CHAPTER 24

10 1 0
                                    

[JOY]

Halos isang linggo ng hindi ko nakikita si Clam, gusto ko na siyang makausap at patigilin. Masaya na kami ni Ellaine kuntento na ako sa kung anong meron kami at sigurado akong mahal ko siya. Pero hindi ko na siya mahagilap sa kung saan

Sinubukan kong i-dial ang dati niyang cellphone number sa akin may sumagot dito

"Hello, Clam Christian Guevarra your future husband speaking..." Literal na umikot ang mga mata ko sa kahanginan
"Pwede ka ba ngayon? Magkita tayo may sasabihin ako,"
"U-uhhh wala, I mean hindi ako pwede ngayon may trabaho ako.."
"So, kelan ka pwede?"
"Ahhm, I don't know.."
"Kahit 5 minutes lang,"
"Miss me?"
"May sasabihin lang ako,"
"Sabihin mo na ngayon,"
Huminga muna ako ng malalim "tigilan mo na ako, hindi na ako babalik sayo.."
"No way, pagka balik ko mag-uusap tayo,"
"Hindi na, ito na yung huling pagkakataon na kakausapin pa kita.."
"Okay, fine.." siya na rin mismo ang bumababa ng tawag

Diba dapat matuwa ako kase hindi na siya kumontra sa gusto ko, finally hinayaan na niya ako? Pero bakit iba yung nararamdaman ko, nasasaktan at the same time nadismaya sa kanya. Hindi ko na talaga alam ang mga nararamdaman ko minsan

"Joy.."

"Lyc,"

"Rounds na,"

"Oo nga pala," inayos ko na ang mga dadalhin ko sa pag r-rounds

"Mauna na ako, ah.."

"Ahh, Lhyc.." napalingon siya sa akin

"Nagkikita ba kayo ni Clam?"

"Nagkita kami kahapon,"

"Kahapon?"

"Oo sinamahan niya pa ako sa mall.. mauna na ako ah may lakad pa ako, eh.."

"Sige.."

Nagkita sila kahapon? Pero sabi niya busy siya, kaya ayaw niyang magkita kami.. pero nagawa noya pang samahan si Lhyca sa mall, kaya ba parang ang dali lang sa kanyang sang-ayonan ang decision ko kanina? Ay in-expect ko kanina ay kokontra at hindi siya papayag pero ang yanging nasabi niya lang ay 'okay, fine'

Does he fall for her? Pero ano yung ginawa at mga pinag-usapan namin noong huli kaming nagkita, does its was his game? Or katulad ko nag co-confirm lang din siya

Hindi ako makapag fucos sa trabaho ko, kaya noong matapos na ako sa duty, kinita ko sina Acey, Xy, at Shen, wala si Lhyca hindi dahil hindi ko siya inembeta kung hindi may ginagawa pa raw siya, katulad ng reason ni Clam

"Pero, what if si Lhyca at Clam nga.. anong gagawin mo?" Si Shen

"Ano namang magagawa ko,"

"Wait, diba sabi mo gusto mong tigilan ka na ni Clam pero bakit nag-iinarte ka diyan," Xylene, may point siya pero..

"Oo nga, pero hindi ko alam, na co-confuse ako.."

"Na co-confuse o ayaw mo lang talaga aminin sa sarili mong mahal mo parin siya, mas mahal mo siya kesa kay.." si Acey naman ang nagsalita, tama siya hindi ko kayang tanggapin sa sarili kong siya parin talaga

"Syempre sino ba naman ang makakalimot sa pinagsamahan nilang 8 months na panliligaw, at 2 years na relationship na ni pagtulog ay magkasama. Halos sabay na umikot ang mundo nila sa dalawang taon," alam ni Xy yun kase sa kanya ako madalas mag kwento bago ko pa ma kwento sa iba. Minsan naman ay kahit hindi ko sabihin sa kanya nahuhulaan niya parin, she really knows me

Heal by Love [Guevarra Brothers Series (GBS)] Series#4 (COMPLETED)Where stories live. Discover now