PAHINA 28

93 6 0
                                    

Ang tunay na pagmamahal ay walang pinipiling tao, edad, at panahon
Iniibig ko si Gregorio Del Pilar, paano ako makakabangon?
Sa oras na ako'y lumisan sa panahong ito
Hindi ko alam kung makakaya ko
-AMANDA

"A-amanda? A-ang iyong ginawa ay isang..." hindi matapos-tapos ni Remedios ang kaniyang sasabihin kaya si Goyo na ang nagtuloy.

"Himala. Ang babaeng ito ay isang misteryosa at milagrosa."

"G-goyo," nanginginig na sabi ko habang naluluha ang aking mata. Hindi ko mabasa ang kaniyang nararamdaman. Malamig ang tingin niya sa akin at parang wala lang ito sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagpapaliwanag ko.

"Tayo'y humayo na, 'pagkat maaari tayong maabutan ng mga Amerikano," iyon ang sinabi ni Goyo at muli niyang inalay ang kamay niya sa aming dalawa ni Remedios. Nang tanggapin namin iyon ay agad kaming tumakbo na pagkabilis-bilis. Ito na 'yung sinasabi nila na "Run for your life," kasi kapag naabutan kami, tigok talaga.

Sa awa naman ng Diyos ay nakaligtas kami. Grabe ang pagod namin pagkauwi kaya naman hinihingal kami habang paakyat kami ng bundok, kung saan kami nag-iistay. Sinalubong kami nina Inang, Joven, Laviña, Felicidad, at iba pa.

"Susmaryosep kang bata ka! Lagi mo na lang kaming pinag-aalala," naluluhang sabi ni Inang at niyakap ako. Naramdaman ko rin ang yakap ni Laviña at dahil doon, napaiyak ako.

'Yung iyak na 'yon, sama-sama na. Iyak para sa nangyari sa akin kanina, muntik na akong mamatay. Iyak dahil nalaman na ni Goyo ang powers ko and hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon and lastly, iyak para sa love story namin ni Goyo na malapit nang magtapos dahil bukas na ang battle of the Tirad Pass. Wala nang atrasan ito.

"Remedios? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Felicidad. Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat na makita ang dati niyang karibal. Binalot kami ng katahimikan dahil hindi alam ni Remedios ang kaniyang isasagot. Gano'n din naman si Goyo. Mabuti na lang, magaling ako magsinungaling, expert ako riyan. Iba kasi 'yung convincing powers ko.

"S-siya'y d-dinukot din ni E-Eraño," nakangiting sani ko at tumango-tango pa para maniwala sila. Mas lalo naman silang naguluhan, nalaglag ang panga ni Inang, kumunot lalo ang noo ni Felicidad, at napakamot sa ulo si Laviña. Kinukuto na yata, ilang araw ba namang hindi nakakaligo nang maayos.

"Huh? Eh bakit tila ika'y masaya pa? At bakit ka nauutal?" Malakas na pagkakasabi ni Laviña ngunit hindi ito pasigaw. Ngayon ko lang narealize na nakangiti pala ako kaya bigla akong sumimangot. Mas lalo silang naguluhan sa ikinikilos ko.

"Hindi kaya ikaw ay nagsisinungaling?" Bumoses na si Inang at tinaasan pa ako ng kilay.

"A-ano ho? Hahaha!" Awkward akong natawa. "B-bakit n-naman po ako m-magsisinungaling. Ano ho ba dapat? Si Remedios ay kasabwat ni Eraño? M-malabo naman po iyon!" napapikit ako nang mapagtantong utal-utal ako at diretso kong nasabi na kasabwat ni Eraño si Remedios, dahil iyon ang totoo.

"May punto naman ho si Amanda," sabi ni Felicidad. "Ano pa nga bang ginagawa natin rito? Tayo'y tumuloy na sa bahay-kubo at magpahinga na. Bukas ay may matindi pa kayong laban, Goyong. Malamig na ang gabi."

Susi Of Tirad PassWhere stories live. Discover now