Gregorio Del Pilar V

67 1 1
                                    

MAKALIPAS ANG LIMAMPUNG TAON...

"Talaga ho, Lolo Goyo? Totoo ba ang gano'ng kwento?" tanong ng aking apo, si Amalia. Limang taong gulang palang siya, ngunit siya'y matalino kung kaya't hindi siya agad-agad naniniwala. Napakamot siya sa kaniyang ulo.

"Ano ka ba, Amalia? Totoo ang mga diwata at walang imposible! Kaya naniniwala ako kay Lolo Goyo na may nakilala siya noong kabataan niya na nagmula sa hinaharap!" Nakangiting saad ng isa ko pang apo, si Nerilla. Siya ay sampung taong gulang na, ngunit siya'y naniniwala pa rin sa mga hiwaga. Ang apo kong ito, talagang siya'y naniniwala sa mga kwento ko. Mula sa mga kwento ko sa pakikipaglaban ko sa mga Kastila, Amerikano, at Hapon, hanggang sa kwento ko sa binibining minsan kong minahal.

Kasalukuyan kaming nasa bahay-kubo. Nagpapahangin kami rito at kinukwentuhan ko sila ng tungkol sa babaeng minsan kong minahal ngunit syempre, hindi ko tinukoy na ang babaeng mahiwaga at nagmula sa hinaharap ay minsan kong minahal. Baka ako'y kanilang isumbong sa kanilang lola.

"Napakahirap naman paniwalaan ng iyong sinasabi, Lolo Goyong! Tila ba'y kami ay inyong nililibang lamang upang hindi namin maalala ang paglisan ng aming mga magulang.

"S-sina Ina at A-ama! Huhuhu!" Nagsimulang humagulgol ang apo kong si Nerilla. Siya'y malapit talaga sa kanilang mg magulang, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit siya ang umiyak gayong mas bata si Amalia.

"Hay naku, Apo. Hindi ba't nagtungo lamang sandali sina Gorio at Medios sa inyong lola? Sila'y papasyal sa isang kakilala. Hayaan niyo na muna ang inyong mga magulang. Ayaw niyo ba kaming makasama?" Pagpapaliwanag ko ngunit hindi iyon nakatulong. Ako'y napakamot na lang sa aking ulo.

"Ano't kay iingay ng mga apo ni Gregorio?" Biglang sumulpot ang matandang nakasuot ng sumbrerong buri. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang magtama ang aming mga mata.

"Naku, tigilan mo na naman ang mga apo ko, Julian," natatawang sabi ko. "Naligaw ka yata? Anong mayroon?"

"Wala naman. Bawal bang bisitahin ng isang kuya ang kaniyang nakababatang kapatid?" Natatawang sabi niya at napailing ako. Si Amalia at Nerilla ay lumapit sa kanilang Lolo Julian upang magmano.

"Maaari naman. Halina't magtungo na tayo sa loob ng aming tahanan. Nakapagluto naman na yata ang aking asawa. Masarap magluto 'yon!"

"Mas masarap kayang magluto si Laviña! Halina nga!" Ang Laviñang tinutukoy niya ay ang pinsan ni Joven. Sa huli, sila ang nagkatuluyan. Mabuti pa sila.

Gayunpaman, masaya naman na ako. Ikinasal na ako sa babaeng laging nariyan sa aking tabi at hindi ako iniwan, simula noong panahon ng Kastila, Amerikano, Hapon, at hanggang sa ngayon. Nagkaroon kami ng dalawang anak na sina Felicia, ang aming panganay at Gregorio, ang bunso. Pareho silang nakapagtapos ng pag-aaral at pareho ring may kani-kaniya ng pamilya. Kaya naman dalawa na lang kami ngayon ng aking asawa ang naninirahan dito.

Ilang hakbang lang ang aming tahanan dito sa maliit na kubo. Ito ay aming tinatambayan sa tuwing wala kaming magawa at nais naming magpahangin. Malapit kasi ito sa ilog.

"Siya nga pala, kasama mo ba si Laviña?" Tanong ko. Isang bayan lang ang pagitan namin, ngunot kay tagal na ng aming huming pagkikita. Matatanda na kasi, kung kaya't tamad na umalis ng bahay.

"Oo naman. Siya nga ang nagyaya rito sapagkat siya raw ay naiinip. Alam mo naman ang aking asawa, nanghihina kapag hindi nakakasagap ng chismis," nagtawanan kami matapos niyang sabihin iyon.

Susi Of Tirad PassWhere stories live. Discover now