CHAPTER 32

8 1 0
                                    

[JOY]


Pakiramdam ko bumalik yung buhay ko noon na kasama ko si Tian, yung parang ang gaan lang ng lahat, simple lang kami, kapag may problema naayos namin agad, ang pinagkaiba lang ay nagtatrabaho na kami, kung noon sa school ang patungo namin ngayon sa hospital na niya ako hinahatid

Natapos na kase yung tatlong araw kong leave, sa kagustohan niyang mag leave ako. Gusto niya raw akong magpahinga naman at syempre makasama, well ano pa bang nakakagulat sa mga ganonan ni Tian.

Yung clingy, na minsan praning, na minsan mas overthinker pa sa akin.

Tagong-tago ang mukha niya sa cap, mask at shades, naka all black pa

"Kung hindi ka lang yayamanin tignan, mapapagkamalan kang holdaper o di kaya snatcher.." tumawa lang siya at sinabayan ako sa pagpasok sa loob ng hospital

"Nagamit mo ulit yung motor.."

"Oo nga eh, na miss ko rin kase," inakbayan niya ako sabay yakap

"Yung motor.. hindi ako,"

Ginamit niya yun kase konte lang ang nakakaalam ng motor niya na yun, hindi agad malalaman ng mga nakabantay tulad ng mga paparazzi sa paligid niya na siya na pala yung nag da drive ng big bike na dumaan sa harapan nila

Napalingon ako sa kanya ng maestatwa siya sa may pinto, hinatak ko pa siya ng konte para makadaan yung ibang tao papasok at palabas

"Woi! Mahal!"

Nanigas siya sa kinatatayuan niya at mabilis ang paghinga na akala mo hinihingal, pa kurap-kurap pa siya. Niyugyog ko siya ng niyugyog pero parang hindi niya ako naririnig at hindi niya nararamdaman ang mga ginagawa ko sa kanya, natataranta na ako

"Kapag ganyan hatakin mo palabas, inaatake ng trauma niya yan.." sabi ni Dreen habang sumusunod ako sa kanila palabas

"Ilang ulit ka ng nakapasok sa hospital, hindi mo parin yan nale-let go?"

"May trauma ka sa hospital?" gulat kong tanong, hindi ko talaga alam 'to. Noong nag-aaral pa kami ay ilang beses akong nahospital na siya ang nagbabantay sa akin pero wala siyang sinabing ganito

Napatingin ako sa kanilang dalawang magkakapatid, binigyan niya ng death glare ang kuya niya, binatukan ko naman

"Wag mong ganyanin si Dreen, hindi ko alam gagawin ko kanina, kung hindi ka pa niyan hinatak baka naiyak kana sa loob, ni hindi kita makausap.."

Natawa ng konti ang kapatid niya

"Siya na ng magpapaliwanag sa'yo niyan, mauna na ako.." tinguan niya kami at tumalikod na

"By the way, masaya akong bumalik na kayong dalawa sa isa't-isa.."

"Ang seryoso mo hindi bagay sa'yo!" Supalpal naman niya rito

"Abno!"

Napatingin si Christian sa akin, masama ang tingin ko sa kanya kaya nabitin ang tawa niya dahil at naitikon niya ang bibig niya

"Pasok kana, mahal.." hindi ako sumunod at pinaningkitan ko siya ng mga mata

"Ma l-late ka na po, mamaya nalang sa bahay pag-uwi natin.."

Tinalikuran ko siya at naglakad ng nagdadabog, buong araw ko pa yan iisipin? Natakot ako kanina ng makita siyang ganon, tapos inaatake na pala siya ng trauma niya ng hindi ko alam!

May humatak sa akin pabalik at niyakap ako

"Promise, sasahihin ko sa'yo mamaya. Ngayon kailangan ka muna ng mga pasyente, okay na ako. Sorry hindi ko sinabi sa'yo agad. Mamaya nalang sa condo, hmm? " Hinalikan niya ako sa noo "I love you.." bulong niya

Heal by Love [Guevarra Brothers Series (GBS)] Series#4 (COMPLETED)Where stories live. Discover now