CHAPTER 3

16 3 0
                                    

[JOY]


Palinga-linga ako sa paligid habang naglalakad papasok sa loob ng campus, sabi kase ni Chris halos magkasabay lang daw kami niyan pumapasok ng kapatid niya hindi ngalang magkakilala noon, madalas kase sabay nga kami ni Chris pero hindi ko alam na yung nakasabay naming babae minsan eh kapatid na niya pala, kaya ngayon hinahanp ko sila

Nababakla na naman ako sa kapatid niya, ang ganda-ganda kase tas ang bait din, matalino pa

"Hoy, para kang tanga diyan.." linapitan ako ni Chris na natatawa sa akin "katulad nong mga bata roon sa mall noong isang araw,"

Inambahan ko lang siya ng suntok "nasaan na yung kapatid mo?"

"Kakadaan lang sa likuran mo, tinuro ka pa nga niya sabay turo sakin, bwesit yun.."

"Mas bwesit ka! Bakit hindi mo sinabi!!" Mabilis akong lumingon sa likuran pero wala na, napadabog tuloy ako

"Sana sinabi mo!" lumingon ako ulit sa kanya pero hindi na ako tuloyang nakalingon dahil biglang may umakbay sa akin, hindi 'to si Chris, iba ang perfume nito

"Hinahanap mo ako, miss me?" tumaas ng bahagya ang kilay ko bakit ang isang Guevarra ang nakita ko. Pagkalingon ko sa dating kinatatahuan ni Chris wala na siya, hinanap ko siya pero kumakaway na ito sa kin habang nakatalikod at mabilis ang takbo palayo sa kinaroroonan namin

Bumaling ako sa lalaking nakaakbay sa akin nakatingin rin siya sa tinitignan ko
"Pardon?"

"Miss me?"

"Kapal!"

inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa akin at naglakad palayo sa kanya, pero naririnig ko siyang sumisigaw at palapit ng palapit sa akin ang boses niya

"Hey, miss Alonte! Libre naman diyan?"

"What the!?"

"Wala yung teacher niyo sa first subject niyo kaya libre mo na ako.." inabot niya ang kamay ko at hinatak niya ako pabalik sa dati kong dinaanan

"Teka nga, akala ko sa cafeteria lang?"

"Luh, wala akong sinabing sa cafeteria.."

Hinahatak niya lang ako hanggang sa makalabas na kami ng school, tumigil siya at inakbayan ako, sabay kaming tumawid sa kabilang side ng daan, hinawakan niya ulit ang kamay ko

"Hoy, saan ba tayo pupunta??" sinubukan kong hatakan yung kamay ko at nakawala naman ako sa pagkakahawak niya pero mabilis niya rin akong hinapit sa bewang, muntik na kaming mag kiss! Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko!

"Kakain nga wag kang makulit,"

"Tangna mo naman, kakain lang saan pa nakakarating, pwede naman don sa cafeteria nalang.."

"Madaming mang i issue don.."

"Ayaw mo pala ang ma issuehan sa akin eh, edi wag ka lumapit sakin.."

"Shhh.. wag ka ng maingay, bubuhatin na kita, sige ka.."

Pinakyuhan ko siya habang masama ang tingin, nagpatuloy kami sa paglalakad

Heal by Love [Guevarra Brothers Series (GBS)] Series#4 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon