CHAPTER 19

10 1 0
                                    

[JOY]

Sa isang relasyon hindi sa lahat ng oras, o araw na magkasama kayo eh mananatiling perpekto yun, mararanasan at mararamdaman niyo rin syempre yung saya, iyak, sakit, hirap, galit, pag-aaway, hindi pagkakaroon ng maayos na komoneksyon dahilan para hindi magkaintindihan. Pero syempre habang pinagdadaanan niyo yun dapat hinaharap niyo yun at sabay kayong ipaglalaban ang pagmamahalan niyo, ganon kami ni Tian

Ang problema dumadating yan para patibayin tayo, ang kailangan lang nating gawin eh lumaban at wag sumuko hanggang sa ma solve niyo ang mga dumadating na hamon sa relasiyon niyo. Kase maniwala kayo matapos niyong pagtagumpayan ang pagsubok na 'yun mapapansin mong mas lalo kayong tumibay.

Meron naman yung mga nawawasak, kase hindi sila balance may lumalaban pa pero sumuko na yung isa, dapat nga eka nila "give and take" hindi sa lahat ng oras dapat yung isa lang yung humaharap sa laban ng buhay at relasyon, kayong dalawa yung magkarelasyon eh kaya dapat sabay niyong haharapin yun kase madaling matatapos ang isang problema kapag nagtutulongan na may kasamang pag -uunawaan

Nakapangalumbaba akong pinagmamasdan ang mukha ni Tian habang seryoso ito sa pag gawa ng project niya, nakakunot pa ang kilay. Nagpahinga lang ako kunti, gumagawa rin ako ng school works, nangangalay na ako sa kakaupo

Biglang siyang nag-inat ng mga braso niya at humikab "yakap.." inaabot niya ang mga kamay ko para hatakin papunta sa kanya, tumayo ako at umupo sa isang hita niya, niyakap niya ako mula sa likuran

"Tapos ka na?" tanong niya

"Hindi pa, nasa kalahati palang ang nasusulat ko.." tinignan ko ang ginagawa niya at malapit na siyang matapos doon, mabuti pa siya samantalang ako yung naunang mag-umpisa sa amin

"Tatapusin ko lang 'to, tutulongan kita diyan, after.." hinalikan niya ako sa pisngi, tumayo ako at bumalik sa upoan ko, nagpatuloy siya sa paggawa, ako naman tinatamad na.

Pumunta nalang akong kusina para kumuha ng snacks namin. nakita ko ang calendar naalala ko ang papalapit naming anniversary, hindi ko maiwasang hindi ma excite at kiligin, first time kong magcecelebrate ng anniversary kung sakali

"Ang ganda naman, tanggal agad pagod ko.." nakasandal siya sa upoan habang pinapanood ako na naglalagay ng pagkain sa pinggan "palagi ka lang ngumiti, sumasaya rin kase ako kapag nakikita kang masaya," tumayo siya at yumakap sa akin, adik talaga to sa hug. Binaon niya ang mukha niya sa leeg ko, may pa singhot pa siyang nalalamn kaya minsan hindi ko maiwasang hindi makiliti

"Kahit umiiyak na ako ngingiti pa rin ako?"

"Eh, bakit ka iiyak? May kasalanan ba ako?" Natawa ako ng bahagya, praning na may pagka overthinker talaga to

"Wala po, buti nalang gwapo ka ket praning hano?" ang swerte ko at nakilala ko at minamahal ako ng isang Clam Christian Guevarra "mahal kita, sobra.." gumanti ako ng yakap sa kanya

"Mahal din kita, sobra pa sa sobra.."

"Grabe yun," bigla niya akong hinalikan sa labi kaya humigpit ang pagkakahawak ko sa balikat niya, hinatak naman niya ako sa bewang palapit sa kanya pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya para palalimin ang halik namin

Nang tumigil kami sabay kaming napangiti, pinagdikit niya ang noo naming dalawa at hinalikan ako sa ilong

"Kumain ka na diyan muna, ako muna magpapatuloy nitong ginagawa mo,"

Heal by Love [Guevarra Brothers Series (GBS)] Series#4 (COMPLETED)Where stories live. Discover now