Part 15

465 41 0
                                    

INABOT nang mahigit isang oras ang pag-uusap nila ni Jenny. Kung hindi lang sumuko ang baterya ng dalaga ay malamang na hindi pa sila matatapos magkuwentuhan. Isang maluwag na paghinga ang ginawa ni Jaypee. Bagaman kay Jenny niya mismo narinig ang kumpirmasyon na ikakasal na ito, hindi pa rin niya maitangging masaya siyang nakausap ito.

Nagiging lalaking martir na yata ako.

Alas tres y media na nang madaling-araw nang mahiga siya. Alam niya, kaunting oras na lang ang itutulog niya at babangon na uli upang harapin ang mga trabaho niya pero mailap pa rin ang antok sa kanya.

Mag-aasawa na si Jenny. Paano siya? Kanina, he was caught off guard nang bigla na lang siya nitong tanungin kung interesado siyang manligaw dito. Ang dali-daling umamin. Ang dali-daling sabihin na hindi basta kaibigan lang ang nararamdaman niya sa dalaga. Pero ang agad niyang naisip ay baka iyon din ang maging mitsa at tuluyang mapagot ang hilaw pang pagkakaibigan nila.

Idinikta niya sa sariling maging kuntento na lang sa sitwasyon. Sincere si Jenny sa pakikipagkaibigan sa kanya. Pagkakasyahin na lang din niya ang sarili niya sa bagay na iyon.

And he was only fooling himself.

Dahil sa kaibuturan ng puso niya, umaasa siya.

Nang magkahiwalay sila ni Ella, naging bukas ang isip niya sa maraming posibilidad. Walang bagay na sigurado. At ngayon, ganoon din ang paniniwala niya. Hangga't hindi nakakasal si Jenny, hindi pa rin ito siguradong si Larry nga ang mapapangasawa nito.

What if, sila ang magkatadhana?

Napangiti siya kahit na nag-iisa siya. Hindi niya iniisip na obsessed siya kay Jenny. He was in love with her. At ang pag-ibig na iyon ang dahilan kung kaya kahit munting pag-asa ay inaasam niya.

Kuntento siyang pumikit. So what kung mamamanhikan na si Larry bukas? Up to the last minute, hanggang hindi idinideklara ng magkakasal sa dalawa ang pagiging ganap na mag-asawa ng mga ito, aasa pa rin siya.

"Oh, boy, Jaypee. You are madly in love," kantiyaw niya sa sarili. I can't help it. I was hit bull's eye!

Kinabukasan, hindi pa nagsisimula ang radio show ni Jenny sa DZTR ay naka-tune in na siya doon. Ilang beses na rin silang nagkapalitan ng text noong umaga. Kay Jenny na rin niya nalaman kung anong oras ang simula ng show nito at nangako pa ito na babatiin siya on-air.

"Hi, there dear friends. Magandang araw po sa inyong lahat. Here I am once again, your friend on-the-air Jenny. For the next hour, please stay tune in to my show Life's Spice. At dahil nangako akong babatiin ang isang espesyal na kaibigan, uunahin ko nang gawin. Hello, PJ! I hope you're listening."

Napangiti siya nang marinig ang sariling pangalan.

"For today, we won't be reading any letter. We'll be joined by no less than Heidi, my dear producer. I don't know what's on her mind. Basta gusto niyang makisali sa show." Jenny laughed sweetly. "She's the producer, how could I say no? So, Heidi, you may say your piece now."

Nilakasan ni Jaypee ang volume ng radio.

"Good afternoon to all. You know, dear listeners, kung personal lang na dahilan ay hindi ninyo ako maririnig ngayon. But I have to. You know, sort of preparation ang getting oriented in this booth. Some time in the future, pansamantala pong hindi natin mapapakinggan on air si Jenny. Ako na rin po ang pansamantalang papalit sa kanya, I just can't tell kung gaano siya katagal na magbabakasyon. Well, Jenny, ako na ba ang mag-a-announce sa mga listeners?"

They shared a nice laugh. "Go ahead," wika ni Jenny mayamaya.

"All right," ani Heidi. "But before I drop the bomb, let me tell you all na bukas po ang mga linya ng Life's Spice para sa inyong reaksyon sa sasabihin ko."

Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon