Part 34

575 43 1
                                    

TAMA nga si PJ. Kahit na naguguluhan pa siya, nang mahiga siya ay mas nanaig ang pagod niya. Bagaman gusto niya sanang mag-isip ay agad na siyang tinangay ng antok. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulog. Nang magising siya ay kalat na ang dilim sa paligid.

"PJ!" tawag niya. "PJ!" Tinungo niya ang pintuan at nakadama ng kaba nang kadiliman din ang napagbuksan niya.

"I'm here!" malakas na sagot nito sa kanya. "Don't move. Baka madapa ka." Mayamaya pa ay nakalapit na ito sa kanya, may dalang lampara. "Medyo malas tayo ngayon. Nag-brownout, eh. Kung kailan ko pa naman nalinis iyong ref at nai-switch saka nawalan ng kuryente. Gutom ka na?"

Noon pa lang siya naging aware sa pangangailangan ng bituka niya. "I think."

Napatawa ito. "Anong 'I think?' Tara na doon sa ibaba. Nakaluto na ako. Lumamig na nga, eh."

"Bakit, anong oras na ba?"

"Alas nueve na po. Ang tagal mong nakatulog. Akala ko nga, hindi ka na gigising, eh. Sinilip kita kanina. Tiningnan ko lang kung humihinga ka pa," pabirong sabi nito.

"Sana ginising mo ako."

"Pinagpapahinga nga kita, bakit kita gigisingin? O, may hagdan ha? Baka madulas ka," paalala nito.

Naitirik niya ang mga mata. "Grabe ka naman. Nakikita ko naman ang dinadaanan natin."

"Concern lang." He grinned.

"Alimango at hipon?" gulat na sabi niya nang makita ng nakahain. "Namalengke ka? Iniwan mo ako?" May panunumbat sa boses niya.

"Hindi kita iniwan. I told you, hindi ko gagawin iyon. May nag-alok lang niyan kanina. Natanaw na may sasakyan dito kaya lumapit. Mainam nga at hindi na ko napilitan na mang-raid sa kabilang bahay. Mas nakatira kasi sina Seb at Ayen sa kabila. Mas may laman ang cupboard doon." Nagsindi pa ito ng isang lampara bago nagsandok ng kanin. "O, paano, fight na!"

Kung gaano man ang sama ng loob niya sa nangyari ng araw na iyon ay walang dudang naibuhos niya nang husto sa pagkain. Si PJ pa ang sumuko sa kanya. Bandang huli, pinanood na lang siya nito habang kumakain pa siya.

"Delikado palang sumama ang loob mo. Mukhang magugutom ang barangay," tudyo nito sa kanya.

"Tse!" irap niya dito. "Pasalamat ka nga, kaysa magmukmok ako at mag-hunger strike, ganito ang trip ko."

"Oo naman. Mas masaya naman ako na nasulit ang pagod kong magluto. Hayaan mo, bukas, maghahanda ako ng manok. Iyon ang paborito mo, di ba?"

Tinigilan na niya ang pagpapapak sa sipit ng alimango. "Kumakain ako ng leftover, PJ. Sayang naman itong tira natin ngayon kung hindi natin uubusin bukas."

"Bah, matipid!"

"Praktikal lang. Hindi ko ugaling mag-aksaya ng pagkain." Kumilos na siya upang ligpitin ang kinainan nila.

"Ako na," agaw sa kanya ng binata.

"No, let me. Hindi ako invalid, PJ. I may be betrayed and heartbroken pero kaya kong gawin ang ganito. Hayaan mo ako, please?"

Tiningnan siya nito at saka marahang tumango.

"What's that sound? Alon?" aniya kay PJ na sinamahan siya sa kusina hanggang sa makapagligpit siya.

"Yeah. Bukas nang umaga, mamamasyal tayo sa tabing-dagat. Maganda ang lugar na ito. I'm sure, maa-appreciate mo."

"Bakit hindi pa ngayon?"

"Gabi na."

"And so? Hindi naman tayo maliligo, mamamasyal lang. Mabuti nga iyon, para makapagpababa ng kinain. Napasobra nga yata ako ng kain. Parang naninigas tuloy ang tiyan ko. Sige na, please?"

Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon