CHAPTER 7

9 3 0
                                    

[JOY]

Nang-uwian na ay sabay ulit kami ni Tian, hindi na niya ako hinahayaang mag commute total daw ay iisa lang naman ang hotel namin at magkatapat pa ang condo kaya sumabay nalang daw ako sa kanya

Nakita ko sa parking lot si Steve bigla kong naalala yung about don sa grocery bill hindi ko yun naalala ng magkita kami sa bar, ito na yung chance ko ngayon

"Tara na.." bigla akong hinatak ni Tian palayo kay Steve

"Teka, teka.." binawi ko ang kamay ko mula sa kanya "kakausapin ko lang si Steve.." hindi pa siya nakakasagot ay tumakbo na ako

"Joy!"

"Steve!"

"Oh, Mrs. Guevarra!" malakas siyang tumawa sa panunukso niya, nakaramdam ako ng hiya at tuwa, sa pagbibigay niya nga apelyedo nila sa akin ay napaka overwhelming na non para sa akin

"Amp,"

"Oh, ano bang sadya natin?"

"Ah, yung about sa bill ko,"

"Bill?"

"Oo yung bill sa groceries ko na ikaw ang nagbayad.."

"Alexander.." dinig kong tawag ni Clam sa kakambal niya

"Ako? Nagbayad ng groceries mo?"

"Oo, hindi mo ba maalala?"

Kumamot siya sa batok niya at tumawa "ahh, oo ako nagbayad ng groceries mo, oo ako yun HAHAHA.."

"magkano pala yun?"

"Ewan- este hindi ko alam eh, nabawasan lang naman yung bank account ko.."

"Pwede bang tignan mo magkano ang nabawas?"

"Alam mo.." hinawakan niya ako sa balikat, kinuha yun ni Tian at siya ang umakbay sa'kin

Napaubo si Steve at tumawa ng pagkalakas-lakas "iba ka na talaga," sabi niya sa kakambal niya "ikaw naman Kels, wag mo na isipin yun, isipin mo libre ko nalang yun sa'yo.."

"Pero.."

"Shh, aalis na ako, babushh.." parang hangin lang ang kotse niya at sa isang sulyap wala na siya

" Let's go?"

Nakahawak ako sa bewang niya, hindi na mabilis ang pagmamaneho niya ngayon, katamtaman nalang

"Yumakap ka sakin.."

"Ayaw ko.." hindi na niya ako pinilit, pero hindi rin ako nakatiis pinalibot ko sa bewang niya mga braso ko, narinig ko siyang tumawa

"Ayos na?"

"Ayos na ayos.." buong byahe ay nakasandal lang ako sa likuran niya habang nakapikit, ene-enjoy lang kung anong kasiyahan ang meron ako ngayon

"Salamat sa araw na ito.." nasa tapat na kami ng mga condo namin

"Salamat din.." niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Sinara ko na ang pinto, napasandal ako sa pintoan, ayokong magalit hihintayin kong siya mismo magsabi sa akin , gusto ko sana siyang ayain kumain dito, hindi ngalang ako marunong magluto. Pero susubokan ko parin, may alam naman ako kahit papaano sa pag a-adobo yun lang hindi ako sigurado kung masarap

Heal by Love [Guevarra Brothers Series (GBS)] Series#4 (COMPLETED)Where stories live. Discover now