Part 24

428 41 0
                                    

"KUMUSTA?" tanong nito sa tono na hindi niya alam kung ayaw siyang kausapin o ano. "Kagabi pa ako tawag nang tawag sa iyo. Pinatay mo ang cell phone mo."

"Yes. Ayokong makipag-usap kahit kanino. I'm fine now. Uutusan ko nga pala si Millet diyan sa farm mo. Ipapadala ko ang invitation."

Napapalatak ito. "Are you sure? Gusto mo bang mauwi sa action ang eksena sa kasal mo?" may disgustong wika nito.

"PJ, huwag ka namang ganyan. I really want you to be there."

"Ikaw. Pero hindi naman ikaw lang ang magpapakasal. Mabuti pang hindi na ako pumunta. Hindi naman ako kailangan doon."

"No. Nag-usap na kami ni Larry. Alam naman niyang gusto kitang imbitahin. Naiintindihan niya. You are my friend, PJ. Please be there."

"Ayokong mangako. Baka pag nagkita kami ng lalaking iyon, magkabasagan na naman kami ng mukha. Mainit ang dugo niya sa akin. At aaminin ko, pareho lang naman kami ng nararamdaman sa isa't isa."

"Basta, papupuntahin ko riyan si Millet," nagtatampong sabi niya at tinapos na ang pakikipag-usap. Pagbaba niya, nagulat siya nang makitang magkausap sina Lulu at Larry. Magkatabi pang nakaupo ang mga ito. At nakahawak pa si Lulu sa hita ni Larry!

"O, Lulu, napasyal ka?" malamig na sabi niya matapos ipamalay ang kanyang presensya. At nakita niyang tila pati si Larry ay nagulat sa kanyang pagsulpot.

"Ay, pinsan," tila umikot ang pang-upo na napalingon sa kanya si Lulu. "Iyon kasing gown ko, medyo masikip sa hips. Tumaba siguro ako. Sinasabi ko nga dito kay Larry, baka puwede nating ipa-adjust. Ang pangit naman kasi na mukhang pumuputok sa akin iyong damit."

Hinagod niya ito ng tingin. Dalawang araw lang mula nang sukatan ito ng gown at dahil rush, natapos na ang gown. Hindi siya naniniwala sa sinabi ni Lulu. Her woman's instinct was telling her a different thing. Lumipad ang tingin niya kay Larry. at parang nais umusok ng butas ng ilong niya nang mahuli itong nakapako ang tingin sa pang-upo ni Lulu.

Relax, Jen. Breathe. One... two...

Nginitian niya si Lulu. "May lakad kami ni Larry, eh. Itatawag ko na lang sa couturier na pupunta ka roon. I'm sure, gagawin niya ang alteration. Dalhin mo na roon iyong gown. Isukat mo sa harap niya para makita niya ang gagawing adjustments."

Tila napangiwi si Lulu. Nilingon nito si Larry. "Akala ko, ihahatid ninyo ako doon? Di ba, sabi mo iyong pupuntahan ninyo ni Jenny, malapit lang doon sa shop?"

Mabilis siyang sumingit. "Lulu, may naisip akong puntahan." Saka siya lumapit kay Larry. "Nag-text sa akin si Heidi. Gusto niyang dumaan tayo sa Solana ngayon. Ready na raw iyong venue. Tingnan daw natin para kung may gusto pa tayong ipabago, magagawan pa ng paraan."

Nakita niyang nadismaya si Lulu. "Kungsabagay, doon pa sa may CSU iyong shop, baka sa modista na lang diyan sa kapitbahay ko ipa-adjust ang gown. Ang hirap mag-commute, eh. Ang init pa naman ngayon."

"Ikaw, bahala ka. Paano, aalis na kami ni Larry? Mauna na kami sa iyo." Hinila na niya si Larry palabas. Nang nakasakay na sila sa kotse ay saka siya bumaba uli. "May sasabihin nga pala ako kay Millet."

"Huwag mo nang landiin si Larry. Nakita mo nang ikakasal na iyong dalawa, nilalandi mo pa!" Narinig niya ang tinig ni Millet.

"Bakit, makakapaglandi ba ako kung walang magpapalandi?" parang palengkerang sagot ni Lulu.

"Millet!" malakas na tawag niya. Nahuli niyang tinutop ni Lulu ang bibig. Inignora niya ito at kinausap ng sarilinan si Millet. "Iyong invitation sa kuwarto ko, dalhin mo kay PJ. Nandoon na rin iyong sketch nu'ng farm niya sa Iguig. Madali lang puntahan. Hindi ka maliligaw."

"Sige! Makikita ko uli si Mr. Pogi."

Napangiti na lang siya. "Bahala ka na. At iyang si Lulu, kung hindi lang kay Auntie Zeny, hindi ko iyan kukuning abay. Gusto ko na nga rin iyang itakwil na pinsan!"

"Sinabi mo pa, Ate. Nakakainis nga, eh. Ang landi-landi. Susulutin pa yata sa iyo si Kuya Larry."

"Kung noon, nakalusot siya, hindi na ngayon," mataray na sabi niya.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love YouWhere stories live. Discover now