CHAPTER 33

9 1 0
                                    

[JOY]


Tulad ng napag-usapan namin kagabe, pagkatapos ng trabaho ko pumunta kaming sementeryo kung nasaan nakalibing yung sinasabi niyang mang Pilo. Pagkarating namin doon naramdaman ko na agad ang lungkot niya, halos hindi na niya mahakbang ang mga paa niya, kailangan ko pa siyang yakapin sa bewang at alalayan maglakad

Nakita namin ang libingan niya, kahit halos 18 years na siyang wala palagi siyang nasa puso nilang lima. Ang linis din ng libingan niya, animo'y araw-araw linilinisan ito. Napatingin ako sa kanya, nagsimula na naman siyang umiyak, sinisisi niya talaga ang sarili, naawa ako kay Tian

"Mahal.." umupo kaming dalawa sa damohan sa harap ng libingan ng tinuturing niyang pangalawang ama

"Hi po, ngayon lang po kita nakilala. Ito po kaseng alaga niyo hindi parin napapatawad ang sarili niya, diba po napatawad niyo na siya?"

Biglang humangin at namatay ang kandila kaya sinindihan pa namin iyon ulit. Lumuhod ako at niyakap siya mula sa likuran para iparamdam na nandito lang ako, hindi ko siya pababayaan

"Ta..tay Pilo, sorry po ng dahil sa akin hindi niyo na naligawan si Marta, edi sana may nabuo na kayong pamilya ngayon. Tay, sinubukan ko naman po, naging magaling naman po ako sa basketball kaso hindi ko lang po kayang maglaro kase ikaw lang yung gusto kong kasamang kalaro at nasasktan lang ako sa tuwing nakakahawak ng bola. Mahal na mahal po kita,"

Ito yung unang pagkakataon na narinig ko siyang mag po maliban sa akin na sinasabi niya lang iyon minsan kapag susundin niya ang sinasabi ko

"Tay, gusto ko ng makaalis sa nakaraan. Pero hindi ko kaya..!" napayuko siya sa damohan at humagulhol na ng iyak, naiiyak na rin ako hindi ko talaga siya kayang nakikitang ganito ka wasak na wasak

Kapag umiiyak ako at nag b-breakdown siya palagi ang nagpapatahan sa akin, at nagpalagaan ng loob ko. Ang hindi ko alam may kanya rin pala siyang pinagdadanan at pinagdudusahan. Tinutulongan niya ako pero hindi niya kayang tulongan ang sarili. Pinapagaan niya ang loob ko pero hindi niya yun kayang gawin sa sarili niya. Hinahatak niya ako paahon mula sa nakaraan ko pero siya naman pala iyong patuloy nagpapahatak sa nakaraan

"Kapag inaaway kami ng mommy nina kuya Nick, ikaw palagi yung nagtatanggol sa amin ni Steve. Ikaw palagi yung nakikipagtalo sa kanya na hindi namin kasalanan kung may nagawa mang kataksilan ang daddy at si nanay sa kanya. Hindi ko makakalimutan yung ikaw yung sumalo ng palo niya na para sana sa amin ni Steve. Nasugatan pa ang likod mo non, tay.. salamat, salamat sa lahat-lahat. Alam mo nong mamatay ka, tinigilan na kami ni ma'am Esmeralda, kung kelan wala kana doon niya sinunod ang sinabi mong tigilan na kami. Hindi kami magawang ipagtanggol ni daddy sa kanya ikaw ang gumagawa non.."

Habang tumatagal ng tumatagal mas lalo kong naiintindihan bakit hindi niya talaga kayang talikuran ang nakaraan. Si Steve kaya pala basketball ang napili niyang sport dahil gusto niyang tuparin ang pangarap ng nagturo sa kanila, natanggol at nagmahal sa kanila ng totoo

"Mahal.. tama na, hindi mo naman siya kakalimutan nandito lang siya lagi sa puso mo. Ang kailangan mo lang gawin ay i-let go hindi siya kung hindi ang pagsisisi mo sa sarili mo, patawarin mo na ang sarili mo please, alam kong hindi siya galit sa inyo o sa'yo, kase kung masama ang loob niya sa'yo hindi niya kayo poprotektahan sa huling hininga niya, pababayaan niya nalang kayo pero hindi niya ginawa diba kase kahit siya alam niyang aksidente lang iyon.."

"Joy.." niyakap ko siya at hinalikan sa sintido niya

"Sa tingin mo ba gusto niyang nakikitang ganito ka? Yung nag su-suffer ka ng dahil sa kanya? Habang sinisisi mo yung sarili mo sa pagkawala niya, sinisisi niya rin ang sarili niya kung bakit ka nagiging ganito ka miserable. Kaya kung patatawarin mo ang sarili mo, patatawarin niya rin ang sarili niya kase kapag nakita ka niyang masaya, yung tunay na saya alam kong magiging masaya siya para sa'yo. At ayoko ring nakikita kitang ganito nasasaktan ako.."

Heal by Love [Guevarra Brothers Series (GBS)] Series#4 (COMPLETED)Where stories live. Discover now