CHAPTER 11

9 1 0
                                    

[CHRISTIAN]

Pagkatapos kong kumain ay nagmadali na akong kunin ang mga gamit ko at sinara na ang condo. Kinatok ko na si Joy sa condo niya

"Wait up!" Hindi naman nagtagal lumabas na siya

"Arat?" tumango siya, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa

"What?"

"Naging straight lang ang buhok mo at nagkaroon ka lang ng make up, the rest walang pinagbago, mahal ko parin.." agad na namula ang pisngi niya at mahina akong hinampas sa braso. I love seeing her blushing because of me

Yung mga sugat niya wala na, kahit isang scars wala ng may makikita, pinulupot ko ang braso ko sa bewang niya at sumakay na kami sa elevator. Kahapon ay kinuha ko ang kotse ko roon sa mansion at pinalitan ko yun ng salamin na bulletproof

I smirk, subukan lang ulit nilang saktan si Joy hindi lang yun ang ipapagawa ko sa kanila, baka mapabago na nila ang isip kong wag pumatol sa babae.

Mula sa parking lot magkasama kami, kung dati ay kailangan pa naming umiwas sa may maraming studyante ngayon hindi na. Hindi sila nag-uusap o nagsasalita ng mga masamang salita tungkol kay Joy, lahat ng nasa gitna kapag dumadaan kami tumatabi, lahat ng madadaanan namin kung hindi nakakunot ang noo nakatitig kay Joy, kapag lalaki ang gumagawa non tinitignan ko ng masama at napapaiwas agad ng tingin

"Yan ba yung si Kelsy ang ganda niya pala?" dinig kong bulong ng isang babae, siniko naman siya ng katabi njya sabay sulyap sa akin

"Tian, bilisan mo naman maglakad nagmomodel ka ba, hiyang-hiya na ako rito.."

Inakbayan ko siya at binilisan namin ang lakad.

"Anong nangyare sa kanila? Dati ay kung ano-anong masasamang salita ang nadidinig ko, ah.."

"Nakita lang nila kung gaano ka kaganda.." tinignan niya ako ng masama, alam niyang may iba pang rason

"Halika.." umupo kami sa isang bench

———__———

Nong malaman na namin kung sino ang gumawa non kay Joy at matapos naming mapanood ang mga kuha ng cctv nanginginig ang mga kamao ko ngayon na ipatama ito sa mga pagmumukha nila

"Christian! Calm down!" sigaw ni kuya Nick sa akin

"Paano ako hihinahon kuya? Grabe yung ginawa nila kay Joy!"

Kasalanan ko rin, kung nasundan ko lang sana agad siya ay baka naabutan ko pa sila sa hallway. Nagpaulit-ulit sa isip ko kung paano ako pinigilan ni Chely matapos kaming maaktohan ni Joy

Pinagsusuntok ko ang pader sa sobrang galit, kung hindi ko ito ilalabas ay baka masuntok ko pa sila, pero babae eh. Gagu, kung mga lalaki lang ang mga yan dila lang nila ang walang pasa, potangina na yan

Pinatawag namin silang lima, hating gabe na at wala akong pakelam, bullshit! Sa call palang ay nanginginig na ang mga boses nila, pinapunta namin sila sa parking lot, wala ng tao roon, kami nalang ng mga kapatid ko at ibang member ng gang kasama si Chris

Sabay silang lima na dumating, pagkakita nila sa amin lalo na si Chely ay napaluhod agad sila. Tumayo ako mula sa pagkakaupo

"Sinong nagsabing gawin niyo 'yon?" Halos hindi na nila maaangat ang mga kamay nila para ituro si Chely

"Pero hindi ko alam na ganon kalala ang ginawa nila sa kanya, at.. nagsumbong pa talaga siya sa inyo? How pathetic!" abay pota nagawa pang magmaldita

"Kahit hindi siya magsumbong, kitang-kita kayo sa cctv mga potangina!" ito yung unang beses na nagmura ako sa babae, at nawawalan na ako ng control

Heal by Love [Guevarra Brothers Series (GBS)] Series#4 (COMPLETED)Where stories live. Discover now