CHAPTER 36

10 1 0
                                    

[JOY]

Pagkatapos nila akong ayusan, sila rin ang pumili ng susuotin ko, ayoko sana pero pinipilit nila akong mag dress, hindi pa naman ako sanay sa mga ganon. Isang black dress na off shoulder ang napili nila

"Ano ba 'to?"

"Oh, Sige mag pajama ka nalang.."

"Hindi, pag dasterin niyo nalang siya.."

"Tapos kailangan don ng isang ali sa shooting hindi na sila mahihirapang maghanap dahil ikaw agad ang kukunin nila.."

"Tapos sa ali ma i-inlove si Clam.." nag-apiran silang apat sa mga imagination nila

"Anong title?"

"Aling marites and I!" pati yung isa nakikitawa na rin sa kanila. Ako talaga yung paborito nilang napapagtripan, hindi naman halata

"They are true, the dress looks good on you.." bulong niya sa akin, pero narinig parin nong apat, automatic napakingon sila sa amin

"Pustahan, papayag na yan, hindi na yan mag iinarte.."

"Naiingit na ako, tatawagan ko na talaga si Love.."

"Wait, d-dial ko na si Gelo.."

"Where's my baby.."

"Oy ikaw, dial mo na no. ni kamatayan.." kinuha ko na ang mga sling bag ko at pinagtutulak sila palabas ng condo. Kung sila palayagan namin hindi na kami makakaalis

"Sama kami!"

"Wag na, bawat minuto pa naman natatawa kayo, ma ba ban lang tayo sa set.."

"Nagiging madamot na siya, sabi sa inyo.."

"Maraming salamat, Kelsy Joy at pinagmukha ka naming tao. At maraming salamat hindi niyo man lang kami pinakain.." pamimilosopo ni Xylene sa akin

"Here.. mag breakfast kayo at ito yung gamitin niyo.." binigay niya sa kanila ang isa sa mga ATM card niya, napatalon yung apat na nagniningning ang mga mata

"Byeeee.. bibigay ko nalang kay Steve mamaya para ibalik sa'yo.."

"Hindi ka ba natatakot maubos nila ang laman non?"

"What do you think magagawa nila yun?"

"Hindi.."

"Alright then let them and shall we?" tumango ako

Mabuti nalang at 8 am ang schedule nila ngayon. Dahil kung katulad noong mga nakaraang araw niya na maaga sila nag e start ay kanina pa kami na late dahil sa kakulitan ng apat. Mabagal ang paglalakad ko dahil sa suot kong sandal na may 2 inch ang taas, hindi naman ako sanay sa mga ganito kase. Araw-araw na suot ko ay flat shoes na  white

"You're cold. Don't be so nervous!"

"Baka i bash nila ako!"

"Don't worry I got your back.."

Binigay niya sa akin ang wallet at selpon niya, sinilid ko naman yun sa sling bag ko kasama ng wallet at personal na mga gamit ko

Heal by Love [Guevarra Brothers Series (GBS)] Series#4 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon