Part 16

507 39 0
                                    

"THE WEDDING can be two weeks from now kung walang kokontra sa inyo sa petsang napili ko," wika ni Mrs. Aida Cordova, ang mama ni Larry. "Of course, sa Tuguegarao gaganapin ang okasyon. Kung susundin natin ang balak ni Jenny na isang garden wedding ang gawin, mas lalong walang problema. Hindi na tayo mahihirapang magpa-reserve sa simbahan. Madali namang humanap ng magkakasal."

Napatango si Jamie. "Garden wedding ba talaga ang gusto mo?" wika nito sa kanya.

"Yes. And I want it to be private. Ngayon ko lang naisip ang kumplikasyon ng idea ni Heidi na i-announce ang wedding ko on-air. Tiyak, iyong mga loyal listeners ay mag-aabang sa mga simbahan. I want them to be there kaya lang naisip ko ring mawawala na ang solemnity ng okasyon kapag dumami ang mga taong dadalo."

"Darling, kayang-kaya ni Mama na maglagay ng security group. Kung gusto mong isang libo ang guests natin, wala namang problema. Mangumbida ka pa on air," ani Larry.

Napatingin siya dito at hindi itinago ang pagtaas ng kilay. "I don't think that's proper. Saka hindi naman ako big time celebrity. Kahit iyong malalaking artista, hindi nangumbida on national TV. They made announcements of the wedding pero kontrolado pa rin ang guests."

"Okay," sansala ni Mrs. Cordova. "Malapit kong kaibigan si Pia Herrera. Kaya raw niya tayong bihisan in two week's time. Mabuti na lang at marami siyang staff at may mga available designs na rin siya. We'll just choose what we like at susukatan na niya tayo."

"Pero saan ang garden wedding?" tanong uli ni Jamie.

"Bakit hindi na lang sa mismong ancestral house namin?" sagot nito. "Doon na rin sa magiging silid nila ni Larry aayusan si Jenny. It has lots of room. Kahit lahat ng member ng entourage, puwedeng i-accommodate doon."

"Yeah, right. Doon na rin ako matutulog," ani Larry.

"Ano ka?" kontra niya agad. "Tita—" Mabilis siyang bumawi nang mag-react ang ekspresyon ng matandang babae. "Mama pala, ino-offer po ni Heidi iyong private resort ng pamilya niya. Pinaka-regalo na raw nila sa akin iyon. Maluwang iyon. Iyong isang area, doon na rin ang reception. Mayroong ding available rooms kung kailangang mag-stay doon the day before the wedding."

Tila nag-isip pa si Mrs. Cordova.

"Kung ako po," wika na niya agad. "Parang mas gusto ko po iyong place ni Heidi. Actually, ako pa lang daw po ang first time na gagamit ng resort. I mean, iyong hindi nila kapamilya. At ako rin ang unang ikakasal doon. Mukhang expected na niyang doon ang venue. Pinalinis na nga niya iyong lugar. Maganda rin, alagang-alaga ang landscape. Malaki ang swimming pool. Palalagyan daw niya ng tubig kung kinakailangan. Dinala na niya ako doon minsan."

"Siya ang producer mo, di ba? Kukunin mo ba siyang ninang?" tanong nito.

"Gusto ko nga sana pero ayaw niya kasi bata pa rin naman daw siya. Aabay na lang daw siya."

"Saan ba ang resort na iyon?"

"Sa Solana. Sa bungad lang naman ho," sabi na agad niya sa tonong iyon na talaga ang lugar na mas gusto niya.

"O, sige," ayon naman ni Mrs. Cordova. At pinag-usapan pa nila ang ibang detalye.


"HINDI KA ba nape-pressure lang na magpakasal?" tanong sa kanya ni Jamie habang nasa kusina sila at sinu-supervise ang paghahanda ng mesa para sa isang salu-salo. Hindi naman nila masyadong pinupuna ang kilos ng katulong ni Jamie. Idinahilan lang nito iyon upang makausap siya ng sarilinan.

"Bakit naman? Ang tagal nang plano nito, ah?" hindi niya naiwasang mapakunot-noo.

Hindi niya gusto ang nakikitang ekspresyon ng kapatid niya. Parang wala itong gana sa nangyayaring pamanhikan. Parang hindi ito supportive sa desisyon niya. And she hated it. Dalawa lang silang magkapamilya. All her life, nasanay siya na sa bawat hakbang ng isa, naka-full support ang isa pa. Bakit parang ngayon ay walang balak si Jamie na makisaya sa kanya?

Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love YouWhere stories live. Discover now