PAHINA 29

91 6 0
                                    

Ito na ang ating huling sandali
Nawa'y sumang-ayon sa atin ang langit
Kung hindi tayo para sa isa't-isa
Hangad ko pa rin ang iyong ligaya
-Goyong

Nagising ako dahil sa tilaok ng manok. Hindi pa sumisilip ang araw at binabalot pa ng kadiliman ang kalangitan. Nang lumingon ako sa aking kanan ay sinalubong ako ng napakagwapo at nakabibighaning mukha ni Goyo. Ang himbing ng kaniyang tulog na para bang hindi posibleng mamatay siya ngayon.

Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at dinama ang init ng kaniyang mukha. Napangiti ako dahil masaya akong minsan sa buhay ko, nakilala ko siya. Ang lalaking wagas kung magmahal hindi lang sa babae, kung hindi sa kaniyang inang bayan din. Sa hindi inaasahang pagkakataon, tumulo ang aking luha.

Hindi ko alam kung anong oras na, pero bumangon na lang din ako dahil alam kong hindi na ako aantukin. Hindi na ako dadalawin pa ng antok dahil sa panganib na dala ng araw na ito. Sa halip, nagtimpla na lang ako ng kape para sa akin at hinanda ko na rin ang kape ni Goyo na mamaya ko na titimplahin, paggising niya.

Nilaga ko rin ang kamote. Ito na lang kasi ang natitira naming pagkain dito pero sapat pa naman ito sa amin dahil marami pa ito. Naglaga ako ng lima para sa aming dalawa ni Goyo. Matapos kong malaga iyon ay lumabas ako na may dalang kape at isang pirasong kamote upang magpahangin sana.

"Madaling araw pa lang, nagkakape ka na? Hindi ka na makakatulog niyan," wika ni Joven, pagkatapos ay humigop siya ng kape. Mayroon din siya kaya naman natawa ako.

"Wow ha! Nagsalita," sabi ko at inirapan siya. "Anong ginagawa mo rito? Madaling araw pa lang, matulog ka pa."

"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" Tumingin siya sa kubong tinuluyan ko. "Sa silid ng heneral? Bakit...d'yan ka natulog?"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at nakaramdam ako ng kaunting hiya. Kaunti lang naman. Napainom ako ng kape habang nag-iisip ng ipapalusot.

"Tigilan mo nga ang pagbabalik ng tanong sa akin! Ikaw ang tinatanong ko kung bakit ka nandito ah!"

"Bakit hindi mo masagot?" Tila nambabara niyang tanong. Umigting ang panga niya at humigpit ang hawak niya sa baso. "'Wag mong sabihing... Hindi bale na nga. Amanda, alam mo naman na sigurong ito na ang iyong huling araw dito, hindi ba?"

Mapait akong ngumiti sa kaniya. "Ngayong araw namatay si Goyo noon. Naipaliwanag sa akin ni Inang na ang misyon ko ay hanggang mailigtas ko lang si Goyo sa Tirad Pass. Ngayong araw na iyon, kaya oo, alam kong hanggang ngayong araw na lang ako," ngitian ko siya. "'Wag mo naman sana akong awayin o kwestyunin pa. Ito na ang huling sandali ko rito eh. H-hindi..." kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang paghikbi ko. "Hindi na tayo magkikitang muli."

Tumulo na ang taksil kong luha. 'Pag lumuha pa naman ako, mahirap nang pigilan ito. Pilit kong pinupunasan ang mata at pisngi ko pero ang hirap kalabanin ang damdamin. Hindi ko na rin mapigilan ang paghikbi ko.

"M-mamimiss kita, Joven," naiiyak na sabi ko. Ito 'yung ayaw ko sa'kin eh! 'Pag naluha ako, naiyak ako habang nagsasalita na parang batang inagawan ng candy. "Ano bang Tagalog ng miss? Uhm, mangungulila ako sa'yo kapag nakabalik na ako sa panahon ko. Salamat kasi nakilala kita. S-salamat kasi lagi mo akong sinasalo sa tuwing n-nagkakamali ako. P-pasensya ka na rin dahil madalas, masama ang ugali ko sa'yo. K-kumportable na kasi ako sa'yo eh. P-para bang kahit anong katangahang ikilos ko, maiintindihan mo pa rin naman ako. K-kaya..."

Susi Of Tirad Passحيث تعيش القصص. اكتشف الآن