PAHINA 6

165 9 0
                                    

#SOTPPangasinan

"Amanda, mag-iingat kayo ni Joven. Ang iyong kilos, pagkaingatan mo at nawa'y huwag kang maging mapangahas dahil tiyak na may kalalagyan ka," bilin ni Inang. Tinaasan pa ako ng kilay kaya napaikoy din ang mata ko kasi naman wala siyang tiwala sa'kin. Kasalukuyan akong nag-iimpake sa room ko.

Well, hindi ko naman 'to gamit actually. Kay Inang! Wala akong gamit dito eh hehe. Napatigil ako sa ginagawa ko at humarap kay Inang.

"OA mo naman Inang! Mapangahas talaga? Behave lang ako 'no," nakangiting sabi ko at kumurap-kurap pa o nagbeautiful eyes. I zip my mouth pa kaya napangiwi si Inang.

"At ang iyong pananalita rin. Bawas-bawasan mo ang paggamit ng dayuhang salita at hindi ka nila mauunawaan." Umiling-iling pa si Inang.

"Para mapractice sila Inang tutal doon din naman mapupunta iyon eh. Masasakop pa rin tayo ng mga Amerikano at--"

"Hindi ka sigurado." Sinamaan ako ng tingin ni Inang. "Kasalukuyan kang naririto sa nakaraan at hindi mo ba nalalaman? Maaari mong baguhin ang kasaysayan. Anupa't iyong ililigtas si Gregorio Del Pilar kung hindi niya naman mapoprotektahan ang ating bayan? Mag-isip ka, Amanda."

Dahil sa sinabi ni Inang, napaisip nga ako. May point siya! May pag-asang hindi tayo masakop ng mga Amerikano ngayon kapag mas pinagtibay ang mga sundalo.

Kaya naman I'll do my best to save Gregorio Del Pilar, the hero of the Tirad Pass! Kung siya ay hero of tirad pass, well ako, hero of the hero of tirad pass!

"Bueno, Binibining Amanda, ikaw ba ay handa na?" Magalang na tanong ni Joven. Ngumiti pa siya sa akin. Wow, 'yung tanong niya parang si Korina Sanchez ah. Gusto mo bang marinig ang mga kwento~

Nakaayos na ang kaniyang maleta at bitbit niya na ito. Nakasuot siya ng sinaunang chaleco or waistcoat na brown at nakalongsleeves na puti. Nakasuot din siya ng black beret, 'yung sumbrero ng mga French and nakasalamin siya since malabo ang mga mata niya. Nakasuot din siya ng bota.

"Wow Joven! Bongga ng pormahan natin dyan ah! Para kang pupunta sa runway fashion show!" Natatawang sabi ko at tinapik ang likod niya. Hinawakan ko rin ang suot niya at dinama ang details. Grabe mukhang mamahalin. Mayaman kaya sila?

"Amanda! Kasasabi ko lang!" Paninita ni Inang habang nakakunot ang noo. "Ang iyong panalita at kilos ay kakaiba."

"Dahil nga isa akong kakaibabe. Swerte mo kung mapagbibigyan~" kumanta pa ako pero nahinto na dahil lumabas na silang dalawa sa kwarto. Sumunod naman na ako. "Inang, kumakanta pa ako! Akong isang kakaibabe, kakaibabe~

"Joven, mag-iingat kayo ni Amanda. Ikaw na ang bahala sa kaniya at iyong emosyon," umiling si Inang. "Huwag kang magpadalos-dalos."

"Opo, Inang."

"At ikaw, Amanda!" Tinaasan niya ako ng kilay... at ng boses na rin. "Ang mga itinuro ko sa'yong panggagamot gamit ang halaman, iyong alalahanin dahil ikaw ay magsisilbing manggagamot nila."

"Yes, Inang! Surely!"

"At iwasan mo rin ang pagkanta! Baka mamaya'y bumagyo, at magdulot ito nang malaking pinsala."

"Eh! Inang naman eh!

Sa nakalipas na araw, tinuruan niya ako dahil mamasukan daw ako bilang nurse dito. Tandang Sora lang ang peg.

"Handa ka na ba?" Tanong ni Joven habang nakangiti.

"Readying-ready!" Nakangiting sagot ko. Napatingin ako sa labas. "Wow sasakay na naman ako sa kalesa!" Masayang sabi ko at napatakip pa sa bibig ko.

Susi Of Tirad PassWhere stories live. Discover now