa kanila.

Lugaw nanaman, yun kasi yung effective pag pa tanggal lutang after malasing eh.

"Ang galing mo kamo kumanta." Sabi ni Dawn kay Anton.

Sa sobrang gusto kong matawa muntikan ko pang mabuga yung lugaw.

Agad agad namang hinimas ni Irene yung likod ko, "Okay ka lang?" Tanong niya.

"Oo okay lang hahaha, Dawn syempre naman. Baka na train yan ng ilang taon sa pag kanta." Pang aasar ko pa.

"Hahaha! True, hindi talaga siya kumakanta pero dahil nga nag paparinig sa titibok ng puso niya kahapon napakanta siya." Pag singit ni Bongbong.

Agad agad naman siyang sinipa ni Anton sa paa. "Hahaha wala naman, nang aasar lang sila." Sabi ni Anton na parang gusto magmura.

"Dear punta pala tayo sa Paoay." Sabi ko. "Baka gusto mo dalhin din sila Small at Dawn." Dagdag ko.

"Uuwi na kami mamaya after neto eh." Sagot agad ni Small.

Napatango naman ako at tumingin kay Anton. Tumingin siya sa akin at umiling ako.

"Ba bye ka na Luis." Sabi ko, hinatid namin sila Dawn at Small palabas ng gate. Hinawakan ko yung kamay niya para kumaway.

A Sweetened LifeDär berättelser lever. Upptäck nu