CHAPTER 27

9 2 0
                                    

[JOY]


Isa na namang normal na araw, gigising, papasok ng trabaho, magkikita kami ni Ellaine, uuwi, matutulog at ulit na naman

Akala ko ganon na naman ang araw ko pero may nagbago, hindi kami nagkita ni Ellaine ngayong araw, tinatawagan ko siya hindi niya sinasagot, t-next ko siyang magkita kami sa dati naming tagpuan hindi rin siya nag reply, nag-aalala na ako

Tinawagan ko siya ulit, nakahinga ako ng maluwag ng may sumagot non pero agad ding nasaktan sa narinig mula sa kabilang linya

"Kanina pa 'to tawag ng tawag sa'yo, sino ba 'to?"
"Sinagot mo?"
"O-"

Pagkatapos non naputol na ang kabilang linya, kaya naman pala. Baka magkasama sila ng kuya niya. Oo tama, kuya niya yun

Umuwi nalang ako at dumaritso sa condo, nalaman kong wala na pala akong stock ng pagkain. Nagbihis ako at lumabas ulit ng condo para mag grocery

Bigla ko naalala sina mama, lilipat na sila rito sa Manila kapag nakapagtapos na si Devine ng college, nakapagpadala na rin ako sa kanya para sa mga kailangan niya kahapon

Hinihintay kong magbigay ng sign na pwede ng tumawid ang stoplight ng may isang lalaki ang dumaan sa tabi ko at diri-diritso lang ito kahit hindi pa pwedeng tumawid

Malakas na bumusina ang isang kotse, hindi niya yun narinig dahil naka headphone siya akala naman niya kina-cool niya yun. Malakas ko siyang hinatak pabalik, sinisigawan na siya ng mga driver hindi niya parin narinig

Napaupo kaming dalawa sa kalsada, potcha ang sakit ng pwet ko. Natanggal sa tenga niya ang headphones at nalaglag iyon

"What the earth!?"

"What the earth, what the earth ka pa diyan muntik ka ng mamatay, gago!"

Pinulot ko ang nabitawan kong susi ng condo, doon ko nakitang nandito rin pala ang susi ni Tian. Taena naman, siya na naman naalala ko

"Alam mo kung magpapakamatay ka, wag ka sa nakikita ko. Bwesit!" hindi siya nakapagsalita at naka awang lang ang mga bibig na nakatingin sa akin, tumayo siya at pinagpag ang suot niya, pinulot niya rin ang headphone niyang nasira, subukan niyang magreklamo about diyan isusumbat ko talaga sa kanya ang kasalanan niya. Mabuti nga at nasira para wag na siyang mag headphone habang naglalakad

Pinilit kong makatayo, linahad niya ang mga kamay niya pero hindi ako nagpatulong, tumayo ako ng ako lang kaya muntik na akong matumba nahatak niya niya ako at hinapit sa bewang kaya napasubsob ako sa dibdib niya

"Yawa.." tinulak ko siya palayo sa akin

Nakita kong pwede ng tumawid kaya naglakad na ako. Pero sumunod parin siya sa akin

"Hey, what's your name?"

"Wala kang pake.."

"Ms. Wala kang pake, thank you.." ngumiti siya sa akin na mala Joshua Garcia, hindi pa ako nakareact wala na siya sa harap ko. Naglalakad na siya paalis

Whatever

Pagbalik sa condo at dahil kinakain na naman ako ng curiosity ko, pumunta ako sa condo ni Clam at binuksan yun gamit ng susing iniwan niya.

Mula sa sala, kusina, dining room at cr walang pinagbago, ni hindi nga nagalaw ang mga dating gamit na minsang pinagsalohan namin. Paano ba naman kase ito magagamit ni hindi na nga siya umuwi rito, minsan si Steve ang natutulog dito.

Pumasok ako sa loob ng kwarto, lumapit ako doon sa isang picture na noong dito niya ako pinatulog noon makita niya ako sa labas naka dapa ito, ngayon nakaayos at may isang kwentas pang nakasabit sa frame yung parang medal lang ang sinasabit

Heal by Love [Guevarra Brothers Series (GBS)] Series#4 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon