Part 13

420 28 3
                                    

"WALA NANG bawian, ha?" malambing na wika ni Larry kay Jenny habang magkatabi silang nakaupo sa sofa. Nakakawit ang kamay nito sa bewang niya at nakasandig naman siya sa dibdib nito. Parang solo na nila ang bahay dahil si Millet, matapos papasukin kanina si Larry ay nagkusa na ring pumasok sa sariling silid nito. At alam niya, hindi rin kusang lalabas si Millet doon maliban na lang kung tatawagin niya.

"Oo na nga, eh. Huwag ka nang makulit. Pumayag na ako. Baka mamaya, bawiin ko pa," nanunudyo namang sagot niya.

"Kasasabi ko nga lang na walang bawian, eh." Hinalikan siya ni Larry.

Ang halik nito sa kanyang pisngi ay dumausdos patungo sa mga labi niya. Hinayaan naman niya. At nang ganap na magtagpo ang kanilang mga labi, siya na rin ang kusang humalik dito. Napaungol si Larry. Mayamaya pa, habang lalo nitong pinalalalim ang halik ay nagsimula na ring maglikot ang mga kamay nito.

"Larry, ayan ka na naman," sabi niya na tinabig ang kamay nito at tinapos na rin ang halik. "Akala ko ba nagkakalinawan na tayo?"

Ngumiti lang ito at umayos ng upo. "Akala ko lang naman ay makakalusot."

Napailing na lang siya na inirapan ito.

Inabot ni Larry ang kamay niya. "Basta bukas, pagkatapos ng show mo, biyahe na tayo, ha? Ipapa-contact ko kay Mama iyong kumpare niyang may chopper. Doon na tayo sumakay para mabilis."

"Ano ka ba? Puwede namang by land bakit magtsa-chopper pa? Nakatawag na nga tayo kay Ate Jamie, di ba? Natural, expected nu'n na dating natin ay sa gabi na."

"Gusto ko nang makapamanhikan kami agad," eager na wika nito. "A few hours difference matters to me. Saka, huwag kang mag-alala. Tiyak namang isa sa principal sponsor natin iyong kumpare ni Mama na may chopper. Hindi nakakahiyang manghiram tayo."

"Bahala ka na nga."

Kinabig siya nito. "Basta ha? Malinaw na ang usapan, one month preparation lang. Actually, kahit nga two weeks puwede na, eh. God, Jen, gusto ko nang makasal tayo."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Tumigil ka nga, Larry. Ang tingin ko tuloy sa iyo, maniac na."

"Darling, hindi lang naman iyon ang dahilan kaya tayo magpapakasal. Mahal kita. And you know, ikaw lang naman ang hinihintay ko. Anytime, I'm willing to marry you."

"Oo na. Sige na. Mabuti pa, Larry, umuwi ka na. Gabi na."

Ngumisi ito. "Baka naman puwedeng dito na ako matulog?"

Pinandilatan niya ito. "No. Hindi puwede!"

"Sige na nga. Kiss na lang, please?"

Paano ba siya tatanggi kung ganitong napapayag na nga siya nito nang mas maaga sa petsa ng plano nilang pagpapakasal? "Okay," she said. Kinabig siya nito. Ang mga kamay ay nakakulong sa magkabila niyang pisngi. His tongue plunged into her mouth. Matagal na naglaro doon. "Tama na, Larry," habol niya ang paghinga nang makawala dito.

"Ang bilis naman," tila reklamo nito.

She smiled at him. "Pag kasal na tayo, magsawa ka hangga't gusto mo."

Ngumisi ito at halos nanghihibo nang hagurin siya ng tingin. "Hindi siguro ako agad magsasawa. Ilang taon mo akong tinorture, eh. Humanda ka, Jennifer, gaganti ako sa iyo. Next time, ikaw ang padadanasin ko ng torture na ginawa mo sa akin."

Itinaas naman niya ang noo. "Fine. Basta ang importante sa akin, kasal muna bago ang gusto mong iyan."

