CHAPTER 10

10 1 0
                                    

[JOY]

Alam ko naman, at ramdam ko naman na kahit hindi ko baguhin ang sarili ko ay mamahalin parin ako ni Tian pero tulad ng ginagawa niya para sa akin, gusto ko rin bagohin ang sarili ko for good.

Ang isang Clam Christian Guevarra na mayaman, gwapo at matangkad, pogi, mabait, apaka faithful, apaka protective at maalaga, handang gawin ang lahat ng kaya niya para sa akin.

Hindi ganoon kataas ang standards ko sa isang lalaki pero ngayon dahil sa kanya, wala ng ibang makakaabot pa non kung hindi siya lang

Hindi ko kayang pantayan ang kayaman niya pero ibabagay ko naman ang sarili ko sa kanya

Ang sabi nila Ryll, pupunta kaming beauty salon, at pagkatapos ay sa boutique ni Thrianna pagkatapos ay maghahanap daw ng lalaki

"Seryoso kayo?"

"Of course not, no ka ba.." tawang-tawa sila, na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan

Na o op na ako potcha

"Si kuya Nick ang seryoso niya no, hindi ka ba na bo-bored pag kasama mo siya?" tanong ni Ryll kay Thrianna

"Hindi, bakit ako ma bo-bored, tsaka kapag kaming dalawa lang naman ni Nick ngumingiti  naman siya madalas at tumatawa.."

"I never seem him laughing.." Thrianna giggle, sa kanya lang pinapakita ni Nick ang ganon niyang side

"Eh, si Clam kels?"

"Tumatawa siya sa sarili niyang kalokohan.."

"What?" natatawa nilang tanong

"Minsan kase kapag siya kausap ko, bawat segundo nag-iiba expression ko dahil sa mga pinagsasabi niya, pagkatapos ay pagtatawanan na niya ako non.."

"He's so inlove with you.."

"Kelan mo ba siya sasagutin?"

"Hindi ko pa alam, eh.."

"Alam mo, patagalin mo muna, enjoy niyo muna kung ano kayo ngayon.."

"Oo, ganon nga siguro ang gagawin ko.."

"How about Elle, Ryll? We never think you and Zeiler are dating!"

"We dated for almost 3 months.."

"And no one knows about it.."

Bumaling si Ryll sa akin

"Parang sina Clam at Joy lang,"

"We knows about them, except for the whole campus before, pero yung sa inyo ni Elle.."

"Kuya Chris knows about it.."

"Wala ka namang naitatago roon.."

Sabay kaming tatlong nagpa manicure at pedicure,  ang sabi ko ay wala akong pambayad, ang sabi naman nila it's all free, sila naman daw ang nag-mamayari ng lahat na pinupuntahan namin, tsaka libre na daw nila sa akin since sila ang nag-aya, kung may jowa lang daw sina Steve at Dreen ay isasama rin sana namin ngayon

Heal by Love [Guevarra Brothers Series (GBS)] Series#4 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon