CHAPTER 14

10 2 0
                                    

[JOY]



Sampu laban sa sampu, silang magkakapatid at ang limang member nila, ganon din ang kalaban nila sa kabila, parang mga adik ngalang yung mga mukha ng kalaban nila at nakakatakot parang handa silang pumatay ng tao kapag kinakailangan

"Kapag natalo namin kayo amin na yung babae.." napatuwid ako ng upo at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko

"It's against the rules!" napalunok ako ng makatinginan kami ni Tian, kahit sa malayo ay kitang-kita ko kung paano tumigas ang bagang niya "if you'll win the only we can give is all about universities!" kalmado pero delikado ang bawat salitang binibitawan ni Nick

"Nick.. Nick.. you know that what we want, we get.." susugurin na sana ni Clam ang lalaking nagsabi non ng pigilan siya ng mga kapatid niya

Umalingawngaw ang tawa ni Dreen sa buong paligid, tawang pilit "kung mananalo kayo.."

Tumabi sa akin ang ibang meyembro ng groupo nila Clam pinagitnaan nila ako "for your protection lang po," hindi na lang ako umimik at binantayan ang bawat kilos ni Christian, minsan ay padalos-dalos pa naman siya kapag galit na

Nagkamayan muna sila bago magsimula, pero kung sino man ang makakamayan niya pinipiga niya ang mga kamay nila, may muntik na ngang pumatol sa kanya pinigilan lang

Naglabas ng baril ang lahat ng kalaban nila, nagsigawan ang mga nanonood ang "woooohhh" samantalang sila, walang dala kahit anong armas maliban kay Elle, isa-isa niyang pinapotokan ang mga hawak na baril ng mga kalaban kaya walang nagawa ang mga iyon kung hindi bitawan ang hawak nilang mga baril, hindi pa siya nakuntento binaril niya pa ulit yun upang tuloyang mapalayo sa mga may-ari. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga nanonood, ang galing walang nasayang na bala

"Sabi na nga ba.."

"Wala talagang kakupas-kupas ang galing ng batang Guevarra.."

Doon na sumugod ang iba wala ng baril ang kabilang groupo, tinapon na din ni Elle ang baril niya para maging patas, nanlaki ang mga mata ko ng makita kong paano gumalaw si Tian, kulay nalang ng damit niya ang nakita ko noong tumakbo siya papunta sa mga kalaban nila at dalawa agad ang napatumba niya, hindi ko alam na may ganon siyang bilis, lumipat ang tingin ko kay Steve sa isang suntok niya lang tulog agad ang kalaban, grabe, tapos kay Dreen walang kahirap-hirap niyang pinagtatadyakan ang mga sumasalubong sa kanya, meron pang nahawakan nong isa ang kanan niyang paa kaya umikot siya sa ere ng pabaliktad at gamit ang kaliwa niyang paa sinipa niya sa mukha ang may hawak ng paa niya, para siyang nasa cheer dance na ang flexible ng mga binti niya gagi. Si Nick ang talino niya pagdating sa pakikipaglaban, alam niya kung anong susunod na gagawin ng aatake sa kanya kaya nakakaiwas siya kapag tatamaan na.

Bumalik ang tingin ko kay Tian, walang isang segundo napunta siya sa likuran ng kalaban hinawakan niya ito sa kwelyo at binaliktad, humampas ang katawan nito sa damohan, yun yung lalaki kaninang nagsabing kapag nanalo sila ako ang gusto nilang price

"Yun na yun!?" mayabang na sigaw ng member nila na nasa tabi ko, nagsigawan ang mga tao ng "boring" "wala palang binatbat eh" "mahihina"

Paika-ikang bumangon ang mga kaaway nila yung ibang nakatulog ay ginising pa ng iba nilang kasamahan meron talagang napuruhan kaya binuhat nalang ng mga members nila

Kung kanina ay parang hindi ma drawing ang mukha ni Clam ngayon naman ay maangas ang ngiting kumakawala sa labi niya, umikot ang mga mata ko ng maintindihan ang sinasabi niya, kahit hindi naman niya nakikita dahil sa shades ko
I love you daw

Heal by Love [Guevarra Brothers Series (GBS)] Series#4 (COMPLETED)Where stories live. Discover now