Tumayo na si Larry. "Be ready, ha? Bukas, pagkatapos ng radio program mo, diretso na tayo sa Manila. I'll make the necessary calls tonight. Pati na iyong couturier na kayang mag-rush ng attire natin." Pinisil nito ang pisngi niya. "Hindi mo mapapansin, lumagpas na pala ang dalawang linggo. By that time, I think we're already married."

"Two weeks! Isang buwan ang usapan natin."

"And so? Kung maaayos naman ang lahat ng kailangang ayusin in two week's time, di i-set natin ang kasal two weeks from now." Yumuko ito sa kanya at minsan pa siyang hinalikan. "Magiging Mrs. Larry Cordova ka na, Jen. Malapit na."

Itinirik niya ang mga mata niya sa kisame. "Basta siguruhin mong ako lang, Larry. Hindi na uubra sa akin ang mga fling mo kapag kasal na tayo. Kahit sila ang lumapit sa iyo, huwag mong papansinin."

"Opo. Nagpapaka-good boy na nga, eh."

Matapos ihatid si Larry hanggang sa may gate ay siya na rin ang nagkandado sa buong bahay. Nang pumasok siya sa kanyang kuwarto, parang nangangarap siyang nahiga at tumitig sa kisame.

Mrs. Cordova. Mrs. Jennifer Cordova.

Di, hindi na siya si Jennifer Lopez? Hindi na magiging katunog ng international celebrity ang pangalan niya. Hindi na siya maipagkakamaling si J.Lo.

Parang si Jaypee, kung hindi pa niya ito binawal na tawagin siyang J.Lo, tiyak hindi siya nito tatawaging Jenny.

She's getting married. Totoo na. Pakiramdam niya, mas totoo na ngayon kaysa nang isuot sa kanya ni Larry ang engagement ring. And she couldn't believe it. Ang alam niya, sinusuyo lang siya kanina ni Larry. Nanghihingi ng tawad sa pangungulit nito sa kanya. Then suddenly he offered marriage again.

Hindi na niya matandaan kung paano siya nito napapayag na mamanhikan na ito. But then, sinamantala na iyon ni Larry. Ito na ang mismong tumawag sa ate niya upang ipaalam na bukas na bukas din ay mamamanhikan na ito sa Manila.

Hindi na nagulat ang ate niya. Expected na rin naman nitong anytime ay posibleng mangyari iyon buhat nang ipaalam niya ritong binigyan na siya ni Larry ng singsing.

Kinakapa niya sa sarili kung na-pressure lang ba siya na magpakasal agad. Parang hindi naman. Actually, nang magdesisyon siyang umuwi sa Tuguegarao, handa na rin ang loob niya sa bagay na iyon. She was just buying some time. Pero ngayong maganda na rin ang trabaho niya roon, ano pa nga ba ang ipaghihintay niya?

Pinaka-ideyal nang magpakasal na nga sila. Lately, kaya sila nagkakagalit ni Larry ay dahil hindi niya maibigay ang inuungot nito. Tutal, handa naman itong pakasalan siya, di mabuti pa ngang pumayag na siya. Magiging bukal na rin sa kalooban niyang ibigay ang sarili dito dahil asawa na niya ito.

Wala sa loob na inabot niya ang cell phone. Nagulat pa siya nang makitang may tatlong missed calls na nakarehistro doon. Pawang kay PJ galing ang tawag. Naisip niyang masyado nang gabi para mag-return call siya. Nag-send na lang siya dito ng text message na hindi niya narinig ang tawag nito.

She was busy. Busy with Larry and their wedding plans. Pero hindi na niya inilagay ang paksang iyon. She was busy. Period.

Nang mai-send niya ang text, bumalik siya sa pagkakatitig sa kisame. Parang hindi pa siya makakatulog agad dahil sa napag-usapan nila ni Larry. She was excited. Kahit naman nag-aapura si Larry na makasal sila, hindi pa rin niya maiwasang planuhin ang sariling kasal.

Nag-iisip siya ng color motif nang tumunog ang cell phone niya. Mabilis niyang dinampot uli iyon.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love YouWhere stories live. Discover now