CHAPTER 2

29 3 0
                                    

[JOY]

"Anong ginawa sa'yo ni boss Clam?" tanong agad ni Jhon Cris sakin, ang buo niyang pangalan ay Jhon Cris Dalome

"Pinakain niya ako.. bakit Boss Clam?"

"Si boss Clam, boss Steve, boss Dreen, boss Nick, boss Elle, si Elle tsaka Zeiler iisa lang.. ang Guevarra Brothers!"

"Ahhh kaya pala.."

"Oo, mga idol ko ang mga yan eh, lalo na si boss Dreen pagdating sa sports niyang volleyball siya yung MVP don eh.. yung iba kase, tulad ni Steve Captain siya ng team sa basketball, si Elle magaling sa pakikipagbakbakan, marunong siyang mag karate at arnis pero never siyang nag compet, si boss Nick, siya yung pinakamatalino sa buong students ng LuzUn, si boss Clam naman, matinik sa babae, mas lalo lang nahulog ang mga babae sa kanya dahil sa pagiging model niya.." mas lalo lang naging mas mataas ang tingin ko sa kanilang magkakapatid, pero kung wala sa panlabas ang panget nilang katangian, nasa loob yan panigurado

Pag tinitignan mo kase sila sa panlabas, ang gwapo, mga mayayaman, may mga talent, may maayos silang image sa mga tao rito, mukha namang mabait, pero wala paring taong perkpekto

"Apaka talented naman pala nila, pero bakit si Dreen ang gusto mo?"

"Siya yung pinakamadaling pakisamahan.." simpleng sabi niya at sabay ngiti, hindi na ako nagtanong ulit pa dahil pumasok na ang prof. namin

Sabay kaming lumabas ng classroom, sabay din kaming pumuntang parking lot

"Saan ka tumutuloy? Hatid na kita?"

Kahit classmate o naging magkasama na kami sa loob ng isang araw, I can't trust anyone, kailangan ko parin mag-ingat sa mga pinagkakatiwalaan ko

"Wala si Christian ngayon, may laban yata.."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, Christian?

"Si Clam at Christian iisa lang,"

"Ahh, oo nga pala nakalimutan ko,"

"So hatid na kita?"

"Hindi wag na, kaya ko naman mag commute.."

"You don't trust me?" tumawa siya ng bahagya kaya mas lalong lumitaw ang ka gwapohan niya

"Hindi naman sa ganon," yumuko at at nag-isip ng mabuti kong papayag ba akong ihatid niya

"If you don't trust me, trust Clam, may mangyare sayo ako tatanongin non.."

"How can I trust a womanizer?"

"Well, never mind, so let's go?"

"Ahm, okay?" lumapit kami sa sedan siya at pinagbuksan niya pa ako ng pinto. Lihim akong napahanga sa ganda ng kotse niya, halatang mayaman ang estado niya, ibang-iba sa estado ko, bigla gusto kong lumabas ng kotse niya kase I felt I don't belong. Ang bango ng kotse niya, parang siya

Then suddenly his phone beeped

Pagkatapos niyang mabasa ang text na natanggap niya ay napaharap siya sa akin

"Hindi ka naman nagmamadaling umuwi, no?"

"Ahmm, no?"

"Hihintayin pa kase natin yung kapatid ko.."

"Okay sige.."

"Sure?"

"Oo nga.." tumawa ako ng mahina

Heal by Love [Guevarra Brothers Series (GBS)] Series#4 (COMPLETED)Where stories live. Discover now